“Did I not tell you not to go home this late?” wika ng baritonong boses na kinasasabikan niyang marinig. Nagulat siyang nasa harap ito ng reception area ng Hotel dala ang gamit nito na marahil ay kararating lang. Alas otso y media na ng gabi. “Wala kasi si Fate, maysakit. Si Ate Mia naman parating pa lang dahil maysakit din ang anak.” Napabuntung-hininga na lang ito dahil alam nitong wala siyang choice kung hindi mag duty hangga’t hindi pa dumadating ang kapalit niya. “Naghapunan ka na ba?” masuyo nitong tanong. “Oo, kanina pang alas sais. Kararating mo lang?” tanong niya dito. “Yeah. Magpapahatid ako ng pagkain sa silid ko, umakyat ka kapag tapos na ang duty mo.” Tumango naman siya at sinundan ng tingin ang binata patungo sa tinutuluyan nito kapag nasa Hotel. Kalahating

