Yara's Pov
NAGBIBIHIS NA ako ng marinig ko ang pag tunog ng doorbell, kaya nagmadali kong isinuot ang short and sando ko. Pagkatapos ay lumabas na ako na dala-dala ang suklay.
Habang papalapit ako sa kitchen ay may naririnig akong mga boses na parang........ nag aaway?!
Nagmamadali akong pumasok sa kitchen, pero nagulat ako ng maabutan ko mga lalaking hindi ko kilala.
"Ano ba kasing tinatago mo dito at ayaw mo kaming papuntahin? Isa pa hindi ka naman pumasok sa opisina kaya dito nalang kami dumiretso." Said the guy, who's wearing a leather jacket tas naka suot din s'ya ng sunglasses.
"I'm not hiding anything, okay. Kaya pwede ba magsilayas na kayong lahat!" Halata sa boses ni Sean ang pagka-irita sa mga lalaking hindi ko kilala.
"Wehhh...Tagala ba? Eh ano yang naka prepare na dalawang plato sa table na yan, at yang mga pagkaing naka handa?" Sabi naman ng isa na naka suot ng black shirt.
"None of your business!" Masungit na sagot ni sean.
Kung titingnan mo sila para silang mga model dahil ang laki ng mga katawan nila. Lahat din sila mga gwapo, matangkad, at matipuno ang mga katawan. But if I were to choose, I would choose Sean because, for me, he is the most handsome among them all.
"s**t!!" Nanlalalaki ang mga mata ko at hindi ko napigilang mapa-mura ng mapagtanto ang lahat ng mga naisip ko.
"Oh....." Rinig kong sabay-sabay na sabi ng mga ito..
"Kaya naman pala ayaw niyang pumunta tayo dito," Sabi ng isa sa kanila. Narinig ko pa ang mahinang pag tawa ng mga ito.
Double s**t, talaga! Akala ko hindi nila naring ang pag mumura ko kanina.
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Sean sakin. Agad niya akong hinawakan sa pulsuhan at dinala sa kwarto niya. Pagkatapos ay agad itong nag-lakad papuntang walk-in closet.
"Wear this, ayokong makita nila ang dapat na para sa'kin lang." Saad nito sabay suot sakin ng malaking shirt.
Para akong tangang tumango lang sa sinabi niya. Hindi ko alam pero pag ganito siya kalapit sa akin ay para akong tanga na hindi maintidihan.
"Let's go? Ipapakilala kita sa mga kaibigan kong bakiw," He said, at pinagsalikop ang kamay naming dalawa.
I was just looking at our interlocked hands as we walked. I don't know why, but my heart seemed to go even wilder because of what he did now.
"So ready na ba kayo sa rebelasyon ng pinaka mamahal nating si Sean?" Sabi ng lalaking naka white shirt, sabay tawa.
"Shut up luc!" Saad ni Sean dun sa lalaki na luc pala ang pangalan.
Huminga muna ng malalim si sean bago magsalita.
"Luc, Ryker, Xian, Max, this is my wife-"
"What?!" Magkasabay na sabi ng dalawa.
"Bingi lang?" Saad ni Sean at iginiya ako sa upuan na katabi niya.
"How come na nagkaroon ka ng asawa?" Hindi makapaniwalang saad ng naka sunglasses.
"Ano yun joke? Paano ka nagkaroon ng asawa e diba single ka?" Saad naman ni Mr. White shirt.
"Gago! Bakit siya lang? E diba lahat naman tayo single, except trace and noah?" Saad ng naka sunglasses.
"Mga gago! kung ayaw niyong maniwala wala akong pakialam!" Saad ni Sean at hinawakan ang kamay ko sabay pakita ng singsing naming dalawa.
Nakatingin lang ang mga ito sa kamay naming mag-kasalikop. Iwan ko kung naniniwala ba sila o hindi.
Tumingin ako dun sa isa na kanina pa tahimik. Parang ni isang salita yata ay wala man lang akong narinig na lumabas sa bibig nito.
"Hindi pa ba kayo lalayas?" May pagka-ira na sa aad ni Sean sa mga ito.
"Pwede bang pakainin niyo muna kami bago mo kami palayasin? Marami naman kayong handa na pagkain eh." Sabi ni Mr, Sunglasses.
"Let them, okay lang sakin." Bulong ko ng tumingin sa'kin si sean na parang nanghihingi ng permiso.
"Ay, wag nalang pala kasi baka lamgamin kami dito sa ka-sweetan niyo." Sabi naman ni Mr. white shirt, at tinuro pa talaga kami.
"Aalis na kami Mrs. Morrison." Ngumiti lang ako sa kanila. Wala naman kasi akong sasabihin.
"Thanks for being rude at us bro," Saad ng Naka sunglasses at nagmamadaling lumabas ng makita niya na tumayo si sean.
"Let's go," Sabi ni Mr. Tahimik.
Sabay-sabay ang mga ito na lumabas, ako naman ay tahimik lang. Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari ngayong araw.
Akala ko kanina na e d-deny ako ni Sean, katulad ng mga nakikita ko sa palabas lalo na pag mga arranged marriage lang pero hindi iyon ginawa ni sean kanina.
"I'm sorry sa mga nangyari." Saad niya, ng makabalik.
Ngumiti lang ako to assure him na okay lang. Wala naman sa 'kin problema 'yun dahil mga kaibigan naman n'ya ang pumunta dito at hindi ibang tao.
Pareho lang kaming tahimik hanggang matapos kaming kumain. Nagtulungan din kami sa pag-lilinis, siya ang nag request na mag hugas ako naman ang nag punas ng table.
Hanggang sa matapos kami at nagpaalam sa isa't isa na pupunta sa kanya kanyang kwarto.
##########
Xoxo.🥰😍😘