"Hi, babe!" tawag ni Lavina sa kanya nang makasalubong niya ito sa lobby pagdating ng tanghali. Isang tipid na ngiti ang pinakawalan niya at agad na umiwas dahil tinangka nitong iangkla ang kamay sa braso niya. Nagawa man niyang iwasan ito sa mga sandaling 'yun, wala rin siyang nagawa nang ipatawag siya ng ama sa opisina nito bago mananghali. "Hey, what brings you here?" "Hindi mo na 'ko tinawagan bago ako umalis papuntang California. Naghihintay din si Dad sa tawag mo." "I thought the negotiation was over? Umatras na kayo sa merging ng Albano Hotels at Prince Hotel, hindi ba?" baling niya sa ama. Umupo siya sa sofa para mailayo ang sarili sa dalaga pero lumipat ito at naupo sa kabilang sulok naman. "We still want the merging to push through. Mas magiging matatag ang kumpany

