Ano, Ryza forever ka na lang mauupo diyan sa pintuan? Sabi niya sa sarili. She was stunned. Hindi niya ineexpect na sa ganitong pagkakataon sila magkikita. Ni hindi nga niya naisip na dito pa sa bahay nila sila magkikita or even at Jess's
"Sorry. Trespassing ako sa bakuran niyo. Jessie and Kit left the gate open pero sarado ang bahay nila. I tried the back door but it was also locked then I saw the lights are on here so I thought Loida was here. Itatanong ko lang sana kung nasan sila Kit." he explained in detail. Akala siguro nito ay pinag-iisipan niya ng masama. Hindi naman niya ito pinagbibintangan. Nagulat lang talaga siya kaya nga hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapagsalita.
Umisquat si Jayson para magpantay ang muka nila. "Okay ka lang, Sophia?" nag-aalalang tanong nito. Para siyang nakuryente nang hawakan nito ang braso niya. Kaya't sa wakas ay nagbalik siya sa ulirat.
"A-ah oo. O-okay lang ako. Ahm, nagulat lang ako. Ako lang kasi ang tao dito. Wala din si Loida. Umuwi muna siya sa kanila." binawi na niya ang tingin at tumayo. "Pasok ka muna. Dito mo na sila hintayin." she swallowed. Why the hell she said that? Hawak-hawak pa din niya ang siyansi saka tumalikod papasok at hindi isinara ang pinto kaya sumunod ito sa loob. Ito na ang nagsara ng pinto.
"Ganun ba, sorry. Sumilip na nga ako dito kanina para hanapin sana si Loida. Pero nakita ko ikaw na pala ang tao dito. Pabalik na sana ako kila Kit nung lumabas ka. Magluluto ka ba?"
Her eyes widened upon hearing that. Una ay dahil may hawak pa din siyang siyansi. Nakakahiya! Pangalawa ay dahil napaisip siya kung kanina pa ito nakasilip. s**t! Haggard na ba siya? Kumakawala ang mga kulot niyang baby bangs mula sa pagkakapusod. Naka loose t-shirt lang siya at maong shorts.
Sakto namang ice breaker nang tumunog ang phone niya. It was Jessie calling. "A-ahm excuse me." paalam niya saka sinagot ang tawag.
"Hello? N-nasaan na kayo?" Naupo siya sa dining area dahil nanlalambot pa din ang tuhod niya. Ibilaba niya ang siyansi na basa na ng pawis sa palad niya.
"Ryz, I am really sorry kung nag-intay ka. Pauwi na sana kami eh. Kaya lang, grabe! Di namin inexpect na ganito kahigpit sa labas. Dumaan pa muna kami kila Mama dahil nagpabili siyang maintenance meds. The problem is, ayaw na kami palabasin sa village, inabutan kami ng curfew. Nakaluto ka na ba ng pagkain?" Kasalukuyan itong nasa bahay ng in-laws. Bigla namang nagliwanag ang bumbilya sa utak niya.
"Sinasabi ko na eh. Pinagtitripan niyo na naman ako ni Kit ano?" Pabulong niyang sabi dahil baka marinig ni Jayson. Alam na niya ang style nitong mag-asawang ito.
"What? Naluluka ka na ba sa gutom?" buong pagtatakang tanong nito. She could sense that from her tone.
"Why do I have the feeling na sinadya mong abutan ng curfew diyan? Nagpapunta kayo ng bisita sa inyo pero aalis naman pala kayo. Kilala mo na siguro sinasabi ko 'di ba? Jessie, look." Inilipat niya sa kabilang tainga ang phone. Napipikon siya sa pinsan. "It's not funny. What are you thinking again, huh?"
"Teka, teka. Wala akong nagets sa litanya mo eh. Ano ba ang iniiyak mo diyan?" Medyo nagtaas ng boses si Jessie. Ah gusto ba nitong makipagtagisan sila ng inis sa isa't isa?
"Nandito si J-jayson." tipid niyang sabi. She was hesitant to say his name. It felt awkward at baka nadidinig siya ng may-ari ng pangalan. Nadinig niyang napasinghap si Jessie sa kabilang linya.
"Wait, what? Anong ginagawa niya diyan?"
