Agad niyang hinabol si Hannah nang makita niyang dagli itong lumabas ng pinto. Naabutan niya ito habang naghihintay ng pababang elevator. Nang hawakan niya ang siko nito ay agad nitong iwinaksi at sumakay sa bumukas na elevator, agad din siyang sumakay. Walang salitang namutawi hanggang sa hilahin niya ito sa parking lot. "Please listen to me, Hannah." "Ikaw ba ang ama ni Ethan?" "Hannah.." "Ikaw ba?!" Pasigaw nitong tanong. Marahan siyang tumango at agad bumalong ang luha nito na hindi niya kayang tingnan. "Hindi ko masabi dahil ayokong iwasan mo ako. I don't want to loose you. I love you, Hannah." "Kailan mo pa nalaman na magkapatid kami?" "I didn't know you were sisters. Nabanggit niya lang kanina na kinausap ka niya, but I didn't know that you were the Hannah she was referring

