"REALLY?" excited na tanong ni Chase. He was okay now. Wala na siyang lagnat, bumaba na ang lagnat niya kinabukasan. Ako na rin ang nagluto ng breakfast namin. Wala nga rin yata siyang balak umuwi sa bahay nila. Nasa sala kami ng bahay ngayon nag-uusao. "Yes. I will help you. Si Ryne, siya ang magpapanggap bilang girlfriend mo." Nakita ko naman ang ngiti sa labi niya ay nawala at napalitan ng seryosong ekspresiyon. "No. Ayoko." "Kung ayaw mo, hindi malulutas ang problema mo," sabi ko naman. "Kapag si Ryne, sa 'yo pa rin ako lalapit. Dito pa rin ang punta ko." Napasampal naman ako sa noo ko. "Hindi nga ako puwede, Chase. Wala akong kaalam-alam sa ganyan at mas lalong wala pa akong naging boyfriend. Hindi ako magaling magsinungaling at umacting." "Hindi na iyan kailangan. Just act

