“OKAY. Copy your assignment then pass it tomorrow. After that, you were free to dismissed,” may ngiting sabi ng Mom ko sa mga estudyante niya.
Nandito ako ngayon sa school kung saan nagtatrabaho ang Mom ko. I was not here para dalawin o kamustahin siya. I was here because of Mr. Castro.
I saw him walking outside the campus noong nag-dismissal na. Grabe, halos isang oras ko rin siyang hinanap. I followed him and saw him na naglakad papunta sa likuran nitong school.
I decided to take a look here dahil dito ako nag-aral dati. This school was qualified only for high school and senior high school students. And my Mom was a senior high school teacher—a master teacher.
“Hey, why were you here? Was everything alright?”
Napabalik ako sa reyalidad dahil sa nagsalita. Nakita ko si Mom na nakatitig sa akin.
“Namamasyal lang. Maaga ang dismissal namin,” I answered.
“Really? Gusto mo ba sabay na tayong umuwi?”
“Hindi na. May pupuntahan pa ako. Aalis na ako.” Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita at tumalikod na at naglakad papalayo. Inayos ko ang backpack ko na nakasabit sa isang balikat ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Lumabas ako sa gate ng school at naglakad papunta sa kabilang daanan papunta sa likuran ng school kung saan ko nakita kanina si Mr. Castro na naglakad.
BUMUNGAD sa akin ang maaliwalas na paligid sa likuran ng school. May pader na nakatayo kaya hindi masyadong kita ng mga estudyante ang likuran ng school. Parang field naman ang nakikita ko rito sa paligid na may mga iilang nakatayong punong kahoy rin.
Napunta naman ang tingin ko sa isang may kataasang puno ng mangga yata? Nakita ko roon si Mr. Castro na nakaupo sa sanga ng puno. Agad naman akong naglakad papalapit sa puno.
“Kung may balak kang magpakamatay, gawin mo na. Hindi kita pipigilan,” sabi ko.
“Hindi rin ako magpapapigil sa isang stalker na gaya mo. You were following me, you wanted something from?” seryosong sabi niya mula sa itaas ng puno.
Umupo ako sa ilalim ng puno at sumandal sa katawan ng puno. Itinuon ko ang atensiyon ko sa magandang tanawin sa harapan. Ngayon lang ako nakapunta dito.
“Nakatira ka ba dito noon? Parang alam mo na ang pasikot-piskot dito,” sabi ko. Ilang minuto ang lumipas bago siya nagsalita.
“Things were too high tech nowadays. Bakit mo ba ako sinusundan?” tanong na naman niya.
“You were my responsibility right now since you were a transfer. Bakit hindi ka pumasok kanina?” pabalik na tanong ko. He didn’t answer me.
Ilang minutong katahimikan ang namayani sa amin hanggang sa lumipas ang halos kalahating oras, nagdidilim na. Naramdaman ko naman ang pagbaba niya mula sa itaas ng puno kaya tumayo ako at hinarap agad siya. Magsasalita na sana ako nang mapahinto rin dahil naglakad na siya papalayo.
I rolled my eyes and followed him.
“I hope magtitino ka na bukas sa school. I didn’t want to be bother anymore. It took months bago pa nila ako tantanan about sa transfer and—”
Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako at hindi naituloy ang sasabihin ko.
“I was not your responsibility. Stop following me and you should not talk to me again,” seryoso na seryoso niyang sabi dahilan para mapaatras ako.
His serious dark gray eyes met mine. Nanatili akong tahimik sa kinatatayuan ko hanggang sa nakita ko siyang tumalikod at naglakad papalayo. It was my first time to encounter a guy like him kaya hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko.
After a while I decided to walk again. Naglakad lang ako, tahimik na naglalakad hanggang sa marating ko ang bahay namin.
“ATE! Bumaba ka raw dahil may bisita tayo. Sabay na raw tayong kumain ng dinner. Bilis na, Ate Mary!”
I sighed as I heard Katie shouted outside my room’s door. Wala pa ako sa mood para humarap sa kung sino but I have my respect for our visitors. Sino naman kaya ang bisita? Gabi na masyado.
“Oo, susunod ako,” I said. Hindi ko na naman narinig na nagsalita pa si Katie sa labas ng pinto. Umalis na siguro. I immediately fixed myself bago bumaba. Nagugutom na rin kasi ako saka may bisita, try ko rin bumaba minsan, ‘di ba?
Wala naman ang stepfather ko, si Katie, ako, at ang Mom lang ang nandito sa bahay. Safe naman kami dahil marami kaming kapitbahay at wala pa namang sumubok na pasukin ang bahay namin.
Lumabas ako ng kwarto ko na nakasuot ng puting plain sando at kulay dilaw na pajama. Should I wear nice clothes for our visitors? Why would I? After dinner, matutulog na rin naman ako.
Naglakad ako diretso sa kusina at bumungad sa akin si Mom, Katie, at ang sinasabi nilang bisita.
“Oh, you were just on time! By the way this was my daughter... Mary. Mary, this is Miss Caroline Castro and Mr. Carter Castro and their son, Chase Castro,” pagpapakilala ni Mom.
“Nice to meet you,” tanging sabi ko at umupo sa upuan na bakante katabi ni Katie. Kaharap ko naman si Mr. Castro—Chase pala.
Nagsimula na kaming kumain. Syempre tahimik lang ako pati na rin si Chase habang ang mga parents namin ay nag-uusap. Minsan ay sumasali rin si Katie sa kanila.
“So balita ko magkaklase raw kayong dalawa ni Chase. Right, Mary? Same course yata kayo e,” sabi ng Mom ni Chase. I just smiled and nodded. Ramdam ko naman ang tingin sa akin ni Chase pero nanatiling sa pagkain ang atensiyon ko. I didn’t bother to put my gaze on him.
After some minutes ay tumayo ako at inilagay ang pinagkainan ko sa lababo.
“Aakyat na ako. May gagawin pa ako at matutulog na rin pagkatapos,” sabi ko with a little smile on my face.
“Ang aga naman yata? Mamaya pa sila aalis. Tapos na rin si Chase. Could you bring him upstairs with you, Mary? Ipakita mo ang kwarto mo sa kanya. Please?” Halata sa boses ni Mom na she was expecting me to say yes. I didn’t want to disappoint her in front of her friend so I just nodded.
Tiningnan ko lang si Chase at tumalikod na. Naglakad ako sa hagdan papunta sa ikalawang palapag ng bahay kung nasaan ang kwarto ko. Naramdaman ko naman ang presensiya ni Chase na sumusunod sa akin. I didn’t speak anything hanggang sa marating namin ang kwarto ko.
Pumasok agad ako sa loob at siya rin. Mabuti naman at marunong din siyang magsara ng pinto.
Agad kong tinungo ang kama ko at umupo roon. Nakita ko naman ang nakakalat na papers about nga roon sa camping na magaganap lang sa mismong campus namin. Bukas na ang final announcement no’n.
“You could touch my things pero huwag na huwag mong sirain,” seryosong sabi ko.
“I didn’t want any trouble and uncomfortable feelings. Let’s just forget about what happened earlier,” rinig kong sabi niya. Halata sa boses niya ang pagiging kalmado niya.
“I have no bad intentions and I didn’t feel talking to you. Ginagawa ko lang ang responsibility ko as a Vice President ng campus council.”
“I know...” pabulong na sabi niya pero rinig ko pa rin. Hindi man lang siya hihingi ng tawad sa inasta niya? Rude. Maybe I was rude too, but who cares.
“So you read fairy tales?”
Agad ko naman siyang nilingon at nakita ko na hawak-hawak niya ang libro ko na binili ni Dad noong bata pa ako. Display ang mga ito sa kwarto ko at hindi ko inaasahan na ito ang una niyang pagkaka-interesan.
“Rapunzel...” pagbasa niya sa title ng librong hawak niya. Nakatitig lang siya sa cover page ng libro.
“Fairy tales didn’t exist, they totally didn’t,” sabi ko at ibinalik ang atensiyon ko sa pagtingin-tingin sa mga papers sa harap ko.
“Fairy tales doesn’t really require happy endings—” Pinutol ko naman ang sasabihin niya.
“It did. Fairy tales did required happy endings,” sabi ko at tiningnan siya. Nakita ko naman na nakatingin siya sa akin.
“No. Fairy tales required happiness and not happy endings. If you had the happiness, it could be a fairy tale... if you consider it one.”
Napahinto naman ako sa ginagawa ko. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Dad noon.
‘Almost all of fairytales have miserable endings. But the important part of it... was they experienced hapiness. Bad or good endings, you must live your life the way you wanted to and not the way others wanted to.’
“Do you read fairy tales that much?” rinig ko na namang tanong ni Chase. Marami-rami kasi talaga ang collection kong libro and it was more on children’s book. Nahinto lang ang pag-collect ko ng libro when my Dad passed away.
May mga libro rin akong fantasy na galing pa sa ibang bansa pero mabibilang lang ang mga iyon.
“If you didn’t want to read those, ibalik mo na. Wala rin akong balak na pahiramin ka,” sabi ko at itinuon na naman ang atensiyon sa ginagawa ko. Wala na naman akong narinig na kung anong salita galing sa kanya. Ilang minuto rin ang lumipas ay namayani ang katahimikan sa kwarto ko.
Nilingon ko ang kinaroroonan ni Chase para tingnan kung ano na ang ginagawa niya. Nakita ko naman siya na nasa study table ko. Nakaupo siya sa may upuan. Seryoso siya na nakatingin sa isang libro na kung hindi ako nagkakamali ay ang story ni Thumbelina.
“Wow! Ang daming books!”
Agad akong napalingon sa may pinto nang marinig ang malakas na boses ni Katie. Kitang-kita sa mukha niya ang excitement habang nakatingin sa isang corner ng kwarto ko na maraming fairy tale books na display. Agad naman siyang lumapit doon at nagsimulang tumingin-tingin sa mga libro ko.
“Huwag na huwag mong ilalabas ng kwarto ko ang mga librong iyan. I won’t let you borrow those,” seryosong sabi ko kay Katie.
Nakita ko naman ang pagkadismaya sa mukha niya habang nakatingin sa akin. Kitang-kita sa mata niya ang lungkot at mukhang anytime ay tutulo na ang luha niya. I sighed at ibinalik ang atensiyon ko sa mga papers na hawak ko.
“You could read and borrow those pero huwag mo lang ilabas sa kwarto ko. Diyan ka lang sa tabi,” mahina kong sabi na alam kong rinig din naman hindi lang ni Katie pati na rin ni Chase.
“Really?! Thank you, Ate Mary!” rinig kong sabi ni Katie. Ilang sandali lang ay naramdaman ko naman ang yakap niya mula sa likuran ko. Saglit lang ‘yon dahil kumawala rin naman agad siya at tinungo ang bookshelves ko sa isang corner.
“Thumbelina? Maganda ba ‘yan, Kuya Chase?” rinig kong tanong ni Katie kay Chase.
“Yeah. Wanna read it? Here.”
Napailing-iling na lang ako at hindi na lang sila pinansin. I need to organise our camping before tomorrow dahil final announcement na bukas.
“SALAMAT sa hapunan. We would be glad to invite you in dinner too.”
“That would be nice,” may ngiting sabi ni Mama kay Mrs. Castro.
Nasa may labas na sila ng pinto ng bahay. Pinababa pa ako ni Mama para makita lang na umalis na sila.
“Sa uulitin,” may ngiti namang sabi ni Mr. Castro.
Tiningnan ko naman si Chase na seryosong nakatingin sa akin dahilan para taasan ko siya ng kilay. Ilang sandali lang ay tumalikod naman siya at naglakad na. May sira yata siya sa ulo.
Nakita ko naman si Mom na sumunod sa mga Castro. Isasara niya pa siguro ang gate ng bahay sa labas. I didn’t bother to follow them. Naglakad na ako paakyat ng second floor—papunta sa kwarto ko.
Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay bumungad naman sa akin si Katie na nakahiga sa kama ko. Katabi niya ang libro ko na may pamagat na Thumbelina. Nilapitan ko naman siya at nakitang nakatulog na nga siya.
Kinuha ko naman ang libro sa tabi niya at inayos ito. Naglakad ako sa corner kung nasaan ang mga fairy tale books ko at inilagay iyon doon. Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto ng kwarto ko pero nanatiling nasa mga libro ang atensiyon ko.
“She was sleeping...” rinig kong sabi ni Mom.
“Kunin mo na siya dahil matutulog na ako,” seryosong sabi ko bago siya nilingon. Nakita ko naman siyang nakaupo sa tabi ni Katie na mahimbing pa rin ang tulog.
“Sana magkasundo kayong dalawa... sana intindihin mo siya, Mary.” Hindi naman ako umimik.
“I already told you before about her experience from her own mother. I wanted her to experience the real meaning of family kahit hindi natin siya kadugo. She is too young...”
Ilang minuto pa bago ako nagkapagsalita.
“Hindi ko naman siya inaaway, I was trying to understand that kid. I was not a monster to hate them much, just give me enough time. You know how I loved Dad so much.”
“Hindi naman kita masisisi, anak. I just wanted you to move forward and start finding your happiness. Alam kong iyon din ang gusto ng Dad mo.”
“I know...” pabulong na sabi ko.
Katahimikan ang namayani sa kwarto ko. Ilang sandali lang ay tumayo si Mom at dahan-dahan niyang kinarga si Katie. Nang nakarga niya ito ng maayos ay naglakad siya papunta sa may pinto na bukas habang ako naman ay nanatili sa posisyon ko.
“Goodnight, sweetie. I love you always,” sabi ni Mom habang nakatingin sa akin. I just smiled a little. After that, tuluyan nang lumabas sa kwarto ko si Mom habang karga-karga si Katie.
“Goodnight...” pabulong na sab ko.
Naglakad ako papunta sa pinto ng kwarto at isinara iyon. Napabuntong hininga ako bago tinungo ang kama ko at humiga roon.
Napatingin ako sa kisame ng kwarto.
“Dad, does every things really happen for a reason?” tanong ko sa kisame.
Ilang sandali lang ay kinuha ko ang unan ko at mahigpit itong niyakap. Binalot ko rin ng kumot ang katawan ko at ipinikit ang mga mata.
I know that in the end, it is... and will always be our choice if we wanted to move forward or stuck in a specific part of our story.