-=Annalise Marie’s Point of View=- "Huwag kang mag-alala Annalise, magiging ok din ang Nanang mo." narinig kong sinabi ni Carmela na patuloy na pinapalakas ang loob, hinawakan pa nito ang kamay ko para iparamdam nitong nandito lang ito sa tabi ko. Nang makatanggap kasi ako ng tawag kay Daniella at nalaman kong kailangan isugod si Nanang sa ospital ahindi na nawala ang takot sa puso ko, bigla ko namang naramdaman ang pag-iinit ng ilalim ng mga mata ko, ngunit pinigilan ko ang sarili kong maiyak, dahil tama si Carmela, dapat akong magtiwala na magiging maayos din ang lahat kay Nanang. "Carmela... maraming salamat talaga sa lahat tulong mo sa akin, ang usapan pa naman natin ay magbabarko tayo pabalik, pero ng dahil sa nangyari ay napilitan ka tuloy na mag-eroplano na kasama ako. huwag kang

