SUNOD- SUNOD ang mensaheng natanggap ni Ethan nang muli niyang buksan ang kanyang cell phone. Una niyang binasa ang text ni Tita Leny, tinatanong nito kung kailan siya babalik mula sa biglaang pagbabakasyon niya. Ang iba ay mula sa pamilya at mga kaibigan niya na pawang kinukumusta siya. Lance was looking for him, too, but he just erased his message. Hindi nababawasan ang galit niya rito.
Nag - text din si Celine sa kanya, nagtatanong ito kung bakit naka–off ang cell phone niya. Sinabi pa nito na may biglaan itong show sa Guam at dalawang linggong mawawala. Binura rin niya ang message nito. Wala siyang pakialam kung saang impiyerno pa ito magpunta.
Muli niyang ini-off ang kanyang cell phone nang masabihan ang pamilya at mga kaibigan na okay lang siya. Nangako rin siya kay Tita Leny na babalik pagkatapos ng dalawang linggo. Nakapag–advanced taping naman na siya sa show niya at wala naman siyang ibang proyekto. Hindi pa rin kailangan ng presensya niya sa mga business ventures niya kaya walang magiging problema sa biglaang pagkawala niya.
Ang akala ng lahat ay naroon siya sa resort ng pamilya nila sa Palawan. But he was not, nasa isang island resort siya doon din sa Palawan na pag–aari ng pamilya ng isang malapit na kaibigan. That place had always been special to him. Doon siya nagpupunta kapag depressed o masama ang loob niya. Half of the island was open for public and the other half was exclusive only to Monteclaro and Narvantez family, and close friends, that included his family.
May isang malaking beach house, at anim na log house sa pribadong resort ng isla. Okupado niya ang isa sa mga log house na nakalaan talaga sa pamilya niya. Nagkataong nag–iisa lang siya sa private resort dahil kasalukuyang naglilibot sa buong mundo ang mag–asawang Narvantez kasama ng kanyang mga magulang.
Dala ang ilang lata ng canned beer ay lumabas siya ng log house at naglakad patungo sa dalampasigan. It was eight in the evening. Kalmado ang mga alon na mahinang humahampas sa puting buhangin, maliwanag din sa paligid dahil sa liwanag ng buwan at nagkalat na lamp post. Romantiko ang lugar subalit hindi niya pansin iyon dahil nag–iisa siya. Pero tamang–tama lang ang lugar para makapagmuni–muni siya.
Naghahanap siya ng magandang spot na mauupuan nang isang babae ang biglang sumulpot sa harapan niya at binangga siya.
“What the…” bulalas niya nang mabitiwan niya ang dala–dala.
“Get out of my way!” mataray na sabi nito bago siya nilagpasan.
Inis na humabol siya rito. Hinawakan niya ito sa braso at hinila paharap sa kanya. Ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang mapagmasdan ang mukha ng babae.
“T - Tammy?”
Natigilan din ang babae.
“Ethan?”
“A – anong ginagawa mo rito?”
Sa halip na magsalita ay isang malakas na sampal sa kanyang pisngi ang isinagot nito sa kanya. Halos mabingi siya sa lakas ng sampal kaya kaagad uminit ang ulo niya.
“Sumusobra ka na sa kakasampal sa akin nang walang dahilan!” singhal niya habang mahigpit ang pagkakahawak sa braso nito.
Pumiksi ito pero hindi pa rin niya binitiwan. “Walang dahilan?” sikmat nito. “You have no idea how much you’ve hurt me!”
“How many times do I have to ask for your forgiveness? It’s been twelve years, Tamara. Mga bata pa tayo noon, mapusok at pabago–bago ng isip."
“Pero nangako ka!” sumbat nito sa basag na tinig. Natigilan siya nang makita ang pangingilid ng luha sa mga mata nito. Bigla siyang huminahon. Tulad ng dati, makita lang niya itong umiiyak ay lumalambot na siya.
“I just did what I thought was the best for you. Look at you now, you’re famous all over the world. You got everything that you wanted,” aniya sa kalmado at mahinang tinig.
“Except you, Ethan. I would trade everything that I have right now just to have you in my life again!”
“Tammy…” hindi siya makapaniwala sa narinig. Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso.
Halatang nabigla lang din ito sa sinabi. Mukha rin itong lasing dahil sa hindi na makatayo nang diretso. Gayunpaman, naniniwala siya na totoo ang sinabi nito.
Muling tinangka ni Tamara na lumayo sa kanya ngunit hindi pa rin niya ito binitiwan. Nang makitang tuluyan na itong napaiyak, hindi na niya napigilan ang sarili.Hinila niya ito at niyakap nang mahigpit. Hindi niya ito binitiwan kahit nagpupumiglas ito habang sinusuntok – suntok ang likod niya.
“God, I miss holding you like this,” bulong niya rito nang tumigil ito sa pagpupumiglas nang tila makaramdam ng pagod. Nakayakap na rin sa kanya.
“I hate you, Ethan,” humihikbing tugon nito.
“I know, Tammy. I know.”