"Jessie, cut it off. Umuwi na kayo at tigilan niyo nang mag-asawa 'yang trip niyo. Napipikon na ako." pabulong pa din niyang sinabi kahit gusto na siyang sigawan ito. Hindi niya malingon si Jayson pero sa palagay niya ay nanatili itong nakasandal sa pinto.
"Ryza! What the hell are you talking about? Alam mong ayaw kong nags-stay ng matagal dito dahil dito nakatira kasama ni Mama yung bruhang sister-in-law ni Kit. Alam na alam mo 'yan, right? Kaya tingin mo ba okay sa akin ang mag-overnight dito? My god!" Sumisigaw ito ng pabulong siguro ay dahil malapit lang ito sa asawa kaya iniiwasan marinig ang sinabi.
May point si Jessie. Kaya naman siya na ang unang bumawi. "Sorry. I was just stressed simula pa kaninang umaga. Ibibigay ko ba ang phone ko o tatawagan niyo na lang siya?"
"No need. I will tell Kit to call him. Baka sila ang may usapan." she said in a cold tone.
"Sorry, Jess. Ingat kayo diyan. See you tom. Need to hang up in a bit. May meeting pa ako with my teammates."
"It's okay. Ingat din diyan. Make sure the doors are locked. Mag-isa ka lang diyan."
She laughed at Jessie's reminder. "Said someone who left their gate open." nadinig niyang pumalatak ang kausap sa kabilang linya.
"Damn! Si Loida ang huling lumabas eh. Naglinis muna siya bago umuwi. So 'di niya binigay sa 'yo yung spare key?" mukhang nahawahan niya ng stress ang pinsan at napapraning na ito sa tono nito.
"Don't know. Hindi naman siya nagpunta dito. Tawagan mo na lang si Loida. At baka kakamadali, eh nalimutan na din. Mana sa amo niya. Oh siya, bye na. Stay safe. Take care. Labyu." she ended the call.
So, eto na naman. She needed to deal with Jayson again. Kailangan ba muna niyang ientertain ang bisita ng pinsan? Ano ba ang magandang topic?
"A-ahm. K-kumain ka na ba?" Pagbaling niya dito ay inabutan niyang nakatingin sa kanya. Kanina pa kaya ito sa ganoong posisyon? Pinagmamasdan kaya siya nito habang nakikipag-usap sa phone. Akala niya ay naiwan ito sa may pinto pero dumiretso pala ito ng dining area just a few meters behind her. May stool kasi doon at doon ito nakaupo.
"Tara sumabay ka na sa akin." aya niya. What, Ryza? Really? Gusto mo siya makasabay kumain? She just hoped he would say no.
"Hindi na, Sophia. I have to go. Kakatext lang din ni Kit e. Hindi nga daw sila makakauwi. Balik na lang siguro ako bukas."
She missed him calling that way. It brought nostalgic feelings to her. Para siyang papunta sa cloud nine. Jayson looked at his wrist watch "Mauna na siguro ako. Gabi na din eh and baka maharang ako sa curfew like what happened to Kit and Jess." he chuckled. "Pwede bang dito na ako dumaan sa harap?" tukoy nito sa main door ng bahay niya.
She swallowed a lump. "A-ah sure."
Tumayo na din siya para ihatid ito sa labas. Nauna itong maglakad sa kanya patungong sala pero pinagbuksan pa din siya ng pinto at pinaunang lumabas. Alanganin siyang ngumiti.
"Thank you." mahinang sabi niya. Hinatid niya ito hanggang gate.
"Bye, Sophia. Nice to see you again. Don't forget to lock up." He gave his one last smile saka pumasok na ito sa kotse. Hihintayin pa ba niyang umandar ang sasakyan o papasok na siya? Hindi ba siya obvious? Obvious naman saan? Na nastrarstruck ako sa kanya? Nagdecide siyang pumasok na kahit di pa nagstart ang kotse.
"f**k! Ang intense nun." Pero para siyang kinikiliti sa tiyan nang makita niya ang first love niya. She proved to herself na hindi na siya bitter. Hindi na siya galit dito at hindi na din siya nasasaktan. "Congrats, Ryza! Another milestone in your 30th birthday. Hay." Naupo siya sa couch at kinalikot ang laptop. Ilang minuto siyang nagpapalipat-lipat ng window pero walang pumapasok sa utak niya. Hindi niya maabsorb ang binabasa sa hindi malamang dahilan.
