-=Annalise Marie’s Point of View=- "Ano ulit iyon?!" halos mabingi naman ako sa lakas ng boses na iyon ni Carmela, pinagtapat ko na kasi dito ang plano kong tumigil na lang muna sa pag-aaral para matutukan ko ang kalagayan ni Nanang. "Aray! Ang sakit naman sa tenga ng boses mo." pagrereklamo ko dito, pakiramdam ko kasi ay nabasag ang ear drums ko sa lakas ng boses nito. Kasalukuya kaming nasa quadrangle ng mga oras na iyon, matapos namin kasing makabalik mula Manila at makarating sa ospital ay ako na ang nagbantay kay Nanang, ayoko pa nga sanang iwan si Nanang, pero naisip kong pumasok ngayong araw para maasikaso ko ang pagdrop out ko sa school, at para na din makapagpaalam sa mga kaibigan ko lalong lalo na kay Carmela. "Please tell me you're just joking at hindi ka talaga titigil sa p

