Pag-uwi nila sa mansyon ay agad silang sinalubong ni Ethan na tulog pa kanina nang umalis sila. Tuwang-tuwa ang bata nang ipaalam ni Ezekeil na ikakasal silang dalawa. Nang magpasya naman ang kasintahan na ilipat ang gamit niya sa silid nito ay tumanggi siya. "Mag-asawa na tayo dati pa," katwiran naman ni Ezekeil. "Bakit kailangan pang hintayin ang kasal bago ka lumipat?" "Technically, we're not yet married. Ilang linggo na lang naman, Zek." "Baka naman pinag-iisipan mo pang takasan ako?" nakangiti nitong wika pero may kahulugan. "Of course not. Dito na nga ako nakatira, hindi ba?" "At gusto kong pumasok ka pa rin sa opisina, sweetheart. Pagkatapos ng kasal ay tutulungan mo pa rin naman ako sa pagpapatakbo ng kumpanya, hindi ba?" Tumango siya at ngumiti bilang pagsang-ayon.

