"OUR activity for this morning would be the game called Two Truths and a Lie. The fourth year students has four course so we separated the four course into two. Nasa kabilang room ang BSED-Filipino and BSED-Mapeh. Same room lang tayong mga BSED-Mathematics at BA-English. Ang secretary at tresurer ang na-assign doon," mahabang sabi ni Jasper.
I think, all of the fourth year students here has a total of sixty students. Hindi ako sure.
"The mechanics of the activity was easy and we put some twist on it. Two truths and a lie, bawat isa sa atin ay magsasabi ng tungkol sa sarili natin, two truths and one lie. Kung sino ang katabi mo sa kanan mo ang siyang huhula kung ano ang lie sa tatlong sinabi mo tungkol sa sarili mo. Kapag nahulaan ng katabi mo ay pipinturaan niya ang mukha ko pero kapag hindi niya naman nahulaan ay ikaw ang maglalagay ng pintura sa mukha niya. Ang twist naman ay kapag nahulaan ng katabi mo ang lie sa sinabi mo ay puwede siyang mamili ng ibang kasunod at laktawan ang sarili niya," mahabang pagpapaliwanag ko.
"Sino ang mauuna?" tanong ni Angel.
"Volunteer? Anyone?" sabi naman ni Jasper at tiningnan ang mga estudyante sa paligid.
Katahimikan ang namayani sa paligid at wala ni isa ang nagsalita sa kanila.
"How about Mary?" rinig kong sabi ng pamilyar na boses kaya napalingon ako sa kanya. Nakita ko naman si Chase na seryosong nakatingin sa akin.
"Walang pilitan dito—" Pinutol ko agad ang sasabihin ni Jasper.
"Okay. Ako ang mauuna at si Jasper ang huhula kung ano ang lie sa sinabi ko since siya ang nasa kanan ko," sabi ko habang nasa kay Chase pa rin ang tingin.
Ilang sandali lang ay ibinaling ko rin ang tingin ko kay Jasper.
"Two truths and a lie. I was into fairy tales. I have trust issues. You could easily approach me. One of those was a lie."
"The last one was the lie," agad na sagot ni Jasper. Katahimikan a
ang namayani sa paligid at mukhang hinihintay nilang lahat ang sasabihin ko.
"Correct," maikling sabi ko.
"Puwede ba na i-explain mo o i-share kung bakit iyon ang lie?" tanong ng isa sa mga kaklase ni Jasper.
"I was into fairy tales, but I didn't believe on those. I don't have trust issues, that's true. But the last one, you couldn't approach me easily. After my Dad died, nawalan na ako ng pakialam, but I wanted to pull myself back. Sana naiintindihan niyo," mahabang paliwanag ko.
Wala namang masyadong nagsalita sa sinabi kong paliwanag at nagpatuloy na rin ang activity namin.
"Two truths and a lie. My parents wanted me to be here in order for me to have a happy life. I was a good student in my past school. I wanted to be back and live my past life again," rinig kong sabi ni Chase.
Nakita ko namang nag-isip ng mabuti si Angel sa isasagot niya. Oo, magkatabi nga silang dalawa. Katabi ni Chase si Angel sa kanan niya kaya si Angel ang pipili kung ano ang lie sa sinabi ni Chase.
Ilang sandali lang ay nakita ko naman si Angel na tumingin sa akin at nanlaki ang mata na patango-tango pa.
"You were a good student in your past school. Iyon ang lie hindi ba?" tanong ni Angel kay Chase.
"Corret."
Katahimikan ang pamayani sa paligid. Hindi pa namin siya masyadong kilala kaya alam kong lahat kami kasali na ako ay naghihintay sa paliwanag na sasabihin niya.
"I wasn't a good student in my past school, they usually call me the troublemaker guy since I usually engaged myself on troubles. But I was an active and smart enough that the school decided not to expell me. So yeah, that's it."
Wala namang nagsalita at nanatiling tahimik ang buong paligid.
I was really right. Tingin ko pa lang sa kanya noong una ay alam kung hindi na maganda ang background niya. I really must monitor him.
"Ako na!"
Binasag ni Angel ang katahimikan at muli namang nagpatuloy ang activity.
Halos dalawang oras din ang itinagal ng activity. Pagkatapos ng activity ay nagsibalikan ng kanya-kanya ang mag estudyante sa kani-kanilang tinutulugan para maghanda sa susunod na activity.
"Ano ang next activity?" rinig king tanong ni Angel habang nagbibihis. Nasa student council kami ngayon at kami lang dalawa.
Sina Chase at Jasper ay nagpalit lang kanina ng t-shirt saka mabilis na nilisan ang student council para tingnan ang labas kung handa na ba ang gagamitin para sa next activity.
"Guess the word."
"Guess the word? 'Yon bang nakasulat sa isang papel tapos kung ano ang nakasulat ay iyon ang ipapahula mo gamit ang talent mo sa pag-acting?"
Tumango-tango naman ako sa sinabi niya habang inaayos ang damit na ginamit ko kanina. T-shirt lang din ang pinalitan ko dahil nagkapawis ang likod ko.
"Lahat ng third year and fourth uear students ang sasali? Ang dami naman 'yata?" tanong na naman niya.
"Hindi kasali ang student council members. At naka-organized din ang plano nila para sa activity so manood ka na lang mamaya," sagot ko naman. Ayokong nagpapaliwanag ng mahaba.
"Hindi rin kasali ang student council assistants?" tanong na naman niya.
Tumayo naman ko at naglakad papunta sa pinto ng student council room. Naramdaman ko namang sumunod si Angel. Syempre, tapos na rin siyang magbihis.
"It was optional, puwede ka na sumali at puwede rin na hindi since part ka na o kayo ng student council," sagot ko naman bago hinawakan ang doorknob ng pinto at binuksan iyon.
Tuluyan na akong lumabas sa student council office at mula rito sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko kung paano magkumpulan ang mga estudyante sa oval field.
"Mabuti at hindi masyadong mainit ngayong umaga. Hindi naman siguro uulan, hindi ba?" rinig kong sabi ni Angel.
Hindi ko siya sinagot at tumingin sa langit. Medyo makulimlim nga ang kalangitan pero mukhang hindi naman siguro uulan. Kung uulan man, hindi matutuloy ang activity mamayang hapon o mamayang gabi.
"Ayaw mo ba na sumali? Alam ko na naging killjoy ka na pero hindi naman bawal mag-enjoy, hindi ba?"
Nilingon ko naman si Angel at nakita siyang nakatingin sa akin.
"I was trying, but I still need time," halos pabulong na sabi ko at ibinalik anf atensiyon ko sa field.
"Alam ko naman iyon, Mary. Ang sa akin lang ay sana bumalik ka na sa dating ikaw na masayahin at madaling malapitan ng kung sino bago matapos ang school year na 'to."
Hindi naman ako nagsalita sa sinabi niya.
Last year pa talaga... na pinipilit ko ang sarili ko na ibalik ang dating ako pero napakahirap. Iba pa rin kasi 'yong epekto ng sakit na naranasan ko sa sarili ko.
"Sasali ako sa kanila. Maiwan na muna kita," may ngiting sabi ni Angel at umalis sa tabi ko.
I was really happy of having her. Kahit medyo makulit siya madalas ay naiintindihan niya ako. Si Angel lang din ang napagsasabihan ko ng mga seryosong bagay mula noong mawala ang Dad ko. Dati ay madalas akong magkwento sa members ng student council at palagi nila akong pinakikinggan dahil gusto nila ang ugali ko pero ngayon... lahat naglaho na.
"Hindi ka ba sasali?"
Napabalik naman ako sa reyalidad nang makarinig ng boses sa harap ko kaya agad na napatingin ako sa kanya.
"Wala na bang aasikasuhin?" pabalik na tanong ko kay Jasper. Ibinaling naman niya ang atensiyon sa mga estudyante.
"There are some, but I let the student council assistant manage it." Tumango naman ako dahil sa sagot niya.
"Just tell me if may magagawa ako. Hindi rin ako sasali sa activity, mamayang gabi na lang," sabi ko naman.
"Kwentuhan ang magaganap mamayang gabi. At bukas ng umaga ang uwi ng lahat ng estudyante. Ang bilis ng camping pero sa tingin mo, nasiyahan kaya sila?" tanong ni Jasper habang nakatuon pa rin ang atensiyon sa field.
"Halata sa mukha nila na enjoy na enjoy sila sa activities. Kahit ako ay medyo nasiyahan din naman kahit hindi lang halata," sabi ko naman.
Nakarinig naman ako ng mahinang pagtawa niya.
"Nag-enjoy ka na sa lagay na iyan?" tanong na naman niya.
"Anong gusto mo? Magtatalon-talon ako sa saya?" pabalik na tanong ko.
"Nagtatanong lang, huwag kang magalit."
"I wasn't."
Hindi naman siya nagsalita at katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Nakita ko rin na nagsisimula na ang activity.
LUMIPAS din ang oras and as what I have expected, hindi umulan. Six o'clock na ng hapon at naghapunan na kaming lahat para masimulan ang next activity. Madilim na ang kalangitan at ang course namin at course ni Jasper na naman ang naghalo ngayon.
Nasa oval field kami—nakaupo ng pabilog at sa may 'di kalayuan ay nandoon din ang third year students.
"Kwentuhan ba ang activity ngayong gabi?" tanong ni Eric na isa sa mga kaklase ko.
"For tonight's activity, you would share something about your life that you wanted to share to everyone," sabi ko naman.
"Required ba talaga magshare? Or puwede hindi pilitin ang ayaw?" tanong naman ng babaeng hindi pamilyar na estudyante sa akin, baka kaklase ni Jasper.
"You wouldn't be forced to share your perspective so shall we begin?" rinig kong sabi ni Jasper kaya napatingin ako sa kanya.
Ganoon pa rin ang posisyon namin noon. Katabi ko si Angel sa kaliwa ko, sa kanan si Chase at katabi naman ni Chase si Jasper.
Ibinalik ko ulit ang atensiyon ko sa isa sa amin nang magvolunteer siya na siya ang mauuna na magbahagi ng kung ano man ang gusto niyang ibahagi sa amin.
"Akala ko ba required magshare? 'Yon ang sinabi mo kanina sa akin, 'di ba?" rinig kong pabulong na tanong ni Angel sa akin.
"Si Jasper pa rin ang masusunod dahil siya ang president nag student council na namamahala sa buong camping," sagot ko naman.
Magsasalita pa sana ako nang makita kong kinapa ni Chase ang bulsa niya at kinuha roon ang cellphone niya. Ilang sandali lang nang makita niya ang tumatawag yata sa cellphone niya ay tumayo naman siya at lumayo sa amin.
Hindi ko na lang iyon pinansin at itinuon ulit ang atensiyon sa nagsasalita tungkol sa mga sarili nila.
May iba't-iba talagang pananaw ang bawat isa sa amin. May iba-iba na pinagdadaanan.
"I was six years old when my Dad r***d me. My Mom didn't believe it when I told her about it. I was trauma that time and almost killed myself. But my Granny came and as I told her, she immediately put my Dad into prison. Inampon ako ni Lola at agad akong sumama sa kanya lalo na at walang nag-aalaga sa kanya bukod sa private nurse niya. Kaya ako nandito ngayon sa Tukuran, dito na ako nag-aral nf college. And my parents? Nakakulong pa rin ang Dad ko. Ang Mom ko naman ay hindi na ako dinalaw o kinausap man lang. That's all," sabi ni Rica na isa rin sa mga kaklase ko. Kitang-kita ko ang lungkot sa mukha niya nang magkwento siya pero sa huli at ngumiti na siya.
"Naiinggit nga ako sa iba na may almost perfect na family. But I know, everything has its reason. Saka ayos na ako, kuntento na ako at mahal na mahal din ako ng Lola ko ngayon," dagdag niya pa.
Natahimik naman ang lahat at wala ni isa ang nagsalita hanggang sa narinig ko ang katabi ko na nagtanong.
"How did you manage to accept those things?" tanong ni Angel.
Isang malapad na ngiti naman ang pinakawalan ni Rica.
"I focused on the things that I needed to accomplished in the future. Tapos na naman iyon kaya dapat na akong magpatuloy. Sa una, inaamin ko na napakahirap talaga pero may taong dumamay sa akin. May mga kaibigan din ako at syempre, nasisiyahan ako sa school na 'to kaya madalas nakakalimutan ko ang mga negative things na nangyari sa akin," mahaba niya namang sagot sa tanong ni Rica.
Nakaramdam naman ako ng pares ng mga mata na nakatingin sa akin. Nilingon ko si Angel at nakita kong ngumiti siya sa akin.
"Ang tindi ng nangyari sa 'yo, Rica. Well, naniniwala naman ako na may kanya-kanya tayong sensitivity pero kapag iisipin nga naman namin ng maigi, may mas pa na nahihirapang tayo kaysa sa atin. May mga tao pa na may pinagdadaanan na mas higit pa sa pinagdadaanan natin," sabi naman ni Angel habang nakatingin sa akin.
"Ayos lang naman na maging sensitive pero huwag sobra kasi bukod sa maaapektuhan nito ang sarili natin, malaki rin ang posibilidad na makakaapekto tayo sa iba pa. So dapat good vibes lang palagi," sang-ayon ni Rica sa sinabi ni Angel.
Katahimikan naman ang namayani sa paligid. Ilang sandali lang din ay naramdaman ko naman si Chase na bumalik na sa pagkakaupo sa tabi ko.
"I was an only child. I never been in a province before so this was my first time. It was great to be here, but I wanted to go back to my past place where I could do anything I wanted and where I could hangout with my so close friends. Kahit gusto kong tanggihan ang mga magulang ko sa nais nila ay hindi ko iyon magawa. The reason was I didn't want them to be disappointed with me, just this time, I wanted to make them happy. At sa hanggang kaya ko, susundin ko muna sila," mahabang sabi ni Chase.
"I guess, that's all," dagdag naman niya.
Tiningnan ko siya at nakitang nakatingin din sa akin. Ilang sandali lang ay umiwas naman ako ng tingin sa kanya at unti-unting yumuko.
"I-I was an only child before. Our family was perfect. My Dad and Mom was my inspiration and as I grow older, they were always a proof to me that fairy tales did exist. I believe in that, really. Until my Dad died in a car accident. Nabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya pero hindi nabigyan ng hustisya ang pangungulila ko sa kanya. I knew that all of you noticed how I changed. I was friendly, approachable, and a happy go lucky vice president of the student council in the past. Even me, I've missed my old self. And I was always trying to bring my past self back," mahabang sabi ko.
"You didn't have to do that." Napahinto naman ako at dahan-dahang itinaas ang ulo ko.
"We know how much you've suffered, Mary. We could see it in your eyes. Hindi ka namin masisisi at lalong mas hindi mo kailangan na ipilit na ibalik ang dating ikaw. Kahit na sobrang tahimik na ng classroom dahil hindi ka na nag-iingay, ayos lang. Maghihintay kami sa pagbabalik mo. Heal yourself first," sabi naman no Eric.
"Thank you..." halos pabulong na sabi ko.
Yes, I was close to everyone before my Dad died. Ang laki ng epekto sa akin noong namatay ang Dad ko, sobrang hirap at napakasakit. Akala ko ay walang nakakaintindi sa akin pero marami pala sila ang nakakita talaga at nakakaintindi sa pinagdadaanan ko.
Tama nga talaga si Dad noon. Kung ano ang ipinapakita o ginawa mo sa iba ay ibabalik nila sa 'yo iyon, in the same way or in different way.
I was happy hearing their good sayings and opinions as I told them my story. Although it was just all words, I felt that they were sincere and wanted to bring back the old me.
Alam kong mahirap talaga ang nangyari sa akin pero hindi naman puwede na manatili akong nakakulong sa pangyayaring iyon.
The pain would never be forgotten, but I must accept it wholeheartedly in order for me to move forward.