Matapos ang meeting ay nagpasya na siyang matulog. Pasado alas diyes na. Buti na lang at willing ang teammates niya na magmeeting ng late. Para sa lunes ay all set na sila sa first day of work from home.
Naalala niyang nakabukas nga pala ang gate nila Jessie. Kaya matapos ilock ang gate sa harap at front door ay dumaan siya sa gate sa likod para magover-the-bakod kila Jessie. Nang nasa harap na siya ay napansin niya ang isang puting BMW.
"Wow! Iba na ang may asawang mandaragat!" natatawang bulong niya sa sarili. Dumako siya sa gate at chineck muna niya ang latch sa ibaba. Nakalock na ito. Inilapat naman niya ang maliit na pintuan ngunit hindi niya ito naigalaw because it was already locked. Chineck niyang muli at ginalaw ang latch. Nakalock na nga ito. Andito na ba ang mga-asawang baliw?
"Hey, Sophia. May kailangan ka ba?" napatalon siya sa gulat. Parang siya ngayon ang pusa na nagulat sa kanya kanina. I know now how you felt muning.
"J-jayson? Anong ginagawa mo dito? Akala ko ay umuwi ka na." Saglit na bumalik sa loob si Jayson para buksan ang ilaw sa terrace. Lumabas din ito kaagad habang hinihimas ang batok ng kamay at nakapamewang ang kabila. Tila naghahagilap ito ng sasabihin.
"A-ah, ano kasi. Inabutan ako ng curfew. Ayaw na akong palabasin sa kanto e. Mabuti nga napakiusapan si Kap." nakangisi ito ng pilit.
"Ganon? Nadamay ka na sa kamalasan ng mag-asawa." biro niya. He smiled. "Pero buti naisip mo na lang bumalik dito?" humakbang siya paloob sa terrace at naupo sa pasimano. Si Jayson naman ay sumandal sa hamba ng pinto.
"I called Jess when the two cops and barangay officials wanted to take me to their office to give me a disciplinary action. Pinakausap si Kit kay Kap. Well, I was lucky enough that he's their ninong at the wedding. So abswelto ako." muli itong ngumiti but this time ay mas maluwag kaya natanaw niya ang pantay-pantay nitong mga ngipin. Lalong lumabas ang kagwapuhan nito. She slightly tilted her head para bawiin ang mga pumapasok sa utak niya.
"Yes, you are." Biro niya. She couldn't understand but the atmosphere between them was becoming lighter. "Pero paano ka nakapasok diyan sa loob? Sabi mo kanina nakalock yan 'di ba?
"They told me that Loida left the spare keys in the pot. Dito na lang daw ako mag spend ng night. So 'yon, that's why I'm here. Nagulat ba ulit kita? Sorry ha, nakaka two strike na ako sa'yo." his wide grin showed his tiny dimples. Ah! Ang cute pa din. s**t!
They were just staring at each other that moment. Palundag siyang tumayo mula sa pagkakaupo. "I see. Oh paano, balik na ako sa amin. Take a rest. Bye." she waved before she turned her back then walked away.
"Alright. Good night, Sophie." nadinig niyang sabi nito. Ah that nickname from him.
Goodnight!" habol niya habang diretso sa paglakad.
____
Napabalikwas ng bangon si Ryza nang marealize na tanghali na. Napuyat siya kagabi dahil sa kakaibang nararamdaman. Hindi siya agad dinalaw ng antok because she kept on remembering what happened last night. Maybe she was just happy. Masaya siya na wala na siyang grudges. Okay na siya kay Ellis at kay Jayson. She could die anytime. Sa langit ang punta niya dahil malinis na ang kanyang kalooban. Wala na siyang kaaway. What a beautiful morning. She decided to get up and fix her bed.
It was already Sunday. May usapan sila ng pinsan na maglulunch together sa bahay nito. Nakauwi na kaya ang mga ito? Bigla niyang naalala na doon natulog si Jayson. Pupuntahan ba niya sa bahay para makumpirmang umuwi na ang pinsan? Parang nakakahiya. Nang makababa sa sala ay nagtungo siya sa lamesita kung nasaan ang telephone. Tatawagan na lamang muna niya para hindi awkward.
"Hello?" sabi ni Jessie sa kabilang linya. Hindi ito ang inaasahan niyang sasagot. Am I disappointed?
"Hey, Jess. Just checking up on you and your mag-ama. Buti nakauwi na kayo?" sagot niya. Nandoon pa kaya ang ex niya? Anong oras kaya ito umalis?
"Yeah, kaninang 06:00 a.m. pa. Can you come over here, Ryz? Dito ka na maglunch. May kailangan din akong sabihin eh. Ngayon na ha. See 'ya. Bye!" ibinaba na nito ang telepono. Parang natataranta ang pinsan niya at nagmamadali.
Naghilamos at toothbrush lang siya at lumipat na siya sa kabilang bakod. Nakapajama lamang siya at t-shirt na puti. Doon siya pumasok sa service door nila Jessie sa kusina. Una niyang nabungaran si Kit na inilalagay isa-isa sa malaking ecobag ang mga stocks galing sa kitchen cabinet. Anyare?
"Kit, anong meron?" bungad niya sa cousin-in-law. Bumaling ito sa kanya.
"Ah, we need to go back to Mom's house." tugon nito at bumalik sa ginagawa. So maiiwan na naman siya mag-isa. Ano ba ang nangyayari sa mundo? Bakit parang nagkakagulo at laging humahangos ang mga tao? "Kanina ka pa hinihintay ni Jess. She's in Cloud's room."
"Okay. Akyat lang ako ha?" paalam niya rito.
"Sure, Ryz."
At nagtungo na siya sa may sala. Nang paakyat siya sa hagdan ay natanaw niya ang bukas na TV ngunit wala namang nanonod. Mayroon din dalawang tasa ng kape sa lamesita ng sala at mayroon pa ding laman. What's with you people?
Dumiretso siya sa kwarto ni Cloud at inabutan ang mag-ina doon. Tulog si Cloud at si Jess naman ay nageempake ng ilang gamit ni Cloud.
"Hoy bruha!" bungad niya sa pinsan. Tumigil naman ito sa ginagawa at itinuwid ang likod. She looked haggard. "Anong drama niyo ng asawa mo? May outing ba kayo ng in-laws mo?"
"Gaga! Nakita mong lockdown nga eh, anong outing ang sinasabi mo diyan?" tumayo si Jessie at nag-inat. "Napakahassle, couz." Jessie heaved out a sigh. "Sabi ko sa'yo eh, the feeling is really mutual." nakakunot ang noo nito saka lumapit ulit sa kama at padabog na ipinasok ang mga damit ni Cloud.
Wala siyang na-gets. Ang alam lang niya ay mukhang badtrip ang pinsan. Ano ba ang nangyari?
"Bago ka mag hysterical diyan, pwede paki explain? Wala akong idea sa kilos niyong mag-asawa. Ang weird niyo."
"Yung magaling kong bilas, alam mo ba ang ginawa kaninang umaga? Lumayas. Nagpaalam daw kay Mama na uuwi muna siya dun sa kanila at kailangan daw ng kasama ng nanay niya as if namang siya lang ang nakatira dun. Ang dami niyang kapatid doon. Nakakabadtrip."
"So? Anong ikinakapikon mo dun?" she still couldn't get Jessie's point.
"We need to live there temporarily. Walang kasama si Mama. 'Di ba? Napakainsensitive nung babaeng 'yon talaga. 'Di niya naisip na si Mama walang makakasama sa bahay."
Parehas kasing seaman si Kit at Denver. Ngunit si Denver ay offshore ngayon. Patay na ang ama ng mga ito kaya't ang katulong at asawa ni Denver na lamang ang kasama ng ina sa bahay. Madalas silang dumadalaw dati doon ni Jessie tuwing offshore si Kit dahil ipinagdadrive niya ang pinsan. Nilapitan niya ito at tinulungan sa pag-aayos.
"Oh, I see. Ayaw mo ba dun? At least wala dun yung bilas mong hilaw 'di ba?"
"Oo nga. Wala naman sa akin 'yon eh. Ang point ko napakainsensitive niya para ganitong panahon pa talaga siya umuwi sa kanila." dabog nito.
"Hayaan mo na, couz. Maybe she has reasons kung bakit. Baka naman wala talagang makakasama 'yong nanay ni Margarette."
"Ah, basta. Lalo siyang na-badshot sa 'kin. Nakakagigil." she sighed. "Anyway, sorry Ryz, mukhang wala kami dito sa birthday mo. But you can come naman sa bahay if you want. Doon tayo magcelebrate. Iyong kotse mo kasi naiwan sa shop. Pinatune-up ni Kit nung nakaraan kaya lang inabutan ng lockdown. Don't worry dadaanan namin mamaya baka bukas ang shop."
"No, it's okay. Kaya lang mag-isa lang ako dito. Hindi ba dadalaw si Loida dito?"
"Ayun pa nga ang isang point. We let Loida go home to her family until lockdown ends. Walang tatao dito sa bahay." Sumimangot na naman ito saka padaskol na hinilamos ang mukha. "Nababadtrip na naman ako. Hay!" Tapos na itong magempake kaya't binuhat ang anak na natutulog. Inihilig ni Jessie ang ulo nito sa balikat habang sapo sa puwitan.
"Ryz. Patulong pababa nung maleta ni Cloud." ika nito sa kanya at naglakad na papalabas ng kwarto. She felt sad somehow dahil wala siyang makakasama. Wala ang mga kaibigan niya at wala din ang pinsan during lockdown. Matamlay niyang binitbit ang maleta at nagpasiyang bumaba na sa sala. Habang papalapit siya sa hagdan ay palakas ng palakas naman ang usapan ng mga tao sa sala. Ikinagulat niya ng mabungaran si Jayson. Ito pa rin ang suot nito kagabi. Ibig sabihin ay hindi pa ito nakakauwi. Bakit hindi niya ito nakita kanina?
Nang marinig ng mga ito ang yabag niya ay sabay-sabay na lumingon sa kinaroroonan niya. Siyempre, unang dumapo ang tingin niya kay Jayson. 'Di pa naliligo pero gwapo pa din? Ako kaya? Nakapajama lang ako my god!
"Hey, good morning!" bati ni Jayson sa kanya at ang luwang ng pagkakangiti. Nataranta ang ganda niya kaya't tinignan agad niya ang mag-asawa dahil siguradong may tumatakbo na namang hindi maganda sa mga utak nito. Tumikhim si Jessie at nangiti ng palihim si Kit. Akala niyo ba patay na patay pa din ako diyan sa tropa niyo? Excuse me lang noh, I moved on! Kaya naman ngumiti siya at tinikasan niya ang pagbaba sa hagdan.
"Morning din. Dapat 'di ka nagdididikit diyan sa dalawang 'yan. May mga balat 'yan sa puwit eh." biro niya kay Jayson. Ngunit nang tignan si Jessie ay may tingin pa itong mapang-asar. Sa itsura nito ay tinutukso siya kay Jayson. Pero pinanindigan niyang naka move on na siya kaya dineadma niya ito.
"Okay lang pauwi na din naman ako eh." Luminga ito sa sofa at dinampot ang cellphone saka akmang aalis na.
"Dito ka na kaya mag lunch, Jayson? Sabay-sabay na tayong umalis mamaya." agap ni Jessie. Siya naman ay nakalapit na sa kanila. Kunwari ay nakaupong nanonood ng TV.
"I have to go. I haven't taken a bath yet." Napatingin siya dito. Hinawakan nito ang laylyan ng polo shirt at bahagyang hinila kaya bumakat ang muscle nito sa dibdib. Napalunok siya kaya't mabilis na ibinalik ang paningin sa TV.
"Eh ano naman? Tara na at nagugutom na din ako." sabay lingon ni Jessie sa kanya at pilyang ngumiti. She was pissed. Akala ba ng mga ito ay gusto pa din niya si Jayson? No! That's a big no! Katunayan ay masaya nga siya dahil nakapagpatawad na siya at ready siyang makipag-kaibigan dito. "Couz, tara na."
"Mauna na kayo. Bantayan ko si Cloud dito." palusot niya at nakatingin pa din sa TV kahit hindi naman niya naiintindihan ang pinapanood.
"Okay lang si Cloud diyan. 'Di yan malikot matulog. Let's go." tinaas baba pa nito ang kilay sa kanya at nagpipigil ng tawa. Tumalikod na ito para sundan ang dalawang lalaki na nauna na sa dining area.
"Bruha ka talaga!" bulong niya at tumayo na din siya. Baka isipin pa ni Jayson na nag-iinarte siya. Ipapakita niyang okay na sila.