CHAPTER 4

2524 Words
“BILISAN mo na, Mary!” excited na sabi ni Angel habang hinihintay akong matapos ang pagliligpit ng gamit ko. “Ba’t ka nagmamadali? Announcement lang ang mayro’n sa gymnasium, Angel,” sabi ko naman. “Alam mo naming madami tayo, baka wala na tayong maupuan.” “About that, may nag-reserved na ng seats natin. Since I am the vice president of the student council, hindi na iyon nakakagulat. I got an extra seat for you too at pumayag din naman ang President sa gusto ko so we’re settled.” Inilagay ko sa balikat ko ang backpack ko nang matpos akong magligpit ng gamit ko. Katatapos lang namin kumain ng lunch dito sa loob ng classroom. ‘Yong iba kong kaklase ay nauna na sa gymnasium. “Ayos lang ba kung dadaan muna tayo sa student council’s office? Ilalagay ko ang gamit ko roon dahil ayokong dala-dala ‘tong backpack na ‘to.” “Of course naman! Halika na! The best ka talaga, May! You know, I smell something fishy riyan sa president council natin. Ang lakas mo yata sa kanya ‘no?” “Tumigil ka nga. Kung ano-ano na naman ‘yang lumalabas sa bibig mo, Angel.” Tumawa naman siya. Napailing-iling na lang ako at naglakad na palabas ng classroom naming. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Angel sa akin. Naglakad kami papunta sa student council office na panay pa rin ang daldal ni Angel habang ako ay tahimik lang at hindi siya sinasagot sa mga pinagsasabi niya. May susi ako ng office naming dahil nga vice president ako, dalawa lang kami ng president ang may may susi sa council’s office. Sa office madalas ang tambayan ko dahil marami-rami rin ang events na gaganapin every school year kaya marami talagang dapat asikasuhin na papeles doon. I couldn’t say that I am lucky to be choosen as the council’s vice president. Oo, exempted ako madalas sa mga academic subject namin pero tambak naman ang paper works sa council. Dati, I enjoyed being the vice president since my Dad was supporting me all the time. He was the one who told me to try this position. At first, I really enjoy being in my position, but when he died, everything turns upside down. Hindi na ako madalas sumasama sa ibang members ng student council at palagi akong tumatambay sa office kapag walang tao. I avoided them and I think, they are also avoiding me. ‘Yong dating masiglang student council members ay unti-unti nang nawawala. I didn’t bother to fix anything since ilang buwan na lang din naman ako rito. Pagdating naming sa council’s office ay binuksan ko ang pinto na naka-locked gamit ang susi ko. Napakunot naman ang noo ko nang mapagtantong bukas na pala ito. Pumasok naman agad ako sa loob at bumungad sa akin ang president ng student council—si Jasper. “May problema ba?” tanong ko nang makita siyang nagbabasa ng papeles habang nakaupo sa mesa. “I have cancelled the meeting of the student council members and postponed it after the announcement in the gymnasium. I just forgot some papers here kaya nandito ako,” sagot naman niya dahilan para mapasampal ako ng noo ko. Oo nga pala, may meeting nga pala before sa announcement. Inilagay ko sa gilid ang backpack ko at tiningnan ulit si Jasper. “Gusto mong sumabay sa amin? Papunta na kami sa gymnasium.” “Ah yeah, sure.” Hindi kami close ni Jasper, but since we usually hangout in the past, hindi kami awkward sa isa’t-isa. Mabait naman siya kapag nakilala mo pero he was really strict when it comes to his position as president of the student council. “Let’s go,” he said and walked outside the office. Sinundan ko naman siya palabas at nakita ko naman si Angel na naghihintay roon. Only the student council members ang nakakapasok sa office kaya sa labas naghintay si Angel sa akin. “Ang tagal mo naman—good morning, president!” “Good morning,” sagot naman ni Jasper sa bati ni Angel habang sinasara ang pinto ng office. “Sasabay ka ba sa amin? Thank you nga pala sa pagpayag na i-reserved ako ng upuan. Ang lakas talaga ni Mary sa ‘yo!” Siniko ko naman agad si Angel dahil sa kung ano-ano na lang talaga ang lumalabas sa bibig niya. Ayos lang sana kung magaganda ang pinagsasabi niya e. “No problem,” sabi na naman si Jasper. “Let’s go?” dagdag niya pa. Tumango naman ako at nauna nang maglakad. Naramdaman ko naman ang pagsabay ni Jasper sa akin habang si Angel naman ay nakasunod sa amin sa likuran. “I hope that you’re fine now,” rinig kong sabi ni Jasper. “Do I have a choice? I need to be fine no matter what. Kahit ayokong maging okay, kahit hindi okay, I should be okay.” Narinig ko naman ang pagbuntonghininga niya. “Sorry if I caused you trouble. You could still reach me whenever you like. Saka sana, walang problemang pinagdadaanan ang student council members,” halos pabulong na dagdag ko. “We’re okay. I was also planning about gathering the student council members again. Also, I was expecting for them to enjoy this upcoming camping since the student council members were also going to join that event.” Tumango naman ako sa sinabi niya at hindi na nagsalita. Pansin ko rin na ang tahimik ni Angel na nasa likuran namin. Ano na naman kaya ng nasa isip niya? Paniguradong kung ano-ano na naman ang sasabihin niya sa akin mamaya. Oo nga pala, kailangan muna namin na sumakay ng traysikel papunta sa gymnasium mula sa campus namin. Puwede naman na lakarin pero mainit kasi at limang piso lang din ang pamasahe kaya ayos lang iyon. “GOOD day, students! Today, we were going to announce the details of our upcoming camping that would be held in our campus,” sabi ng announcer na si Mr. Gabrielle Perez. Siya ang pinagkakatiwaalan sa campus namin. Extension campus ang paaralan namin, ang main campus ng JHCSC ay nasa Pagadian City. Maganda ang mga paaralan sa Pagadian pero mas gusto ko sa malapit noon dahil para makauwi pa rin ako sa pamilya ko. “Ang dami pa lang activities na mangyayari sa three days and two nights camping,” rinig kong sabi ni Angel. Hindi ako nakinig ng husto sa announcement dahil alam ko na naman iyon. Halos isang oras lang din ang tinagal ng announcement hanggang sa pinauwi na kami—I mean sila lang pala. Maiiwan pala ang student council members dahil may pag-uusapan daw kami. “Mauuna na ako? Puwede naman kitang hintayin,” sabi ni Angel nang masabi ko sa kanya ang meeting na mangyayari sa amin ng student council members. “No. Kaya mo namang umuwi. Saka may assignment tayo, hindi ba? Gawin mo na lang iyon at bukas na tayo magkita sa school,” sabi ko naman. “Hindi ka yata nakinig kanina, Mary. Walang assignment dahil bukas na ang camping! Ayan kasi, palagi kang lutang.” “Bukas ba?” tanong ko dahilan para mapasampal siya sa noo niya. “Sige na, Angel. Magkita na lang tayo sa camping bukas.” “Bahala ka. Tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka. Sige, aalis na ako.” Tumalikod naman siya at nagsimula nang maglakad papalayo sa akin. Napailing-iling na lang ako at tumalikod na rin para puntahan ang ibang student council members. Agad naman akong napahinto nang pagtalikod ko ay bumungad sa akin ang walang ganang mukha ni Chase. “Kanina ka pa?” tanong ko. “Nandito na ako bago pa magsimula ang announcement,” sagot naman niya. “Ahh okay.” Naglakad naman ako at nilampasan siya. Masyado nga yata akong lutang at hindi ko namalayan na katabi ko pala siya ng upuan kanina pa. “May problema ba?” tanong ko kay Jasper nang makalapit sa kaniya. Kasama rin niya ang iba pang mga student council members. “The student council members decided to recruit another members na puwedeng makatulong sa atin. Marami tayong gagawin sa taong ito. The Dean also agree with our sugeestion,” sabi ni Ryne na siyang secretary ng student council. “That’s good. So that’s all?” tanong ko na naman. “We’ll assign Mr. Castro for recruiting the assistant members of the student council and you will also monitor him,” sabi naman ni Jasper. Tumango ako hanggang sa mapagtanto ang mga sinabi ni Jasper. “Castro? Ako? I assigned to monitor Chase Castro?!” pasigaw na tanong ko. Nakita ko naman ang gulat sa mukha nila sa pagsigaw ko maliban lang kay Jasper na nakatingin lang sa akin. “Is there anything wrong about that?” rinig kong pamilyar na boses sa likuran ko. “Yes!” mabilis na sagot ko at nilingon ang taong nagsalita sa likuran ko. “He was just a new comer! Ano ang magagawa niya? We didn’t even know his full background,” sabi ko habang nakakunot ang noong nakatingin kay Chase. “At saka malay natin, napatalsik siya sa previous school niya dahil sa mga kababalaghan niyang ginawa,” dagdag ko pa. “Are you saying that I was a bad person?” seryosong tanong naman ni Chase sa akin habang nakatitig sa mata ko. Hindi naman ako nagpatalo sa titig niya. “Did I say that?” pabalik na tanong ko. “Calm down, Mary. I already checked his background and he was the student council president in his previous school,” pagpapaliwanag ni Jasper. “Ano? Siya? Student council presdident?” hindi nakapaniwalang tanong ko habang nakaturo pa ang hintuturo ko sa mukha ni Chase. “Ipapasa ko ang information na kailangan mo about sa kanya mamaya. For now, pag-usapan muna natin ang specific process ng event bukas para matapos na tayo at makapaghanda ng maaga.” Binaba ko naman ang kamay ko na nakaturo kay Chase at hindi na nagsalita pa sa sinabi ni Jasper. Kanya-kanya naman kaming kumuha ng upuan sa isang sulok dito sa gymnasium at pumwesto ng pabilog. Naging seryoso naman ang aura ng lahat nang makaupo na kaming lahat. Nag-umpisa na rin na magsalita si Jasper tungkol sa magaganap na camping sa loob ng campus bukas. HUMIKAB ako at agad na humiga sa kama ko. Grabe, nakakapagod ang araw na ito. Umuwi agad kami kanina matapos ang meeting namin ng student council members. Almost five o’clock na rin ng hapon nang matapos ang meeting namin. Meeting pa lang 'yong kanina, ano pa kaya kung camping na? Paniguradong mas mapapagod ako bukas. Sabi ni Jasper na tutulong daw ang mga magiging assistant members ng student council, kailan pa? "Mary, may naghahanap sa 'yo sa sala," rining kong boses na sabi ni Mom mula sa labas ng pinto ng kwarto ko. "Sino ba 'yon? Pagod ako ngayon. Sabihin mo na lang na bumalik bukas," sabi ko naman. Kinuha ko ang isa sa mga unan ko at niyakap iyon. "Pero importante raw ang gagawin niyo para bukas, Mary. Ang mabuti pa, ikaw na lang ang—" "It's okay, Tita. I'll talk to her." Agad na napaupo ako mula sa pagkakahiga sa kama ko nang marinig ang pamilyar na boses mula sa pinto ng kwarto ko. Hindi nga ako nagkamali sa hula ko sa may-ari ng boses. "Hindi nga pumapasok ang Mom ko sa kwarto ko kahit hindi ko ni-lock ang pinto tapos ang lakas ng loob mo na pumasok—" Pinutol niya naman ang sinasabi ko. "I have no time for that. I need you to check the list of students I selected to be the part of student council assistant," mabilis na sabi ni Chase. Right, it's him. "Hindi ba puwedeng bukas na lang?" sabi ko at humiga ulit sa kama ko. Gusto ko siyang hilain at ipagtaboyan palabas sa kwarto ko pero masyado akong pagod para gawin iyon kaya hinayaan ko na lang siya na makapasok. "I'm doing this para makatulong kami as soon as possible. Kapag na-appproved mo na ang list na ito, we can help you on tomorrow's event." Napabangon naman ulit ako dahil sa sinabi niya. "Ang tagal naman! Akin na 'yan, bilis!" sabi ko at inabot din naman niya ang hawak niyang mga papel. Binasa ko ang laman ng papel at nakita roon ang pangalan ng iilan kong mga kaklase, kasama pa si Angel! "Sure ka ba na gusto nilang sumali? Baka gawa-gawa mo lang 'to," sabi ko habang nagbabasa. Almost fifty members din ang nasa list. Mas marami rin ang juniors na nakalista. "Since I used the school's website a while ago, natapos ko agad iyan. They immediately responded me and message me in my account so that's why," pagpapaliwanag naman niya. "Can they assist us tomorrow? As in?" tanong ko. "If you'll let them. I can reach them now and assign them right away," sagot naman niya. "Great! I'll approve this right away!" "Then I'll stay here in order for you to give me further informations about tomorrow's event." Napahiga na naman ako sa kama. Pinagloloko niya yata ako e. "Sapat na nakapasok ka sa kwarto ko. Huwag mong pangarapin na makatulog dito. Umalis ka na, bago pa ako tumawag ng pulis," sabi ko at inihagis sa gilid ng kama ang papel na hawak ko galing kay Chase. "Mas mapapagod kayo kung hindi niyo tatanggapin ang tulong—" "Pagod na nga ako ngayon. Just leave, okay? Matutulog na ako," putol ko sa sinasabi niya at mabilis na tinakpan ng unan ang ulo ko. Wala akong narinig na kahit ano kay Chase dahil ilang sandali lang din ay unti-unti na akong nilamon ng antok. "OKAY, thanks. That wouldn't be a problem." Naalimpungatan ako dahil sa narinig kong boses ng kung sino. Dahan-dahan ko namang minulat ang mata ko at nanlaki ang mata dahil sa bumungad sa akin. "Ano ang ginagawa mo rito?!" pasigaw na tanong ko kay Chase. Mabilis na tiningnan ko ang sarili ko at tiningnan ulit siya. Kinuha ko ang kumot ko at tinakip sa katawan ko. "Ano ang ginawa mo sa akin?!" "It's already late. You should be in the school right now. Jasper told me to pick you up," sagot naman niya. Naasampal ako sa noo ko nang maalala ang nangyari kagabi. "Eat your breakfast right away. Ayoko na naghihintay," sabi niya at naglakad palabas ng kwarto. "Sandali! How was the approval of the students list na sasali sa council assistant?" tanong ko na nagpahinto sa kanya sa paglabas ng tuluyan sa kwarto ko. "I gather informations from your papers last night. Naayos ko na naman and also, Jasper has already approved it. I told him na ayos na sa 'yo and he approved it." "At talagang pinakialaman mo ang gamit ko?" "You should be thankful." Umalis na siya at isinara ang pinto ng kwarto. Napahilamos naman ako ng kamay sa mukha. Hindi ito ang oras para mainis. I need to calm and I need to get ready. Mabilis na bumaba ako sa kama at tinungo ang comfort room ko rito sa kwarto para maligo. Sana maging maayos ang araw na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD