Chapter 13

2081 Words

Pagbaba niya ng taxi ay agad niyang pinuntahan ang silid sa ospital na itinawag ng ama. Agad namang bumungad sa kanya ang mukha ng ama na payat na at hapis ang mukha.  Kahit paano'y nakunsensya siyang hindi niya ito nakukumusta mula nang maging abala siya sa pag-aaral at pagtatrabaho. Nang makita siya ay agad itong ngumiti.  Napansin rin niya ang batang kasama nito na nasa isang taong mahigit marahil.  Hindi niya nalaman na nag-asawa na ang kapatid at nagka-anak.  Kunsabagay ay wala rin silang naging komunikasyon kahit ng ama. "Salamat at nadalaw mo kami ngayon, anak. At masaya akong makitang maganda ang kalagayan mo," tila naluluha nitong wika habang pinupunasan ang gilid ng mata. Sya man ay nangingilid rin ang luha sa napagmasdang anyo ng ama. "Pasensya na po, 'Tay, naging abala po ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD