"MARY, you're next," rinig kong sabi ni Jasper kaya tumayo naman agad ako at tinungo ang kinaroroonan ng mga box sa harap namin. Kumuha ako ng isang card sa bawat box.
Pagkatapos kong makuha ang tatlong cards ay naglakad agad ako papunta sa kinaroroonan ni Angel.
"Kahit madalas akong naiinis sa 'yo, I was still glad of having your presence beside me. If you wanted my help, I would always be here," may ngiting sabi ko habang hawak ang red card sa kamay ko na nakaabot kay Angel.
Agad naman iyong kinuha ni Angel at mabilis siyang tumayo para yakapin ako.
"Thank you so much," bulong niya sa akin at kumawala na sa yakap. Bumalik din siya sa pagkakaupo niya.
Sunod naman akong naglakad papunta sa kinaroroonan ni Jasper at inabot sa kanya ang kulay blue na card.
"I'm sorry for being a selfish person. I didn't realize sooner that I already forgotten our hangouts. Let's end this year with no regrets, Jasper." Kinuha naman niya Jasper mula sa nakaabot kong kamay ang blue card.
"You shouldn't have said that. Ako—kami dapat ang humingi ng tawad dahil naging abala kami at hindi ka namin masyadong nasamahan noong kailan mo kami."
"Ayos na ako, Jasper. Ang mahalaga ay ang kasalukuyan. As what I've said, let's end this year with no regrets," I said with a smile.
"Then let's do that." Ngumiti rin siya pabalik sa akin.
At sa para sa huling card ay naglakad ako ng dalawang hakbang papunta sa kinaroroonan ni Chase.
'You should be thankful.'
Paulit-ulit sa akin 'yong sinabi niya kaninang umaga kaya pagbibigyan ko siya ngayon dahil hindi ko naman maitatanggi na may nagawa siyang kabutihan sa akin.
"Thank you," sabi ko.
Nakatuon naman ang atensiyon niya sa cellphone niya pero nang inabot ko sa kanya ang yellow card ay napatingin siya rito. Ilang sandali lang ay itinaas niya ang tingin niya sa akin.
"For what?" tanong niya.
Ayokong magpaliwanag kung para saan ang pasasalamat ko. Kung ano ang maiisip niya ay 'yon na 'yon. Wala akong pakialam. Masuwerte siya at pinagbigyan ko pa siya kahit talagang naiinis ako sa kanya—hindi lang halata.
"Thank you," pag-uulit ko.
Nakatingin lang siya sa akin at hindi sumagot. Makalipas ang ilang minuto ay kinuha niya rin naman ang thank you card mula sa kamay ko.
"You're welcome..." tanging sabi niya.
Bumalik naman agad ako sa kinauupuan ko.
"You're next, Chase," rinig kong sabi na naman ni Jasper.
Nakita ko namang tumayo si Chase at pumunta sa harap para kumuha ng tatlong cards. Ilang sandali lang ay nakita ko naman siyang naglakad papunta sa kinaroroonan ko. Mabilis niya namang inilahad ang kamay niya na may hawak ng tatlong cards sa akin.
"Anong trip 'yan?" nakakunot ang noo na tanong ko kay Chase nang inabot niya ang tatlong card sa akin.
"Sorry if I caused you trouble," sabi naman niya.
Napahalakhak naman ako sa isip ko dahil sa sinabi niya. Tiningnan ko ang blue card na nasa kamay niya. Itinaas ko ang kanang kamay ko at kinuha ang blue card sa kamay niya.
"I would take this since you gave me stress on your first day here. Kung dadagdagan mo pa 'yon, mawawalan ng silbi ang card na 'to," sabi ko.
"Thank you because even if you hated me, you still manage to talk to me."
Kinuha ko ang yellow card sa kamay niya pagkatapos niyang sabihin iyon. Of course, he should be thankful.
"Mabuti naman at alam mo na hate kita. Wala na rin naman akong magagawa, mas lalo ko lang papahirapan ang sarili ko kung iyon ang papairalin ko."
"I wanted you to be my friend."
Napahinto naman ako sa sinabi niya. Tiningnan ko ang natitirang red card na nasa kamay niya na nakaabot sa akin. Friend? Ako?
Katahimikan ang namayani sa paligid na para bang hinihintay nila ang susunod kong sasabihin.
"I'll keep it. But it doesn't mean that we're already friends now. I still need to monitor you time to time. Besides, I didn't like having friends with troublemakers," seryosong sabi ko at tiningnan siya. Kinuha ko rin ang pulang card na inabot niya.
Mapili ako sa kinakaibigan ko, lalo na't hindi mabubuo ang pagkakaibigan kung wala ang tiwala. And I couldn't trust someone who was just new to me.
"It's finally my turn."
Nakita ko namang umupo si Chase nang tumayo si Jasper at tinungo ang kinaroonan ng tatlong box na may lamang cards sa harapan namin.
"Hindi ako magagalit kung babawiin mo ang mga sinabi mo kanina. Let's be honest, Chase. Ayoko ng plastikan lalo na't ramdam ko naman na ayaw mo rin sa akin," seryosong sabi ko habang nasa kay Jasper pa rin ang tingin ko.
Naramdaman ko naman ang tingin niya sa akin kahit nasa harapan ang tingin ko.
"Sinabi ko lang ang gusto kong sabihin," rinig kong sabi niya.
Magsasalita na sana ako nang mapahinto rin dahil nakakita na naman ako ng kamay na may hawak ng tatlong cards na nakaabot sa akin. Tiningnan ko naman kung kanino ang kamay na iyon. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Jasper.
"Sorry because we suddenly stopped our hangouts. Thank you because you were always active as the student council vice president and you always worked hard. Also, I wanted to remind you that even if you didn't considered me as your friend, I always be here. You could always approach me whenever you need my help," mahaba niyang sabi.
Hindi naman ako nakapagsalita agad dahil sa mga sinabi niya. Ilang sandali pa bago ako nakapagsalita dahil siniko ako ng katabi ko na si Angel.
"S-Salamat," sabi ko at kinuha ang cards na inabot niya sa akin. Nang makuha ko iyon ay bumalik naman siya sa kinauupuan niya sa tabi ni Chase.
Nagpatuloy na rin ang activity sa kasunod ni Jasper habang ako na nanatiling tahimik. Nakatingin lang ako sa pitong cards na hawak ko.
"Parang may naamoy akong masangsang na baho kani-kanina lang," bulong ni Angel sa akin na nasa tabi ko.
"Naligo ako," sabi ko naman.
"Ang slow mo naman! What I mean was I smelled something fishy about those two," bulong niya. Tiningnan ko naman siya at nakitang nakanguso siya na paramg tinuturo ang mga katabi ko sa kabilang side.
"Kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip mo. Tumigil ka, Angel," seryosong sabi ko at inilagay sa bulsa ng suot kong jeans ang pitong cards na nakuha ko sa activity.
"May sinabi ba ako? Wala naman ah."
Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon ulit ang atensiyon sa nagaganap na activity.
Nagpatuloy ang activity hanggang sa lahat sa amin ay nakapagbigay ng tatlong cards sa mga taong gusto naming bigyan ng mga iyon.
"Thank you for everyone's cooperation. You may go back to your classrooms and rest. See you tomorrow for our next activity," sabi ni Jasper.
Ilang sandali lang ay unti-unti namang umalis ang mga estudyante. Nakita ko rin ang mga third year students na nililisan na rin ang field.
"I have already prepared the student council room. You could go there and rest. Kami ang bahala rito," sabi ni Jasper nang lapitan niya ako.
"Sino ang makakasama ko do'n?" tanong ko.
"Me, Chase, and Angel. You could go wuth Angel now. Kami na ang bahala rito."
"Para ka yatang naaawa sa akin. You shouldn't be. I was the vice president of the student council kaya may responsibilidad din ako na tumulong. And you didn't have to worry about me, Jasper."
Nakita ko naman siyang bumuntong hininga.
"Alam ko rin naman na hindi kita mapipigilan sa gusto. I was really glad that you talked to me now."
"Ano ba ang sinasabi mo. Nakikipag-usap naman talaga ako sa 'yo," sabi ko naman.
"Yeah. But it was different after you lost your Dad," halos pabulong na sabi niya pero narinig ko iyon.
"Let's focused on the present, Jasper. You could still count on me," may ngiting sabi ko bago siya iniwan sa kinaroroonan niya at tinungo ang kinaroroonan ni Angel.
"Tulungan na kiat," sabi ko kay Angel at kinuha sa kanya ang isa sa mga box na ginamit kanina sa activity.
"Ano ang pinag-usapan niyo?" tanong ni Angel habang naglakakad kami papapunta sa storage room kung saan ilalaga ang mga box.
"Wala naman," sagot ko.
"Baka magsimula na naman akong magselos sa inyo, Mary. Alam ko naman mas mahal ko ako at mas the best ako na kaibigan mo pero iba kasi ang closeness niyo ni Jasoer dati. Muntik ko na nga siyang awayin noon e. Medyo naiingit ako pero kung need mo ng marami pa na kaibigan, handa akong itago ang selos ko at hayaan ka na maging masaya."
Napatawa naman ako ng mahina sa sinabi niya.
"Ano na namang drama 'yan?"
"Anong drama? Nagsasabi kaya ako ng totoo 'no."
Napailing-iling naman ako sa pinagsasabi niya. Katahimikan ang namayani sa amin habang naglalakad.
"Jasper was like a brother to me. Mula nang makapasok ako sa student council ay palagi niya akong inaalala at inaasikaso. But after my Dad died, we never spoke to each other. Iniwasan ko siya at ganoon din ang ginawa niya. Dahil na rin siguro sa pagiging busy sa student council ay nawalan na kami ng oras na mag-usap ng maayos," sabi ko.
"Napansin ko nga iyan pero tahimik lang ako dahil palagi akong may tiwala sa mga desisyon mo. Alam ko naman na ayaw mo talaga akong masali sa kalungkutan ko trahedya na nangyayari sa buhay mo, Mary... pero nandito lang ako. Mas maiibsan ang pinagdadaanan mo kung hahayaan mo ang mga taong may pakialam sa 'yo na tulungan ka na maibsan ang bigat ng dinadamdam mo."
Binuksan ni Angel ang pinto ng storage room habang ako naman ay napahinto sa may pinto dahil sa sinabi niya. Nanatili ako sa posisyon ko at hindi namalayan na kinuha na ni Angel ang box na bibit ko at pinasok iyon sa loob ng storage room.
"Gabi para mag-isip ng malalim. Dumeretso na tayo sa student council office. Inutusan ako ni Chase na dalhin ka na roon para makapagpahinga. Mabuti na lang at ako ang isinama ni Jasper na makasama niyo sa pagtulog at hindi ang secretary ng student council."
Hindi naman ako magsalita pa at sumunod na lang sa kanya sa paglalakad papunta sa office ng student council. Ilang minuto rin ang lumipas bago namin narating ang office.
Pumasok kami sa loob at pagpasok ko ay napanganga naman ako sa nakita ko. Ang mesa at upuan ay nakaayos sa gilid at may nakita akong apat na bedsheets na nasa sahig. May kalakihan ang office na ito kaya kasya talaga kaming apat.
Ang mga papers din na nagkalat sa mesa noon at nakaayos na sa mga lalagyan sa gilid ng dingding.
"Kailan pa 'to naging malinis?" may pagkamanghang tanong ko.
"Masyado mo yatang minaliit ang powers ng student council assistants. Juimors ang may gawa nito, inutos ni Jasper after mong magising kanina. Ang gara, 'di ba?"
Nakita ko naman si Angel na pumwesto sa kulay pink na bedsheets.
"Kanino naman galing ang bedsheets na ito at 'yong mga unan?" tanong ko ulit.
"Galing kay Jasper. May pera raw ang student council lalo na't nagbabayad ang students ng pera para sa pambili ng mga gamit sa activites kaya bumili na rin daw siya nito. Saka magagamit din ito ng mga susunod pa, hindi ba? Basta't panatilihin lang na malinis," sagot naman ni Angel.
Pumwesto naman ako sa itaas ni Angel kung nasaan ang puting bedsheet. Makikita talaga na bagong-bago ang besdsheet dahil sa kaputian nito pati na rin ang unan.
"Mukhang mamaya pa sina Chase at Jasper papasok dito. Mauna na tayong matulog, Mary. Maaga pa naman ako bukas dahil napag-utusan ako ni Jasper na tumulong sa another activity na naman," sabi ni Angel saka humiga na.
Nanatili naman akong nakaupo.
"Good night, Mary," rinig kong sabi ni Angel.
"Good night..." tanging sabi ko.
Ilang minuto lang din ang lumipas ay nagdesisyon na rin akong humiga at matulog na.
"GOOD morning! Gising na, Mary! Sabay na tayo maligo! Malapit na magsimula ang next activity!"
Mabilis naman akong napabangon dahil sa sigaw na narinig ko. Agad na sinamaan ko ng tingin si Angel.
"Tara na! Bilis na!" sabi na naman niya at hinila ako patayo.
"Oo na. Hindi mo ako kailangang hilain. 'Pag hindi mo ako binitawan, makakatikim ka talaga," sabi ko kaya mabilis niya namang binitawan ang kamay ko na hinila niya.
"Bilisan mo kasi! Hihintayin kita sa comfort room sa likuran. Pipila na ako roon. Bilisan mo ah!"
Tumango naman ako at nakita siyang umalis na papalabas ng student council office.
"Mukhang mahaba yata ang pila sa girl's comfort room ngayon kaya pinapapabilis ka ni Angel."
Tiningnan ko naman ang nagsalita na si Jasper. Nakita ko naman siyang tinutuyo ang basa niyang buhok gamit ang isang puting tuwalya.
"Nakaligo ka na?" tanong ko.
"Hindi pa halata?" pabalik na tanong niya.
Tumayo naman ako at kinuha sa maleta ko na nasa gilid ko lang ang tuwalya at sabon ko pati na rin sipilyo at toothpaste.
"Matagal ba kayo natapos kagabi?"
"Hindi naman. Nakabalik din kami pero tulog na tulog na kayo ni Angel," sagot naman niya dahilan para mapahinto ako.
"Hindi naman siguro ako humilik, 'di ba?" tanong ko na naman.
Nakarinig naman ako ng mahinang pagtawa kaya nilingon ko si Jasper.
"Hindi naman. Tahimik ka lang na natulog kagabi," sagot na naman niya.
Mabuti naman kung ganoon. Ang sabi ng karamihan, kapag pagod na pagod ang tao ay humihilik ito kapag tulog. Madalas pa naman akong pagod.
"Alis na 'ko," sabi ko at naglakad palabas ng student council office.
Pansin kong wala si Chase sa higaan niya. Ano na naman kayang kababalaghan ang ginagawa niya sa oras na 'to?
"Stop bothering me!"
Napahinto naman ako nang makarinig ng pamilyar na boses sa may kaliwang gilid ng student council office. Sa kanang bahagi nito at may pathway papunta sa likuran kung nasaan ang girl's comfort room. Sa kaliwang bahagi naman ng student council office ay ang boy's comfort room.
"We already ended up everything so don't bother me anymore!" rinig ko na naman.
Naglakad ako sa kaliwang bahagi ng student council office at sinilip kung kanino galing ang boses na iyon. Nakita ko naman si Chase na nakatalikod sa akin at hawak-hawak ang cellphone niya na nasa tenga na niya. May kausap yata siya sa cellphone niya.
"Hindi mo na ako kailangang puntahan pa. Mind your own life, Tiffany. You should move on." Sa pagkakataong ito ay kalmado na ang boses niya.
Tiffany? Ex niya ba?
"I appreciate that, but you should let me go. Yes, I was planning to go back there. I wanted to go back to my past life and not with you. I accepted your apology to move forward even if you cheated in front of me."
Kalmado man ay ramdam kong nagpipigil siya sa emosyon niya. Kitang-kita ko kasi kung paano niya ikinuyom ang kamao niya.
"I already have a girlfriend. If you insist on coming here, you wpuld just hurt yourself," seryosong sabi ni Chase.
Napabuntong hininga naman ako bago umalis sa kinaroroonan ko at naglakad papunta sa kabilang bahagi kung nasaan ang girl's comfort room.
I already expected that—na lahat ng tao ay may iba't-ibang pinagdadaanan. At alam ko rin na hindi dapat mandamay ng iba kung badtrip ka sa mga nangyayari sa buhay mo.
But I wouldn't blame anyone if they were too bad, too rude, or too greedy. Why? Because we have different sensitivity and different story to be told.