"HOW was the camping?" bungad na tanong sa akin ng Mom ko nang makapasok ako sa loob ng bahay.
"Everything's fine," sagot ko naman habang hila-hila ang mga dinala kong gamit sa camping.
"That's good. By the way, I would attend Katie's meeting for parents today. Ayos lang na maiiwan ka sa bahay?"
Tumango naman ako sa tanong niya. Nakita ko naman siyang lumapit sa akin at hinalikan ang noo ko.
"Babalik din kami, sweetie. Magpahinga ka na muna. Gigisingin kita pagkatapos kong magluto mamaya ng dinner. Okay?" Tumango ulit ako sa sinabi niya.
"Katie! Come on! Time to go!" pasigaw na tawag ni Mom kay Katie.
Nakita ko naman si Katie na pababa mula sa second floor ng bahay.
"Hello, Ate Mary!" bati niya sa akin. Nginitian ko naman siya ng tipid at nagpatuloy sa paglalakad paakyat sa kwarto ko.
"Mag-iingat kayo," sabi ko habang hindi sila nililingon.
"Bye-bye, Ate Mary!" rinig kong sabi na naman ni Katie. Ilang sandali lang ay narinig ko naman ang pagbukas at pagsara ng pinto ng bahay.
Nagpatuloy naman ako hanggang sa narating ko ang kwarto ko. Itinabi ko muna ang gamit na dala ko at mabilis na tinungo ang kama para humiga roon.
After lunch na kami nakauwi mula sa camping. Medyo nakakapagod pero hindi ko maipagkakaila na marami akong natutunan at kahit papaano ay nag-enjoy ako ng kaunti sa mga activities.
Ipinikit ko ang mata ko at hindi namalayang hinila na ng antok.
NAGISING ako dahil sa tunog ng cellphone na nasa bulsa ko pala. Kinapa ko naman iyon at sinagot ang tumatawag.
"Busy ka?" bungad na tanong ng nasa kabilang linya.
"Bakit?" pabalik na tanong ko at inayos ang buhok ko.
"Nakalimutan ko kasing bumili ng illustration board, baka naman—" Pinutol ko agad ang sasabihin ni Angel.
"Ako na ang bibili," pagputol ko na sabi sa sasabihin niya.
"Thank you so much! Hindi ko talaga kasi maiwan ang dalawa kong kapatid dahil alam mo na, nasa trabaho si Tatay tapos si Nanay naglalaba naman ng damit namin," pagpapaliwanag niya.
Tumango-tango naman ako kahit hindi niya ako nakikita.
"Ihahatid ko pa ba riyan sa inyo?" tanong ko ulit.
"Hindi na, bukas pupuntahan kita riyan sa inyo para magawa natin ng sabay ang dual project na naka-assigned sa atin. Salamat talaga, Mary! Papatayin ko na ang tawag, umiiyak na kasi ang isa kong kapatid. Aasikasuhin ko muna. Salamat!"
Ilang sandali lang ay pinatay na rin niya ang tawag.
Yes, Angel has two sisters. One was five years old and the other one was fifteen years old, I guess. Mas malapit sa kanya ang bunso niyang kapatid kaya naman siya talaga ang inaasahan ng Nanay niya sa bunso niyang kapatid. They were not that poor since her Tatay was a carpenter. Minsan ay binibigyan ko si Angel ng pera pero madalas siyang tumanggi.
Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko and it was already four o'clock in the afternoon. Twelve o'clock yata ako dumating kanina mula sa camping. Medyo mahaba rin pala ang tulog ko.
Tumayo ako mula sa kama at pumunta sa comfort room para maghanda. Lalabas ako para bumili ng illustration board, malapit lang din naman ang bilihan dito. Maglalakad na lang ako.
Ilang minuto lang din ang lumipas ay natapos na rin ako. Pagbaba ko sa sala ay wala pa sina Mom at Katie. Hindi pa tapos ang meeting? Napailing-iling na lang ako bago tinungo ang labasan ng bahay. Sinara ko rin ng maigi ang gate namin bago tuluyang naglakad palayo sa bahay namin.
Kitang-kita ko naman ang mga batang naglalaro sa unahan ko. May nakikita rin akong nag-uusap sa tabi ng daan.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang Vega store kung saan madalas kami bumibili ni Angel ng school supplies. Medyo may kaliitan ang store pero may sapat itong tinda ng mga school supplies, foods, at marami pa.
Naglakad ako papasok sa store hanggang sa dulong bahagi nito kung nasaan ang school supplies corner. Hinanap ko agad ang illustration board at kinuha ang may 1/2 size nito.
Bitbit ang 1/2 illustration board ay naglakad ako papunta sa counter ng store para bayaran ang illustration board. Wala namang masyadong tao kaya nakabayad agad ako at nakalabas sa Vega store.
Naglakad ako at naaninag ang isang tindahan ng balot sa unahan. Masaya sana kung nandito si Angel pero bibili pa rin ako.
Nagsimula na naman akong maglakad papunta sa nagtitinda ng balot. Gusto ko lang maglakad-lakad. Matagal-tagal na rin kasi akong hindi masyadong naglalakad sa centro ng tukuran kaya susulitin ko dahil nandito na rin naman ako.
"Ate, pabili ng balot," sabi ko sa nagtitinda ng balot nang makarating ako sa puwesto niya.
"Ilan po? Saka rito po kayo kakain o babalutin ko na lang?" tanong ng tindera.
"Magkano?" pabalik na tanong ko.
"Dalawang piraso, twenty-five pesos po," sagot naman niya.
"Apat lang ang bibilhin ko. Pakibalot na lang," sabi ko naman bago kumuha ng pera sa bulsa ko.
"Ang angas mo ah! Sino ka ba sa inaakala mo?!" rinig kong sigaw ng lalaki mula sa may 'di kalayuan sa posisyon ko. Hindi naman ako lumingon at inabot sa tindera ang bayad ko sa balot.
Away na naman. Hindi maiiwasan ang awayan dito pero hindi iyon madalas na nangyayari. Madalas sa nagbabangayan sa lugar na ito ay madaling nagkakamabutihan, hindi talaga umaabot sa p*****n.
"Salamat," sabi ko at inabot ang balot na binili ko mula sa tindera.
Nakarinig naman ako ng pagkawasak at pagkabagsak ng kung ano pero hindi ko na lang iyon pinansin. Ayoko ko talaga sa g**o.
"It's your fault!"
"Huwag kang magsalita ng english! Bago ka lang ba rito?! Kaya pala ang yabang mo!"
Agad na napahinto ako sa paglalakad nang makarinig ng pamilyar na boses. Napalunok naman ako at dahan-dahang lumingon sa pinanggalingan ng away.
"Tama na! Bata lang 'yan! Baka umabot pa kayo sa barangay!" rinig kong awat ng isang matandang babae.
"A-Anong nangyari?"
Hindi ko na lang namalayan ang sarili ko at nakitang kinakausap ko na ang kaaway ni Chase. Oo! Si Chase nga!
"Mary? Kilala mo 'yan? Ang yabang kasi. Akala mo kung sino! Pagsabihan mo 'yan!" sigaw ng lalaki.
Itinuon ko naman ang atensiyon ko kay Chase na ngayon ay nakatingin sa akin. Kitang-kita ko naman ang pasa niya sa labi na dumudugo pa.
"Ako na ang bahala sa kanya," seryosong sabi ko habang nanatili ang tingin kay Chase.
"OUCH! Dahan-dahan naman!" reklamo ni Chase nang diniinan ko ang pagkakalagay ng bimpo sa gilid ng bibig niya.
"Ang suwerte mo 'no? Nandito ka sa pamamahay ko at ginagamot ko ang sugat mo tapos niligtas pa kita kanina sa pambubugbog ng lalaking 'yon sa 'yo! Grabe! Ang suwerte mo!" may pagkainis sa boses na sabi ko.
"Thank you for that..." halos pabulong na sabi niya pero narinig ko.
Idiniin ko naman ulit ang bimpo kaya napa-aray naman siya. Binitawan ko rin iyon na siya namang sinalo niya. Siya na ang naglagay ng bimpo sa mukha niya.
"Ano ba kasi ang nangyari?" tanong ko at tinungo ang bahagi kung nasaan ang bookshelf ko. Nasa kwarto ko kami ngayon.
Sinamahan ko si Chase kanina pauwi at sabi niya na wala sa bahay nila ang parents niya kaya napunta siya rito. Dumating na rin si Mom at Katie. Sinabihan naman ako ni Mom na gamutin daw si Chase sa kwarto ko dahil may first aid ako rito.
