Chapter Eight

1033 Words
TINUPAD ni Daena ang pangako nitong pagsunod kay Tamara sa Palawan. Mas lalong na–enjoy ni Tamara ang bakasyon dahil may kasama na siya.         “So, why you broke up with Fran?” naisipan niyang itanong nang maubusan na sila ng mapag–uusapan. Nasa verandah sila ng hotel room ng gabing iyon, kapwa sumisimsim ng wine. Nabanggit na niya kay Daena na nakita niya sa resort ang dati nilang kaklase.        Napangiwi Daena sa hindi inaasahang tanong pero kaagad ding nagkuwento. “I was so busy with my career that time. Ilang date namin ni Fran ang hindi ko nasipot at kung dumating man ako lagi pa akong late. Pero hindi naman siya nagagalit sa akin at inuunawa pa ako. Kapag nagkakatampuhan kami, laging siya pa ang unang nakikipagbati. Naging unfair na ako sa kanya. I was so lucky to have him but then I realized I don’t deserve someone like him so I decided to set him free. Ayaw niya noong una pero noong naging busy na rin siguro siya sa trabaho, tumigil na rin siya sa pangungulit. Naging magkaibigan pa rin naman kami. He met someone later on and got married.”       “But you over him, right?” tanong pa niya.         Ngumiti si Daena. “Yes. Matagal na iyon, Tammy. And I’m dating someone now."         Napangiti rin siya. She believed her. Halata sa aura ni Daena na masaya ito sa estado ng love life nito sa kasalukuyan. “I like Fran’s wife Angela. She's beautiful and very nice."        “True. Magkaibigan din kami ni Angela. Inaanak ko ang panganay nila ni Fran. Minsan nakakalaro ko pa siya ng badminton sa Friend Jungle.”        “Friend Jungle?”         "It’s a sports club and fitness center na pag – aari ng parents nina Fran at Ethan.”         “I see,” napapatango niyang sabi. Namagitan sa kanila ang sandaling katahimikan.         'Tammy,” untag ni Daena sa kanya. Napatingin siya rito. “Tungkol sa nangyari sa studio, puwede ko bang malaman kung bakit mo ginawa iyon kay Ethan?” maingat na tanong nito.         Napabuntong–hininga siya. Sandali niyang inalala ang nangyari nang araw na iyon bago sumagot. “It was a long overdue punishment, Daena. I never got a chance to do that. He deserve more than that.”        “But you over him, right?” tanong pa nito.         “I’m getting there."         “Oh!” sambit ni Daena. “But you’re engaged."        “I broke up with Johannes months ago.”         Tila namamanghang tinitigan siya ni Daena. “Alam mo bang pag–aari ng pamilya ni Ethan ang resort na ito?”         “Ano?” gulat niyang sabi. “Hindi ko alam. Si Laura ang nag-booked sa amin dito."        “Okay."         Muling namagitan sa kanila ang katahimikan. Tulad niya at nahulog din sa pag-iisip si Daena. Iniisip niya ang posibilidad na magkita silang muli ni Ethan gayong nasa teritoryo siya nito. Ano’ng gagawin niya kapag nangyari ‘yon? Paano kung magpilit itong kausapin siya at tanungin kung bakit sa kabila ng nakamit niyang tagumpay ay namumuhi pa rin siya rito? Aaminin ba niya ang nararamdaman niya? Kung gagawin niya iyon, paano kung pagtawanan lang siya nito? Kung umalis na lang kaya siya kaagad sa resort? Bahagya niyang ipinilig ang ulo sa naiisip. Hindi maaring habang -buhay ay tatakbuhan niya si Ethan. Siguro naman ay hindi ito magtutungo sa resort  dahil marahil ay abala ito sa trabaho. Kung tinadhana talaga na magkita silang muli, wala na siyang magagawa kung hindi harapin ito.         “Si Ethan – ”  Anyong magsasalitang muli si Daena nang pigilan niya ito.         “Daena, please, can we just change the topic?”  She decided to move on, dapat na niyang itigil isipin at pag-usapan si Ethan kung gusto talaga niyang makalimot.         Nakakaunawang tumango si Daena. Kapagkuwan ay tumunog ang cell phone nito. Dinampot nito iyon at napakunot – noo habang nakatingin sa screen. Tumayo si Daena. Nag-excuse  bago tinanggap ang tawag. KAAGAD nagsalubong ang mga kilay ni Tamara nang makita kung sino ang napagbuksan niya ng pinto. It was her mother and her stepsister.          “Ano’ng ginagawa ninyo rito?”Magkahalong inis at pagkagulat na tanong niya.          “Nandito kami ng kapatid mo para makita ka, anak,” tugon ng mommy niya sa mababa at mahinahong tinig. “Susunod din ang Uncle Raymond mo rito para magkakilala na kayo nang lubusan,” sabi pa nito.         Napamulagat siya sa narinig.         "What?!”         “Tammy, alam kong malaki ang galit mo sa amin ng daddy mo pero hindi pa naman huli ang lahat. Babawi ako sa lahat ng mga pagkukulang ko sa ’yo.”         “Para saan pa? Malaki na ako, hindi ko na kailangan ng isang ina. Nabuhay ako sa matagal na panahon na wala kayo, tapos ngayon pupunta kayo rito para guluhin ang bakasyon ko?” Ibinaling niya tingin sa batang nakatingala sa kanya. “And I don’t need a sister." Napayuko ang bata. Nakonsensiya siya sa sinabi ngunit tinibayan niya ang kanyang loob. “Paano n’yo nalaman na nandito ako?”          “Sinabi ko sa mommy mo na nandito ka,” sabat ni Daena na nasa likuran niya.          “Ano?!” gulat na napalingon siya sa pinsan. “Alam mong ayaw ko silang makasama, Daena. Paano mo nagawa sa akin ito?”         “Huwag mong sisihin si Daena, Tammy, kalat na kalat na sa social media ang pagbabakasyon mo rito sa Palawan.Tinawagan ko lang si Daena para kumpiramahin na nandito ka nga,” salo ng mommy niya.       “Tammy, gusto ko lang naman na magkaayos na kayo ng mommy mo. It’s been a long time. This is the right time – ”        “No way! I hate you for doing this, Daena.  Magsama–sama kayo!”           Bumalik siya sa loob ng silid at mabilis na nag-impake.        Walang nakapigil sa kanya nang mag–check out siya sa resort, sumakay ng bangka at tuluyang umalis sa resort.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD