“ATE Mary! Kain na tayo sa baba! Masarap ang nilutong ulam ni Mommy!” rinig kong sigaw ni Katie mula sa labas ng pinto ng kwarto ko.
Tiningnan ko ang sarili ko sa isang whole body mirror na nakadikit lang sa cabinet ko. Nang makitang ayos na ang sarili ay kinuha ko ang backpack ko at tinungo ang pinto ng kwarto. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin si Katie na parang hinihintay akong lumabas.
“I would not eat breakfast here, okay? And please... stop messing up with me.”
Nakita ko namang umiba ang timpla ng mukha niya. Para na siyang iiyak. Napabuntong hininga naman ako.
“Tell Mom na aalis na ako. I would be late if I would join you in your breakfast. Aalis na ako,” sabi ko at tinalikuran si Katie.
Was I too mean? No. I just didn’t used to have a child in the house. I was not good in kids and ayoko rin na makalapit kay Katie. She kept telling fairy tales whenever she saws me sitting in our living area... and I hate it.
Palabas na ako ng gate ng bahay namin nang may maaninag akong kotse na nakaparada sa kabilang bahay na nasa harap lang ng bahay namin.
“You were Mary, right? It was nice to meet you! Pakisabi sa Mom mo na ang sarap ng luto niya,” may ngiting sabi ng isang babaeng parang kaedad lang ni Mom.
Medyo napakunot naman ang noo ko. Right. She may be my Mom’s kumare s***h friend, if I was not mistaken.
“Sige po,” I said and smiled a little. I didn’t really know her.
Nagsimula na akong maglakad papunta sa school. It took fifteen minutes of walking and less than five minutes naman kung sasakay ako ng traysikel papunta sa school. I still have a lot of time kaya maglalakad na lang siguro ako. I also need some fresh air.
Tukuran is a province kaya presko ang hangin dito. Marami-rami rin ang punong makikita sa paligid. Pili lang ang mga sasakyan na nandito kaya hindi masyadong polluted ang bawat paligid.
My class will start at exactly eight o’clock at seven o’clock pa lang. Ang dami ko pang oras and right—I almost forgot. May aasikasuhin pa pala ako as Vice President of our student council ngayon. Exempted nga pala ako sa klase namin ngayong araw.
Makalipas ang ilang minuto ay narating ko rin ang gate ng school. Gaya ng dati ay bumili ako ng pastel sa tindahan kung saan ako madalas bumibili. Bumili rin ako ng cold water para hindi ako mabilaukan sa pagkain ko.
“Iha, balita ko ay may bago raw na papasok sa paaralan niyo? Narinig ko sa mga teachers na nag-uusap kahapon,” sabi ni Aling Tindera.
Nag-uusap kami ni Aling Alice which is ‘yong tindera na may edad na, minsan. Syempre nag-uusap lang kami kapag may tinatanong siya sa akin. Hindi ko naman ugali ang magtanong ng una lalo na kung hindi ko masyadong kilala.
“Ah opo. Sana hindi sakit sa ulo,” sagot ko naman sa tanong niya.
“Hindi siguro,” rinig kong sabi naman niya.
“Sa pagkakaalam ko ay mayaman yata, Manang. Mostly sa mayayaman... alam niyo na.”
“Oo nga pero hindi ka naman gano’n.” Napahinto naman ako sa sinabi niya.
“Hindi po ako mayaman, Manang. ‘Yong mga magulang ko ang mayaman. Well, hindi nga rin naman lahat ng mayaman may kasamaan ang ugali,” sabi ko habang inilalagay sa basurahan ang dahon ng saging na wala ng laman. Ininom ko naman agad ang cold water na binili ko.
“Mukhang iyan na yata ‘yong bagong estudyante sa paaralan niyo,” rinig kong sabi ni Aling Alice.
Inilagay ko naman ang wala ng lamang cold water sa basurahan bago mabilis na inayos ang sarili.
I need to look comfortable and respectable to our new student gaya ng bilin ni Ma’am Romero. I need to entertain the student and his family. Whole day ko rin na ipapasyal ang bagong student sa campus. Ang galing ‘no? Ayos sana kung may suweldo e.
Lumingon ako para tingnan ang bagong dating na estudyante na kakarating lang yata. Ilang beses akong napakurap nang makita ang isang pamilyar na kotse sa may ‘di kalayuan ng gate ng school. Napalunok ako nang tingnan ang isang lalaki na kaedad ko na nakatayo sa labas ng kotse. Pamilyar—siya ang ‘yong lalaki na inabutan ko ng ulam! Anak siya ng kaibigan ni Mom? If I was not mistaken.
Nakita ko naman siyang naglakad papasok sa campus. Except me, all of the ladies’ eyes were on him! Mga matang may malagkit ang tingin. He just walked calmly without gazing anyone in the campus.
Ilang segundo pa bago ako bumalik sa reyalidad at mabilis na naglakad para sundan ang lalaki. Nag-iisa lang siyang naglalakad papunta sa Dean’s office? What about his parents? Akala ko ba—
“Aray...” daing ko nang may mabunggo ako. Dahan-dahan ko namang inaangat ang mukha ko. Bumungad sa akin ang seryosong mukha ng lalaki na sinusundan ko. It seems that his gray eyes warned me to step away.
Mabilis naman akong kumilos at agad na naglakad. Nilagpasan ko siya at humakbang ng mabilis papunta sa Dean’s office. I signed when I finally arrived in the office. Finally!
Binuksan ko ang Dean’s office at agad na pumasok doon. Pinakalma ko agad ang sarili ko dahil medyo napagod ako sa mabilis kong paglalakad. Medyo malayo rin kasi ang Dean’s office sa gate ng school.
Naputol ang pag-iisip ko nang makarinig ng pagkabukas ng pinto ng office. Agad naman akong napalingon doon.
“Where’s the Dean?” bungad na tanong ng lalaki. Siya pala talaga ‘yong bagong transfer.
“He’s not here. I was assigned to accompany you,” mabilis ko namang sabi. Inayos ko agad ang sarili ko.
“You were?” tanong na naman niya. Mukhang mauubusan yata ako ng english sa kanya.
“I’m the student council’s vice president. I am here to welcome you and be your companion this whole day. I will—” Pinutol niya naman ang sasabihin ko.
“I could handle myself. Just gave me my schedule right away.”
I seriously looked at him. He’s gaze was on me. Kitang-kita ko ang buong mukha niya dahil hindi naman madilim dito sa loob ng office. I spotted his dark gray eyes na nanatiling nakatitig sa akin. Hindi ako umiwas ng tingin sa kanya bago nagsalita.
“Sorry, Mr. Castro. But I need to do my responsibility. I will give you a tour. Kindly follow me,” magalang na sabi ko sa kanya. I always wanted to be rude lalo na sa mga hindi ko kakilala, but this is related sa school at sa responsibilidad ko kaya I have no choice. I could be kind and humble kahit isang araw lang sa taong hindi ko kilala, sometimes.
“You were the neighbor who gave me—” I cut his words at hinarap niya. Nakasunod kasi siya sa akin kaya nasa likuran lang ko siya.
“That thing. Hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko, call me rude, but you should not talk about that thing here, Mr. Castro. Nandito tayo sa school, be a student and not my neighbor,” I directly said.
“That oval was our field here. Mostly sa mga activities ay nangyayari sa oval na ‘yan,” sabi ko habang nakatingin sa field ng school na nasa harap namin.
“This school was not big compare to your past schools. Nasa probinsiya ka so you shouldn’t expect that much. The students here were friendly, expect that—”
“Really?” putol na naman niya sa sinasabi ko.
I looked at him and saw that his gazed were on me, again. Tinaas ko ang kilay ko.
“I was friendly, but usually not.”
Nanatili naman ang titig niya sa akin. Ilang segundo lang ay nagsalita rin siya.
“That was the classroom? This campus was really not that big. Hindi ko na kailangan ng tour whole day. I could manage myself,” seryosong sabi niya.
Nakita ko naman ang kamay niya na nakalahad sa akin. Tiningnan ko lang ito. Kumunot ang noo ko nang hindi makuha ang ibig niyang sabihin.
“My schedule,” maikling sabi niya.
Ilang minuto akong nag-isip kung ibibigay ko ba o hindi pero mukhang may point rin naman siya. Malaki na siya. He could manage himself.
“About your parents—” Pinutol na naman niya ang sasabihin ko.
“They were both busy. Could you just handle me my schedule?” may inis na niyang sabi.
Kinuha ko naman sa bulsa ng uniform pants ko ang schedule niya at ibinigay sa kanya. Tinitigan ko siya ng maigi hanggang sa makuha niya ang papel na may lamang schedule niya sa klase. Nang makuha niya at mabilis din naman siyang tumalikod at naglakad papalayo sa akin.
Hindi talaga ako mapakali sa kanya. Mukha kasi siyang isang tao na parating nasasangkot sa g**o. Yes, he seems handsome, serious, and stupid? I shouldn’t have care. Saka na lang ako mag-aalala kapag nakagawa nga siya ng g**o sa loob ng campus. Lagot talaga siya.
“THAT was all the possible activities that can be occured in our upcoming camping here at school. Sa ’yo ko na ipagkakatiwala ‘yan. I would still went to the main campus to approve that.”
Seryoso lang na nagsasalita si Jasper—ang President ng student council. As usual, busy na naman siya at ako na naman ang naatasan na gumawa at mag organise ng event.
“Telling stories, be my friend or enemy, light the candle, talk it and share it, peers time and lastly, be a human,” pagbabasa ko sa lists ng activities.
“I will gave you the whole schedule ng activities, nililista pa kasi ng secretary. I would give it to you later, ano ba ang klase mo mamaya?”
Inilagay ko ang papers sa backpack ko saka tiningnan siya.
“I could be in our room. I was exempted this day to tour our new transfer kaso may ibang mundo yata siya. Wala na akong pakialam sa kanya. Make sure to give me those dahil two days na lang bago ang camping,” I said seriously habang nakatingin kay Jasper.
Nasa Dean’s Office kami ngayon, nakaupo siya sa upuan ng Dean habang ako naman ay nakaupo rin sa harap ng mesa ng Dean na may upuan din.
“Noted. For now, bantayan mo muna kaya ‘yong transfer? I would meet you in your classroom after two hours, one in the afternoon pa naman.” I nodded.
“Okay. Iyon na ba lahat? Aalis na ako,” sabi ko at tumayo na. I didn’t hear any words from him anymore so I just went out of the office.
Bantayan ang bagong transfer? Ha! Asa! I would not do that. Saka hindi ko na naman ‘yon nakikita, ewan lang? Baka tumakas? First day na first day niya e. Pakialam ko ba?
“Mary! Kamusta? Nakita ko ang bagong transfer! He seems gwapo and cool!” Agad naman akong napapikit pagpasok ko sa classroom namin nang bumungad si Angel sa akin.
“Stop it! Okay? Wala akong pakialam. At huwag mong sabihin na interesado ka sa—” Pinutol niya ang sasabihin ko.
“That handsome, cool and amazing guy—” Pinutol ko rin siya.
“Tama na, Angel. Sumasakit ulo ko,” sabi ko at nilagpasan siya. Naglakad ako papunta sa upuan ko at umupo roon. Wala yata silang Instructor ngayon.
“So nasaan siya? Akala ko ba ipapasyal mo siya sa campus, hindi ba?” tanong na naman ni Angel. Nakaupo na siya sa tabi ko.
Katatapos ko nga lang pala kumain ng tanghalian. Sabay talaga kami ni Angel pero kapag may gagawin ako sa Dean’s Office ay doon na ako kumakain ng tanghalian. Bumibili na lang ako sa canteen ng pagkain.
“Hindi ko rin alam, kanina ko pa siya hindi nakita dahil kaya na raw niya ang sarili niya. Wala ba kayong klase ngayon?”
“Wala yata e, wala namang dumating na Instructor. Mabuti nga at naisipan mong bumalik dito sa classroom. Tingnan mo nga oh, may kanya-kanya silang mundo tapos ako nag-iisa lang dito,” may palungkot effect niyang sabi. Napailing-iling naman ako at nilingon ang mga kaklase ko.
May kanya-kanya nga silang ginagawa. May naghaharutan, may nagbabasa ng libro, mag nag-uusap at may iba nakatitig sa kanya-kanya nilang cellphone.
“Oo nga pala, tungkol sa camping? Kailan ang final announcement no’n?” Ibinaling ko ulit ang atensiyon ko kay Angel.
“Maybe bukas,” sagot ko naman sa tanong niya. Tumatango naman siya kaya hindi ko na siya pinansin pa ang ibinaling ang atensiyon ko sa labas ng bintana. Malapit lang ang upuan ko sa may bintana kaya naman kitang-kita ko ang may kagandahang view sa labas.
May mga puno na nakapaligid sa paligid kaya naman presko talaga ang hangin dito sa campus namin. Idagdag pa ang oval o field na plain bermuda. Maganda talagang tambayan ang campus pero ‘yon nga lang depende pa rin kasi may mga estudyante na depende rin kung makakasundo mo.
Lumipas din ang isang oras. It was two o’clock in the afternoon, and guess what?
“Chase Castro was a transfer student. You knew your responsibility as a Vice President of our campus council. Sa’yo ipinagkatiwala ng campus ang paggabay sa new student natin. Ngayon, nasaan na siya? Hindi ko siya nakikita dito sa loob ng campus,” mahabang sabi ni Ma’am Romero.
Siya ang Instructor sa subject ngayong araw at naabutan nga niya akong nakaupo sa upuan ko rito sa classroom namin.
“He said he could managed himself so I let him. May mga tao na hindi natin napipilit, Ma’am,” I said. Napabuntong hininga naman si Ma’am Romero habang nakaupo sa upuan niya sa harap naming lahat.
Tahimik lang ang mga kaklase ko na nakikinig sa pag-uusap namin ni Ma’am Romero.
“There were a lot of reasons that we could change people or their minds. Miss Santiago, please. Inaasahan kita kay Mr. Castro.” I just nodded.
“Hindi natin mapipilit ang tao kung ayaw nilang magbago pero gagawin ko ang makakaya ko. Hahanapin ko siya para pagsabihan. Excuse me, Ma’am.”
“Baka hindi kita masabayan sa pag-uwi. Kailangan ko talaga itong tapusin. Bukas na lang,” pabulong na sabi ko kay Angel bago tumayo at naglakad papalabas ng classroom.
Napailing-iling naman ako at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa Dean’s office. Nakalimutan ko ang backpack ko roon e.
Nang makarating ay binuksan ko naman ang pinto. Bumungad agad sa akin si Jasper na seryosong nakatingin sa mga papel sa harapan niya. Nakaupo pa rin siya sa upuan ng Dean habang nakatingin sa desk na puno ng papel.
“Dito ko na lang din hihintayin ang secretary dahil may hahanapin pa ako mamaya,” sabi ko.
“No need, here. The final papers for the camping and hour before the camping start, magkakaroon ng meeting muna lahat ng council members ng campus. It would be announced tomorrow,” mahaba niyang sabi habang nakatingin sa akin.
Kinuha ko naman ang iilang papel na inabot niya at tiningnan ito isa-isa.
“Noted. So I could go now? If there was more, you have my contact. Aalis na ako,” sabi ko at tinapunan siya ng tingin bago tumalikod para umalis.
Syempre kinuha ko muna ang backpack ko bago tuluyang umalis ng Dean’s Office. Inilagay ko naman ang mga papel na hawak ko sa loob ng backpack. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at pagtingin sa paligid.
Nagsimula na akong hanapin si Mr. Castro. Hindi pa oras ng dismissal kaya baka nasa paligid lang siya. Saang paligid naman? Bahala na.