"He was about to harm his own daughter. Nanghihingi lang ng pera pero muntik na niyang sampalin pero napigilan ko ang kamay niya," sagot naman ni Chase sa tanong ko.
"Kung ayaw mong masangkot sa g**o, huwag ka nang mangialam sa iba. Mabuti na lang at kilala ang Dad ko rito kaya siguro nakilala niya ako at hindi na tumuloy sa pambubugbog sa 'yo," sabi ko naman habang may hinahanap na libro.
Ilang sandali lang ay nakita ko rin naman iyon.
"Mali ba talaga 'yong ginawa ko?" rinig kong tanong naman ni Chase.
"Hindi ko alam," sagot ko naman.
"You scolded me like I was doing wrong."
Umupo naman ako sa kama ko at timingnan si Chase na nakaupo sa study chair ko.
"We could freely do whatever we wanted to do. But we must also hear other's opinions, they could help sometimes," sabi ko at binuklat ang libro na kinuha ko.
"Were you telling me that if you're in my position, you wouldn't help the girl? You would let his father harm her?"
"I didn't say that."
Katahimikan naman ang namayani sa amin ni Chase.
Kinuha ko naman ang isang bagay na pinakaiingatan ko na nakadikit sa librong kinuha ko. Bigay ito ng Dad ko at napagdesisyunan ko na hubarin noong namatay siya.
"I hate engaging into troubles, but my Dad always reminded me that troubles were normal and part of our lives. Just like the Thumbelina story. Thumbelina faced several obstacles without fear and just did what comes in her mind," mahabang sabi ko.
Tinitigan ko ang silver necklace na bigay ni Dad when I entered college. It has a feather pendant.
"Madalas akong tumulong noon pero nang mawala ang Dad ko ay umiiwas na ako sa ganoong bagay. That's why I couldn't say that I would help the daughter if I was in you position earlier."
"You're stuck in your past—" Pinutol ko naman ang sasabihin niya.
“That’s why I was slowly bringing myself back. Mahirap man pero gagawin ko. I should what I promised to my Dad. He wanted me to spread my wings and fly freely,” halos pabulong na sabi ko habang nakayuko at nakatingin pa rin sa kwintas na bigay sa akin ng Dad ko na nasa kamay ko.
Ilang sandali lang ay may nakita naman akong pares ng binti sa harap ko. Unti-unti ko namang itinaas ang ulo ko at bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Chase na nakatingin sa akin.
“Anong—” Hindi ko naman natapos ang sasabihin ko nang makitang kinuha ni Chase ang kwintas mula sa kamay ko.
Hindi naman ako nakapagsalita nang isinuot niya ito sa akin sa leeg ko.
“You cannot move forward if you always stick to your words,” sabi niya habang isinusuot ang kwintas na ibinigay ni Dad sa akin. Pagkatapos niyang isuot sa akin at nakita ko naman siyang naglakad papunta sa pinto ng kwarto ko.
“Thanks...”
Nanatili naman ako sa posisyon ko ng ilang minuto dahil sa hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko. Napahawak naman ako sa pendant ng kwintas na suot ko.
“Mary? Umalis na si Chase, pinigilan mo sana para rito na lang siya maghapunan sa atin,” rinig kong sabi ni Mom. Bigla na lang siyang pumasok sa kwarto ko.
“Hindi pa siya nagpapigil sa inyo?” pabalik na tanong ko saka kinuha ang libro kung saan ko tinago ang kwintas na bigay ni Dad sa akin. Tiniklop ko iyon at tumayo bago naglakad papunta sa sulok kung nasaan ang bookshelf ko.
“No, he said that he’s okay. Umalis siya agad. May problema ba kayong dalawa?” tanong na naman ni Mom.
“Kung may problema man ay hindi na sana siya nakatungtong pa sa bahay natin,” sabi ko naman.
“Kung ganoon ay puwede mo ba na sabihin kung ano ang nangyari? Kung bakit may pasa sa mukha sa Chase? Nakipag-away ba siya?” sunod-sunod na naman niyang tanong.
Napahinto naman ako dahil sa mga tanong niya. Kung sasabihin ko na nakipag-away siya ay sasabihin rin ni Mom sa parents ni Chase. Magiging dahilan kaya iyon para bumalik siya sa dati niyang lugar at umalis dito? I was not planning to help him. I just wanted him to leave me alone.
“Hindi ko alam. Baka nauntog ang mukha niya. Siya na lang po ang tanungin niyo,” tanging sagot ko.
Nilingon ko naman si Mom at nakitang nakatayo siya sa may kama ko. Tiningnan ko lang siya bago tumalikod at naglakad papunta sa pinto ng kwarto ko.
“Akala ko ay nawala mo ang kwintas na ‘yan,” rinig kong sabi niya kaya napahinto habang nakahawak ang kamay ko sa doorknob ng pinto.
“That would never happen...” sabi ko at nilingon siya.
“You knew how much I treasured the things that Dad gave me,” dagdag ko at ngumiti ng tipid bago tuluyang binuksan ang pinto ng kwarto ko at tuluyan nang lumabas.
Naglakad ako pababa ng hagdan at tinungo ang sala. Nakita ko naman si Katie na nakaupo sa may sofa at nanonood ng movie. Umupo naman ako sa kabilang couch at tiningnan kung ano ang pinapanood niya.
“Hello, ate Mary! Gusto mo ba na manood? Gusto mo ilipat ko?” masayang sabi niya nang makaupo ako sa sofa. Umiling-iling naman ako bilang sagot habang nasa palabas pa rin ang atensiyon.
“Anong title?” tanong ko.
“Miraculous: Tales of Ladybug and Cat Noir po, ate Mary!” sagot naman ni Katie. Tumango-tango naman ako habang seryosong nakatingin sa palabas sa tv namin.
“Gusto mo ba na ibalik ko sa una para mas maintindihan mo ‘yong kwento, ate Mary?” rinig kong tanong na naman ni Katie.
“Mahaba ba ang epsisodes niyan?”
“Medyo naman po pero every night ako nanonood nito. Puwede mo akong samahan manood, ate Mary...”
“... kung gusto mo lang naman,” halos pabulong na dagdag niya.
“Okay sige. Makikinood ako kapag free ako,” sabi ko naman.
“Talaga? Kung ganoon ay saka na lang din ako manonood kapag free time mo, ate Mary!” masaya na naman niyang sabi.
Ngumiti naman ako ng kaunti at ilang sandali lang ay ibinalik nga niya sa episode one ang pinapanood namin. Tahimik naman siya na nanonood at hindi man lang nagsasalita o nagkukuwento tungkol sa susunod na mangyayari sa palabas.
“Halina kayo, handa na ang hapunan natin,” rinig naming sabi ni Mom mula sa kusina.
Mabilis naman na tumayo si Katie at tumakbo sa papunta sa kusina. Ako naman ay kinuha ang remote control ng tv at pinatay ang palabas bago tinungo ang kusina.
Nadatnan ko naman sina Mom at Katie na nakaupo na sa upuan. Nakahanda na rin ang pagkain sa mesa. Umupo naman ako sa bakanteng upuan sa harapan nilang dalawa.
“Sige na, kumain ka na bago pa lumamig ang pagkain,” sabi ni Mom at inabot sa akin ang mangkok na may laman na kanin. Kinuha ko naman iyon at nilagyan ng kanin ang plato ko.
“Mukhang nagkakasundo kayo kanina ni Katie sa may sala. Sana naman ay magpatuloy na iyon.”
“Oo, Mommy! Sinabi nga sa akin ni ate Mary na sasabayan niya akong manood ng movie tuwing gabi kapag free time niya!” masayang sabi ni Katie. Halata sa mukha niya na excited siya at masayang-masaya na makakasama ako sa panonood ng movie.
“Really? I’m so happy for you. Sinabi ko naman sa ‘yo noon, hindi ba? Busy lang ang ate Mary mo kaya medyo hindi ka niya napapansin,” sabi naman ni Mom.
Magsasalita sana ako sa sinabi ni Mom nang inunahan ako ni Katie.
“I’m sorry, ate Mary. Akala ko talaga hate mo ako. Sana magkaroon pa tayo ng maraming time together, hindi lang ako at ikaw kung ‘di pati na rin sina Mommy and Daddy,” may ngiting sabi niya sa akin.
Hindi naman agad ako nakapagsalita sa sinabi niya. Tiningnan ko si Mom at kitang-kita ko sa mata niya ang pagsusumamo na sumang-ayon ako sa sinabi ni Katie.
Kinagat ko naman ang ibabang labi ko bago nagpakawala ng ngiti.
“Let’s do that... soon.”
Huwag muna ngayon.