Chapter 10

1558 Words

Inilapag ni Hannah ang maleta sa condo na pinaghatiran sa kanya ng boyfriend na si Ezekeil.  Ang sabi nito’y maliit na apartment lang pero nasa high-end condominium ito at ang unit mismo ay tila mas malaki pa sa bahay ng Lola niya. Pagkatapos ng mahabang diskusyon sa paglipat niya ng eskwelahan ay napapayag rin siya nito na mag-transfer kahit sa huling taon niya sa kolehiyo.  At sa mga oras na ito’y alam niyang tuluyan na siyang nagpa-alipin sa binata.  “Napakalaki nito, Zek,” pagtanggi niya sa kasintahan ng suriin niya ang kabuuan ng silid.  “Huwag mong problemahin ‘yan, sweetheart.  Ang importante ay komportable ka,” wika naman nito.  Lumakad ito at hinapit siya sa baywang.  Agad naman siyang umiwas nang maramdaman ang init ng katawan nito.  Hindi niya gustong humantong sila sa oras

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD