Chapter 3

1465 Words
Sean's Pov HINDI KO inaasahan na pupunta dito ang mga baliw kong kaibigan. 'Yan tuloy nakita nila si Yara. Don't get me wrong, I just don't like my wife to get uncomfortable. Lalo na at hindi nag pasabi ang mga baliw na mga 'yun na pupunta pala sila dito. Sobrang saya ko kanina, dahil nasolo ko s'ya. Palagi naman kaming magkasama sa bahay pero hindi katulad kanina buong maghapon ay kami lang. Palagi kasi kaming nasa office. Doon pa din naman s'ya nag wo-work sa company nila, minsan nga gusto kong kausapin siya at sabihin na hindi na niya kailangang mag trabaho dahil kaya ko naman s'yang buhayin. Pero naisip ko din na wag nalang dahil ayokong panghimasukan ang buhay niya. Yes, mag-asawa kami but it doesn't mean na hindi na niya pwedeng gawin ang gusto niyang gawin. If she wants to work, then okay lang as long as sigurado ako na safe siya sa kompanya nila. Noon sobrang cold niya. Pero ngayon napapansin ko na parang nag-iiba na. Hindi katulad ng mga nagdaang linggo. Naka separate room din kami. I don't want her to think na tini-take-advantage ko s'ya dahil lang sa mag asawa na kami. I respect her, kung ano ang mga ayaw at gusto niya, nirerespeto ko 'yun, ganun din s'ya sa'kin. Yara is beautiful, wala kang maipipintas sa kanya. Maybe meron? 'yung pagiging cold niya towards other people. But when it comes to something, like helping people, wala kang masasabi sa kanya dahil mahilig siyang tumulong. And I heard na s'ya na ang mag t-take over sa dad niya sa company nila. If about naman sa pagiging asawa niya sa 'kin ang pag uusapan, all I can say is that, it's better than I expected. no'ng magpirmahan kasi kami sa marriage paper, akala ko pagkatapos nun na hanggang dun lang 'yun pero mali ako. Sobrang maalaga niya as a wife. Ni minsan din hindi ko siya nakita na may kasamang iba. Like, sa mga na witness ko, na kapag arranged marriage lang may isa na mag loloko. Pero itong sa'min ni yara, is different. It's far different from what I had imagined it would be. I felt something in my heart that whenever she's near, my heart beats fast. I don't know, but this is the first time I've experienced this. I mean, I've felt it towards someone before, but it quickly faded. Unlike now, when Yara is near, my heart beats fast. At kapag wala naman s'ya or di ko siya nakikita, nalulungkot ako. Wala akong balak na pigilan ang nararamdaman ko. Mas gusto ko nga ito, besides asawa ko naman siya. Wala naman sigurong masama dun diba? Gusto kong mapalapit pa sa kanya. Gusto kong makilala pa s'ya. Gusto ko rin na malaman kung ano man itong nararamdaman ko. At Gagawin ko 'yun habang naka leave pa ako. Kinuha ko ang phone ko to check kung may mga messages ba ako. At hindi nga ako nagkamali dahil nangunguna sa mga message ko ang group chat naming magkakaibigan. Natawa ako habang binabasa ang mga chat nila sa group chat namin. Parang mga baliw talaga ang mga 'to. Pagkatapos kong mag-basa ng mga chat, agad ko na din in-off ang phone ko. Hindi na ako nag reply. Bahala sila sa mga buhay nila. Pagkatapos kong ilagay ang phone ko sa bedside table agad na din akong tumayo para maligo before ako lumabas para mag luto for dinner. I will try to cook on my own and see if Yara will like it. Pagkatapos kong maligo 'y agad na din akong lumabas at nag bihis. Pangiti-ngiti pa ako habang nagbibihis Pagkatapos ay nag lagay din ako ng perfume to make sure na mabango ako. Actually lately lang ako natutong mag ganito. 'Yong maglagay ng perfume bago lumabas sa kwarto ko. Dati naman kasi wala akong pakialam. Pero ngayon na may asawa na ako, gusto kong palagi akong mabango. 'Yun bang pagkalabas ni Yara sa kwarto niya ay ma-aamoy niya ako agad. Hindi ko nga alam e, simula kasi ng maging asawa ko si yara, parang lumabas lahat ng insecurities ko na ni minsan hindi ko naramdaman. Wala naman s'yang sinasabi na masama or hindi ka-aya aya towards me pero 'yun talaga ang nararamdaman ko. 'Yun bang gusto kong palaging presentable, mabango, at maayos. I was wearing jogger pants and a shirt as I stepped out of my room. I went straight to the living room and when I saw that no one was there, I proceeded to the kitchen to start cooking. Kumain na kami ng rice and ulam kanina kaya naman napagdesisyunan kong gumawa ng mashed potato and steak. Kumuha ako ng potatoes sa ref and also beef. Kailangan kong e thaw ang beef dahil frozen pa ito. "Here we go!" Saad ko, then put the potatoes inside the pot. "Wait, hindi nga pala ako marunong mag luto." I said to myself. "s**t! naman oh, magpapakitang-gilas na nga lang palpak pa!" I took my phone out from my pocket para tawagan si axel. S'ya lang naman kasi ang may alam ng lahat pagdating sa pag luluto or even sa pag b-bake. I texted him kung paano magluto ng beefsteak and kung paano gumawa ng mashed potato. Pero ilang minuto na ang lumilipas wala pa din itong reply. Kaya naman naisipan kong e video call s'ya. Naka ilang tawag muna ako bago niya sagutin. "Anong meron?" "Nasaan ka?" I asked ng makita ko na hindi familiar ang lugar sa likuran niya. "Tumawag ka lang ba para mag-tanong kung nasaan ako?" Saad nito sa kabilang linya sabay tawa. "G@gø! May itatanong lang ako." "Tingnan mo 'to, s'ya na nga 'tong may kailangan ako pa ang tinawag na g@gø!" "Anyway, anong itatanong mo? Bilisan mo lang dahil may kailangan pa akong sundan." "Just wanted to asked kung paano gumawa ng mashed potato and steak," Narinig ko ang malakas na tawa nito sa kabilang linya. G@gø talaga porque chef, pinagtatawan na ako. "Seriously? Gumawa lang ng steak and mashed potato hindi ka pa marunog?" Hinihingal na sabi niya. Siguro dahil sa kakatawa niya kanina. "Malamang magtatanong ba ako kung alam ko?" Sarkastikong sagot ko. Tumawa ulit s'ya sa kabilang linya bago sumagot. "Paano nalang kapag nag-asawa ka na? Tapos hindi ka pa marunong mag luto?" Oo nga pala at hindi pa niya alam na may asawa na ako. Even my twin brother and 'yung pinsan kong sina Acel and Noah, hindi nila alam. Yung mga kaibigan lang namin na pumunta dito kanina. "G@gø! Sabihin mo nalang kasi!" Iritableng sabi ko. "Heto na po Mr. SEAN TREVOR IMPATIENT MORISSON." Ang lakas ng tawa ng g@gø pagkatapos niyang bigkasin ang pangalan ko. Nilagyan pa talaga ng IMPATIENT. Paano kaya naging kaibigan namin to? Especially kay noah na bestfriend niya? "I'll text you nalang the process on how to make that thing na gusto mong lutuin. Baka kasi mawala itong sinusundan ko dito eh." Saad nito sabay patay ng tawag. Binuksan ko ang message ko ng mag vibrate ang phone ko. I prepared all the ingredients na t'next sa 'kin ni axel. Pagkatapos kong e boiled ang potato ay agad ko din itong tinanggalan ng skin para ma-mashed ko s'ya ng maayos. Actually, 'yung instructions ni axel dapat daw naka peeled na ang potato bago e boiled. Pero dahil nailagay ko na s'ya sa pot at mainit na, kaya naman napag-disisyonan ko na after nalang tanggalin ang skin. I put all the peeled potato in a bowl then add some of butter at iba pa. Pagkatapos ay minashed ko na ito hanggang sa maging pino na s'ya. Pagkatapos ay 'yung steak naman ang inumpisahan ko. Napangiti ako ng mailagay ko na ang lahat ng niluto ko sa table. Steak, potato, and gravy. Yes, gumawa ako ng gravy, dahil 'yun ang instructions ni axel. Masarap daw kasing kainin ang mashed potato pag may gravy. Lalabas na sana ako sa kitchen to call Yara para makapag dinner na nang makita ko itong papasok dito sa kitchen. Ngumiti s'ya sa 'kin sabay tanong ng, "Anong niluto mo?" Medyo kinabahan pa ako dahil hindi ko alam kung anong lasa ng mga niluto ko. Hindi ko kasi tinikman, gusto ko kasing sabay kami. "Uhmm...steak and mashed potato." Simpleng sagot ko at ngumiti ng kaunti. "It looks delicious." Napangiti ako ng malapad dahil sa sinabi niya. "Let's eat?" Tumango s'ya at umupo sa kabilang upuan, bali magkaharap kami. Kumuha s'ya ng steak, and mashed potato pati na din ng gravy. Ganun din ako kumuha din ako ng sakin. Hindi ko pa nauumpisahang kainin ang food ko, ng mapansin kong kulang pala ang hinanda ko. Nakalimutan kong kumuha ng juice or di kaya naman wine. ########## A/N: Pasensiya Na Mga BESHY Kung Maraming Typo's 😁😁😁 Sana Magustuhan Niyo Parin 'tong Chapter Na 'To 🥰😍😘 Xoxo.🥰😍😘
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD