-=Annalise Marie’s Point of View=- "Patawarin mo ang Nanang mo Anna, kung hindi dahil sa sakit ko ay hindi mo kakailanganin na tumigil sa pag-aaral at hindi natin kailangan umalis sa probinsya at magpunta dito sa Maynila." malungkot na sinabi ni Nanang, ramdam na ramdam ko naman na tila sinisisi nito ang sarili sa nangyari. Agad akong tumayo at lumapit dito. Matapos ngang makalapit kay Nanang ay mahigit ko itong niyakap, ayokong mag-isip ito ng ganoon, dahil desisyon ko din naman na lumipat na kami sa Manila. "Huwag na huwag po ninyong sisisihin ang sarili ninyo, hindi ninyo naman ginusto na magkasakit at kahit anong mangyari ay hindi ako magsisisi dahil pamilya ko kayo at gagawin ko ang lahat para sa inyo. Kaya please... huwag na po kayong malungkot at pangako ko sa inyo, kapag naging

