"GOOD morning!" masayang bati ni Angel nang makapasok ako sa loob ng classroom. "Morning," bati ko naman pabalik saka umupo sa upuan ko. "Anong nangyari? Puyat ka ba?" tanong na naman ni Angel. Hindi ako puyat. Medyo wala lang sa mood lalo na't pangalawang araw pa lang ito ni Tiffany, may tatlong araw pa ako para tiisin siya. Kahapon, noong pagbalik namin si Chase after lunch ay hindi ko siya nakita. Ayos na 'yon e. Okay na sana 'yon pero Jasper texted me last night. He wanted me to accompany Tiffany the whole day—the whole week pala. Kung nasaan siya ay dapat nandoon din ako. Tiffany requested that at wala nang nagawa pa si Jasper doon. "Good morning," rinig ko namang bati ni Chase at umupo sa tabi ko. Hindi ko naman siya pinansin. Siya kasi ang dahilan ng lahat talaga. At hindi pork

