CHAPTER 14

2624 Words
NAKATUON lang sa labas ng bintana ng kotse ang atensiyon ko. Pauwi na kami at ihahatid na naman kami ni Jasper kasama na naman si Chase. Nakapagpaalam na rin kami ng maayos sa isa't-isa kanina. "Maraming salamat, Jasper," sabi ko nang inihinto niya ang kotse sa tapat ng gate ng bahay namin. Ilang sandali lang ay nakarinig naman kami ng pagbukas at pagsara ng pinto ng kotse mula sa backseat. Lumabas doon si Chase. "Babe!" Agad naman akong napatingin sa harap ng kotse at may nakitang babae na lumapit sa kinaroroonan namin. Babe? "Sige, Jas. Ayos na ako rito. Ako na ang kukuha ng gamit ko. Ingat ka sa pag-uwi," may ngiting sabi ko kay Jasper bago lumabas sa kotse niya. Tinungo ko naman ang trunk ng kotse at nakita roon si Chase na nakatayo habang kayakap ang isang babae. Siya ba 'yong sumigaw ng 'babe"? "What the hell? Leave me alone?" pagalit na sabi ni Chase at tinulak ang babae. Kinuha ko naman ang gamit ko sa trunk ng kotse at nakuha na rin ni Chase ang sa kanya kaya isinara ko na iyon. Naglakad ako papunta sa gate ng bahay namin dala ang mga gamit ko. "Ingat, Jas!" sabi ko at kinawayan siya. Nakababa ang salamin sa bintana ng kotse niya kaya kitang-kita namin ang isa't-isa. Ngumiti siya bago pinaandar ang kotse niya at umalis na. Naaninag ko naman si Chase at ang babae na nasa kinaroroonan pa rin nila kanina. Napailing-iling na lang ako. "I'm sorry! Nandito na ako! Please come back to me!" rinig kong sabi ng babae. Rinig na rinig talaga e ang lakas ng pagkakasabi niya no'n. "Stay away from me!" rinig ko namang sabi ni Chase. Binuksan ko naman ang gate ng bahay namin. Hindi ako chismosa at mas lalong wala akong pakialam sa kanilla. Akmang papasok na sana ako sa loob ng gate nang mapahinto dahil may naunang pumasok sa akin. Napakurap naman ako ng ilang beses. "Babe!" Pumasok naman ako sa gate nang marinig na naman ang boses ng babae. Nakita ko naman si Chase na mabilis na sinara ang gate ng bahay namin. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" deretsang tanong ko sa kanya. Naging makakalimutin ba siya at hindi niya alam na hindi nila bahay ang pinasukan niya? "Chase! Let me in! I want to talk to you!" sabi ng babae. Nanatili naman akong nakatayo habang nakatingin sa babae na panay ang sigaw mula sa labas ng gate. She seems pretty and rich. Siya ba ang girlfriend ni Chase? Oo nga pala, balik tayo kay Chase. "I'll stay here." Naglakad naman siya papunta sa bahay namin habang dala-dala ang gamit. T-Teka—Ano daw?! "Hoy! Sandali—!" "Hey! You!" Napahinto naman ako sa pagsigaw kay Chase nang magsalita ang babae na nasa labas pa rin ng gate. "Open this gate! I wanna talk to Chase! Who the hell are you? Ikaw ba 'yong cheap na bago niya?!" sunod-sunod na sigaw ng babae sa akin. Ang sakit sa tainga! "Hey! I'm not done talking to you!" sigaw na naman ng babae hanggang sa tuluyan na nga akong pumasok sa loob ng bahay. "Sino 'yon? At bakit ka na naman nadito? Umuwi ka na sa inyo. May bahay kayo at bahay namin 'to!" bungad na sabi ko kay Chase at nakitang nakaupo siya sa may sofa. Hindi naman siya nagsalita at nanatiling nakayuko habang ang dalawa niyang kamay ay nasa ulo. May inis na kinuha ko naman ang gamit ko at saka naglakad. "Siguraduhin mo lang na hindi g**o ang dala ng babaeng iyon. Ayusin mo ang problema mo, Chase. At huwag mo akong idamay," seryosong sabi ko at umakyat na sa hagdan papapunta sa kwarto ko. Friday ng hapon ngayon at wala sina Mom and Katie. Nasa pagadian city na naman sila. She texted me earlier kaya wala sila rito sa bahay. Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ko ay tumunog naman ang cellphone ko na nasa bulsa ko lang. Kinuha ko iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Unregistered number, sino naman kaya 'to? "Hello? Mary? It's me, your tita Caroline. I called because I was worried of Chase. Could you let him stay in your house? I already talked to your Mom about that and she's okay with it. Don't worry, Chase was already knew what he'll do. I'll call again later. Mag-iingat kayo!" Hindi naman ako nakapagsalita nang patayin na nga ng Mom ni Chase ang tawag. Inilagay ko naman sa drawer ang cellphone ko at napahiga na lang sa kama. Ilang sandali lang ay unti-unti ko namang pinikit ang mata ko. AGAD na napabangon ako nang makarinig ng pagbagsak ng kawali. Napahilamos ako sa mukha nang mapagtanto kung sino na naman ang may pakana ng pagkabagsak na iyon. Ano oras na ba? Kinuha ko ang cellphone ko sa drawer at tiningnan iyon. Seven o'clock na ng gabi? At may five missed call din ako galing sa Mom ni Chase. Tumayo naman ako mula sa kama at napagdesisyunan na bumaba sa sala. Ano na naman kayang ginagawa ni Chase sa kusina? Nang marating ko ang sala ay dumeretso naman ako sa kusina. Nadatnan ko si Chase na naghahain sa mesa. So marunong talaga siyang magluto? "You're just in time," sabi niya. Hindi naman ako nagsalita at umupo na sa bakanteng upuan sa harap niya. "Ano na ang nangyari sa babae sa labas kanina?" biglang tanong ko. Baka manggulo na naman kasi iyon rito sa amin. "Umalis na siya. I didn't know if she'll come back... maybe," sagot naman niya. Hindi na ako nagsalita pa at nagsimula nang kumain. Tinolang manok ang ulam na niluto niya at may kanin din. Masarap din naman ang luto niya. "She was my ex-girlfriend. We broke up because she cheated on me and now, she has the guts to face me. Gusto niyang magkabalikan kami pero ayoko." "Bakit hindi mo siya bigyan ng chance?" tanong ko naman. "I already did, but she still cheated on me. Kahit ipagtabuyan ko siya, kinukulit niya pa rin ako." "Hindi ba may girlfriend ka na? Ipaharap mo sa ex mo at baka tigilan ka na niya." "How did you know that?" Napatigil naman ako sa sinabi niya. Paano ko nalaman? Narinig ko siya noon na sinabi niyang may girlfriend siya sa kausap niya sa cellphone niya. "Sinabi ng babae kanina. Napagkamalan ako na girlfriend mo," sagot ko naman. Ayoko namang sabihin na narinig ko siya dahil baka sabihin niyang interesado ako sa buhay niya o chismosa akong tao. "I didn't have any..." rinig ko namang sabi niya. Ilang sandali lang ay katahimikan ang namayani sa paligid hanggang sa tingnan ko siya. Nakita ko namang nakatingin ng seryoso sa akin si Chase. "Huwag mo akong tingnan ng ganyan, Chase. Baka masuntok kita," pailing-iling na sabi ko. "Be my girlfriend." Muntik naman akong mabulunan dahil sa sinabi niya. "Baliw ka ba?! Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo? Huwag mo akong isali sa kalokohan mo, Chase. Sinasabi ko sa 'yo, huwag ako." Tumayo ako dala-dala ang plato na ginamit ko at naglakad papunta sa lababo. Inilagay ko roon ang pinagkainan ko at naghugas ng kamay. Pagtalikod ko ay bumungad naman ang mukha ni Chase. Napaatras naman ako at naramdaman ang lababo sa likuran ko. "I'll do everything, just help me," seryoso niyang sabi. Magsasalita na sana ako nang bigla siyang natumba sa akin. "Please..." rinig kong bulong niya. "Hoy! T-Teka—" Napahinto naman ako nang mahawakan ko siya. B-Bakit parang... mainit siya?! "Chase! Ba't ka mainit? May lagnat ka?!" may pagkataranta kong sabi. Wala naman akong narinig na sagot sa kanya kaya tiningnan ko ang mukha niya. Nakapikit ang mata niya at parang... n-nahimatay?! Inayos ko naman siya at inilagay ang isang braso niya sa leeg ko para maipasok ko siya sa guest room. Medyo mabigat siyang tao at ang layo pa ng guest room kaya hindi ko alam kung madadala ko ba siya roon. Sa sofa na lang kaya? Ilang minuto rin ang lumipas at sa wakas ay nadala ko rin si Chase sa guest room. Inayos ko siya sa pagkakahiga niya at iniwan muna para kumuha ng pinggan na may maligamgam na tubig saka tuwalya na rin sa kusina. Medyo—hindi lang medyo, mainit talaga siya. Paano nangyari iyon? Hindi naman siya naulanan dahil hindi rin naman umulan? O baka may allergy siya? Mukhang kailangan kong tawagan ang Mom niya mamaya. Pagkatapos kong kunin ang mga kailangan sa kusina ay bumalik agad ako sa guest room. Hindi ako expert sa mga may lagnat. Nang makabalik sa kwarto kung nasaan si Chase ay agad na umupo ako sa gilid ng kama at inilagay ang pinggan sa isang upuan na nandito rin sa kwarto. Sinimulan ko namang pahiran ng maligamgam na tubig ang mukha ni Chase gamit ang tuwalya na nilagyan ko nga ng maligamgam na tubig mula sa pinggan. "Chase? Naririnig mo ba ako? Paano ka nagkalagnat? May allergy ka ba? Gusto mo tumawag ako ng doctor? Tatawagan ko ang Mom mo?" sunod-sunod na tanong ko. Hindi ko alam kung natutulog ba siya o ano pero mukhang kailangan ko talagang tumawag ng tulong. Gabi na ngayon at hindi ko alam mag-alaga ng may lagnat. Akmang tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo sa kama nang mapahinto dahil may naramdaman akong kamay na humawak sa kamay ko. "D-Don't..." rinig kong bulong ni Chase. "... just let me rest," dagdag niya pa. "Ano? Paano kung mamatay ka riyan? Ako pa ang mapagbibintangan—" "I w-won't... trust me. J-Just stay." Ilang sandali pa bago ako napabuntong hininga at saka bumalik sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagdampi ng tuwalya sa mukha at kamay ni Chase para bumaba ang init niya. Mga ilang minuto lang ang lumipas ay mukhang nakatulog naman siya. Pagod ba siya? Bawal na mapagod? Dahan-dahan naman akong tumayo. Kinuha ko ang pinggan na may lamang tubig at inilagay roon ang tuwalya. Dahan-dahan akong naglakad palabas ng kwarto. Tinungo ko naman ang kusina. Nagluto ako saglit ng soup at saka kinuha rin ang medical kit sa itaas ng refrigerator kung saan nakalagay ang mga gamot na iniinom namin kapag may sakit kami o lagnat. Bumalik ako sa kwarto at nakitang natutulog pa rin si Chase sa kama. Iniwan ko muna ang mga dinala ko mula sa kusina at tinungo ang kwarto ko. May mga men's shirt ako dahil medyo mahilig ako sa mga panlalaking damit noon. Kinuha ko 'yong hindi ko pa nasusuot at bumalik sa guest room. "Chase, gising ka muna. Kainin mo muna 'yong soup na niluto ko para makainom ka ng gamot," sabi ko sabay yugyog sa natutulog na si Chase. Hindi naman siguro siya nananapak kapag ginigising 'no? Makatapos ng ilang yugyog ay nagising naman siya. Tinulungan ko siyang maupo sa kama bago kinuha ang soup na mainit-init pa. Akmang susubuan ko na sana siya nang pigilan niya ako. "Ako na..." sabi niya. Hinayaan ko naman siyang kunin ang bowl ng soup at saka siya na nga ang sumubo ng pagkain sa sarili niya. "Pagkatapos mong uminom ng gamot, magbihis na na rin muna. Damit ko 'to pero 'di ko pa naisusuot 'to," sabi ko. Kinuha ko ang plain white na t-shirt na dala ko at inilagay sa tabi niya. Tumunog naman ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko. Oo nga pala, naipasok ko sa bulsa ko ang cellphone ko kanina nang kumuha ako ng t-shirt sa kwarto ko. "Hello?" bungad ko sa tumawag. "Hell, Mary? Kamusta? I forgot to tell you na huwag mo sanang hayaan na mapagod si Chase. Pangako, makakabawi rin ako sa 'yo." Hindi naman ako nakapagsalita agad nang mapagtantong Mommy iyon ni Chase. "A-Actually, Tita—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang agawin ni Chase ang cellphone ko sa akin. "Hello, Mom! We're doing great here. Mary treated me well. I hope you're doing good with Dad. We were about to watch a movie. Gonna call you later! Bye!" Chase said actively. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pinatay niya rin agad ang tawag. "Inabala na naman kita," sabi niya. Hindi naman ako nagsalita at nanatiling nakatitig sa kanya. Nakita ko naman siyang tumawa. "Anong tingin niyan? Kinakaawan mo ako?" tanong niya. "Palagi bang busy ang parents mo?" pabalik na tanong ko. "No. Ayoko lang mag-alala sila." Medyo nalungkot naman ako sa sinabi niya. Hindi siya nabibigyan ng oras ng parents niya? "Palagi akong nabibigyan ng oras noon, but now... ayoko na ako ang patuonan nila ng pansin. I wanted them to enjoy too and do whatever they wanted," sabi naman niya. Itinabi niya ang bowl ng soup na wala ng laman at kinuha ang t-shirt na nasa gilid niya. Mabilis niya naman hinubad ang damit niya kaya nanlaki ang mata ko at agad na iniwas ang tingin sa kanya. "Hindi naman nakakamatay ang tingin kaya puwede kang tumingin," rinig kong sabi niya sabay tawa. "Nilalagnat ka na nga, nakuha mo pa na magbiro. Bilisan mo na riyan para makapagpahinga ka na. Aalis na ako," sabi ko naman. "Tinulungan mo na ako kaya lubusin mo na." Tiningnan ko naman siya ng masama dahil sa sinabi niya. "Puwede ba na rito ka na muna hanggang sa makatulog ako?" Nagbago naman ang ekspresiyon ng mukha ko dahil sa tanong niya. Nanatili akong nakatingin sa kanya habang siya naman ay nakatingin din sa akin. "S-Sige..." tanging sabi ko. "Thanks," may ngiting sabi niya bago humiga na sa kama. "Goodnight." "G-Goodnight..." bulong ko. Nanatili akong nakaupo sa kama habang nakatingin kay Chase na mukhang unti-unti nang nilalamon ng antok. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya dahil sa mga sinabi niya kanina. Imagine being like him, palaging wala ang parents at bukod pa roon ay wala rin siyang kaibigan dito. Maybe he was comfortable with the student council members, but I know... it doesn't mean that he'll consider them—us as a friend. Mahirap pa rin magtiwala lalo na't kakilala mo pa lang ang tao. Or I was just referring to myself? Hindi ko alam... hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Chase. The way he approached me... hindi ko alam kung sincere ba siya o may pakay talaga siya sa akin. Kung may kailangan man siya sa akin ay wala akong maisip na kung ano. Napatingin naman ako sa gilid ng kama nang may nagvibrate roon. Nakita ko ang cellphone ni Chase. Mukhang tulog na tulog na siya dahil hindi niya naramdaman ang pagvibrate ng cellphone kahit nasa tabi lang ito ng unan niya. Kinuha ko naman iyon at nakitang may tumatawag. "Unregistered number?" pagbasa ko sa nakalagay sa screen. Sino naman kaya ang tatawag sa kanya ng ganitong oras ng gabi? Baka importante? Ilang sandali lang ay sinagot ko naman ang tawag dahil baka importante nga. "B-abe?! Are you still mad at me? I'm sorry! Please... let's talk," rinig kong sabi ng babae sa kabilang linya. Umiiyak pa yata e. At kung hindi ako nagkakamali ay siya yata 'yong ex ni Chase. "He was sleeping," sabi ko. "What? Sino 'to?! Are you his girlfriend? Nasaan si Chase?! Ibigay mo sa kanya ang cellphone—!" Pinatay ko naman ang tawag kaya hindi natapos ng babae ang sasabihin niya. Napailing-iling naman ako. Ganoon ba talaga ang mga taste na babae ni Chase? Maingay? Inilagay ko ang cellphone niya sa may drawer sa gilid ng kama pero bago iyon, pinatay ko muna ang cellphone niya para kung tatawag man ang ex niya ay hindi siya magigising dahil nakashutdown ang cellphone niya. Tumayo ako at saka tinungo ang pinto ng kwarto. Lumabas ako roon at tiningnan si Chase. Nang makitang tulog na tulog siya ay sinara ko na ang pinto at tinungo ang kwarto ko. Ano na naman kayang mangyayari bukas?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD