Episode 8

3259 Words
Weekend ngayon but Ryza decided to work. May meeting sila with top management. Kailangan nilang magtrabaho during Christmas break para saluhin ang mga staff nilang hindi agad naset-up-an ng devices dahil inabot na ng lockdown. Kailangan niyang matapos ang backlogs ng mga ito para hindi siya mag cram next week dahil madami siyang deadlines para sa year-end reports. Thrice a week lang naman ang pasok nila. Flexible days din. Kung kailan nila maisipang pumasok ay pwede pero magleleave pa rin siya dahil birthday na niya sa Monday.  Nilingon niya ang natutulog niyang ex-s***h-new-friend sa mahabang couch. Nakaupo lang ito at nakapatong ang likod ng ulo sa ibabaw ng sandalan at may yakap na throw pillow. Nagkukwentuhan lang sila kanina habang nagtatrabaho siya nang maya-maya ay tumahimik ito, iyon pala ay nakatulog na. Sobrang pagod siguro at wala pa rin itong tulog. Iniisip pa niya kung gigisingin ito nang makarinig siya ng mahinang tunog galing sa cellphone nitong nagvivibrate sa ibabaw ng mesa. Demir calling. Sino naman ito? Tinignan niya si Jayson pero mukhang mahimbing ang tulog nito. Hindi niya kilala ang Demir na iyon. Ito kaya ang girlfriend ng ex niya? Eh ano naman ngayon sa akin? Binalewala na lamang niya at hindi na pinansin pa ang tumatawag. Tinignan niya ang oras sa laptop. Ala una na ng hapon pero hindi pa siya naglalunch kaya't tumayo na siya para maghanda ng tanghalian pero napahinto siya sa harap ni Jayson. Natutukso siyang pagmasdan ito. Bahagyang nakabuka ang mga bibig nito at medyo nangingitim ang ilalim ng mata. Puyat na puyat si loko ah. Napangisi siya. Her eyes were tracing the fine lines on his forehead and eyes. Malaki na ang pinagbago ng itsura ni Jayson. He looked mature unlike before na binatang binata ang itsura pero gwapo pa rin naman ito ngayon, iyun nga lang ay pang dad material na. He has a well-defined built, para bang ang tigas ng mga muscle nito at kayang-kaya mag-alaga ng batang makulit tulad ni Cloud. Mukhang sanay na sanay rin ito sa gawaing bahay. Dati ay hindi ito marunong kahit mag hiwa man lang ng prutas pero kanina ay nagulat siya ng balatan nito ang mansanas, samantalang ang utos lang naman niya ay hiwain ito. Ang alam kasi niya ay hindi ito marunong. Iniisip nga niya kanina kung may anak at asawa na ito eh. Pero wala naman itong suot na wedding ring. Pero may possibility pa rin na may anak na ito. Kailangan niyang ayusin ang pakikitungo sa ex dahil baka isang araw ay may sumusugod sa kanyang finacee or legal wife. Nakakahiya pag nagkataon. Natauhan siya nang bahagyang kumunot ang noo nito at umayos ng pagkakasandal pero nakapikit pa din ito. Umalis na siya doon at nagtungo sa kusina dahil baka mahuli pa siya nitong nakatitig. Heto na naman siya at hindi alam ang kakainin. Inuna na niya ang pagsasaing matapos nun ay nagbukas siya ng dalawang lata ng sardinas. Inilabas na niya ang ibang sangkap na gagamitin sana niya sa birthday, pero nahihiya naman siya sa bisita kung pakakainin lang ng plain na sardinas. Igigisa niya lang naman ito pero dadagdagan ng tomato sauce at titimplahin para magkaroon ng ibang lasa ang sarsa. Tamang-tama ito dahil makulimlim ang panahon. Matapos ang halos isang oras ay nakaluto na siya pero nang silipin ang bisita ay tulog pa din ito. But she was surprised to see him already lying on the couch. Wow, feel at home si koya. May apat na oras pa lamang itong natutulog kaya nagpasiya siyang huwag muna itong gisingin. Kumain siya mag-isa at nagsimulang bumuhos ang ulan. Nang makaligpit na siya sa kusina ay bumalik na siya sa sala. Palipatin ko kaya 'tong kumag na 'to sa guest room? Namamaluktot sa couch, eh ang haba ng katawan niya. Napangisi na naman siya dahil pinagtitripan niya ito sa isip. Nakakatawa kasi ang itsura nito na pilit pinagkakasya ang sarili sa couch. Pero hinayaan na lamang niya itong matulog. Ilang sandali pa ay bumalik siya sa pagtatrabaho. Paminsan-minsan ay nakakarinig siya ng mahihinang hilik pero saglit lamang at hihinto na ulit ito.  Natapos na lahat ang meeting nila ay tulog pa rin ito at hindi man lamang nagising sa ingay niya kapag nagsasalita siya. Hanggang sa mag-aalas kwatro na ay tulog pa din ito. Maghapon na silang magkasama. Hindi ba ito hinahanap ng girlfriend nito? Hindi na naman ulit tumawag ang Demir eh. She got it off her mind. Mamaya na niya iisipin 'yon. She decided to wake him up dahil hindi pa rin ito nanananghalian. Ngunit nang tapikin niya ang braso nito ay bahagyang napaso siya. Her eyes widened. Nilalagnat si Jayson. Kaya pala kanina pa ito tulog. Kasalanan pa yata niya dahil hinayaan niya itong maligo ng sobrang aga. Pero hindi pa naman niya alam noon na wala pa pala itong tulog edi sana ay hinayaan na lamang niya itong umuwi para makapag pahinga. Napasama pa talaga ang pagtanggap niya ng bisita. Pumasok siya sa guest room para kunin ang comforter at ibinalot kay Jayson. Kaya pala namamaluktot ito. Ang akala lang naman niya ay dahil hindi ito kasya sa couch. Hay nako, Ryza puro ka maling akala! Sigaw niya sa isip. Nagising si Jayson sa ginawa niya. Kaya bahagya nitong idinilat ang mga mata at binasa ang ginagawa niya. "W-what happened?" sabi nito. "You have a fever." naupo siya sa kabilang couch para makausap ito ng maayos. "What?" pupungas-pungas itong naupo at nag hikab. Mukha ngang may sakit ito dahil malalim ang eyebags nito. "Kumain ka na para makainom ka ng gamot." tatayo na sana siya para kumuha ng paracetamol pero bigla itong tumayo. "I-i think I have to go, Sophia. Pasensya na naabala kita. Ang haba na pala ng tulog k–" he sneezed. "f**k!" saka ito mabilis na naglakad papuntang pinto kahit bagsak ang balikat. Pero hinabol niya ito at hinawakan ang braso. Mabilis naman nitong binawi ang braso. Huh? Galit ba 'to? Ano na naman ang ginawa kong mali? "I am sorry, Sophie." bawi nito nang mapansin ang pagkabigla niya. "Mukhang hindi ako dapat tumuloy dito. Baka mahawa ka." Buong pagtataka niya itong tinignan. Naalimpungatan ba to? Sleepwalker? "Ano bang sinasabi mo? Kumain ka muna at uminom ng gamot. Tsaka umuulan oh, magpatila ka na muna dito." Nanatili silang nakatayo at nagpapalitan ng tingin. "Sophia, ilang araw na akong palibot-libot sa labas and I am not sure baka carrier na ako ng virus tapos tumuloy pa ako dito. s**t!" napakamot ito ng ulo. "Ano ka ba? Nilagnat ka lang dahil sa pagod at puyat tapos ang aga mong naligo kanina. Bakit kasi hindi mo agad sinabi na puyat ka pala tapos naligo-ligo ka pa?" nakapamewang niyang sermon dito. Hindi agad ito kumibo. Nilapitan na niya ito at hinatak sa braso para maupo pabalik sa couch. "Ryza, please don't touch me. Baka mahawa ka." binabawi nito ang braso pero hinigpitan niya ang hawak doon saka iginiya niya ito pabalik sa couch. "Ang OA mo, Margones. Malakas ang immune system ko kaya 'di ako tatablan niyan. Maupo ka diyan. Kapag tinakasan mo ako, hindi na tayo friends." pinandilatan niya ito ng mata saka nagtungo sa kusina. Ininit niya ang ulam nila saka nagsqueez ng lemon. Isinalin niya ito sa baso saka nilagyan ng maligamgam na tubig at honey. Nang matapos sa ginagawa ay bumalik na siya sa sala tangay ang pagkain ni Jayson only to find out that he was sleeping again. Inilapag niya ang tray sa center table at ginising ito. May sakit na pero gwapo pa din? Yumuko siya at mahina niyang tinapik ang braso nito. Nang magmulat ito ng paningin ay mata niya ang agad na hinanap nito. Magkatapat lamang ang mga mukha nila and he was just staring at her. Siya ang unang nagbawi ng tingin. "Kumain ka na. Nandiyan ang gamot mo sa tray." saka siya tumayo ng tuwid at naupo sa kabilang couch. Ilang minuto pa itong nakaupo lang at nakatitig sa tray. "Magpapadala ako ng tao dito bukas para magdisinfect. Pasensya na talaga, naabala pa kita." Pailalim itong tumingin sa kanya. She giggled. "OA! 'Wag ka ngang praning diyan. Tignan mo bukas wala na 'yan. Itulog mo lang ng itulog." Muli siyang nakipagtitigan dito. Hindi man lang ngumingiti si Jayson. Badtrip ba ito o napipikon na sa kanya? "Kain na, Jayson. Dali na. Gusto mo ba subuan pa kita?" biro niya at ngumisi naman ito. "Yes, please." sagot nito. "Puro ka talaga kalokohan, Margones." inalis na niya ang tingin at kinuha ang laptop. Nag Indian seat siya saka ipinatog ang laptop sa hita. Tuminag na si Jayson at tahimik na kumain. Pero ang ulan naman ang sinumpong dahil lalo itong bumuhos. Tahimik lamang silang dalawa. Napansin niyang tumayo si Jayson at buhat ang tray. "Ako na." agap niya at inilapag ang laptop sa gilid para sana tumayo pero nagpatuloy na sa paglakad si Jayson. "No. Ako na. Kaya ko naman." at nagtuloy-tuloy na ito sa kusina. Nadinig pa niya ang lagaslas ng tubig sa sink. Naghugas pa ng pinggan. Tigas din ng ulo. Pagbalik nito sa sala ay tinanong agad niya ito. "Ininom mo ba yung paracetamol?" lingon niya dito. "Opo, Doktora." he chuckled then yawned. "Sophie." tawag nito sa kanya. "Oh?" sagot niya habang tumitipa sa keyboard. "I'm still sleepy. Pwede bang umidlip pa muna sandali bago magdrive pauwi?" mahinang tanong nito. "Sure. Kung gusto mo, doon ka na mahiga sa guest room. Nakakaawa kasi yung couch ko, hindi kasya sa 'yo." tukso niya dito. Sa gilid ng mata niya ay kita niyang nakatitig ito sa kanya kaya hindi niya ito nilingon. "Dito na lang ako." "Okay. Ikaw ang bahala." saglit niya itong nilingon para nginitian pero nakapikit ito at nakapatong ang ulo sa sandalan. Bumaba ang tingin niya sa nakalilis na t-shirt nito kaya natanaw niya ang isang maliit na parte ng abs nito. Walang man lang baby fats! Ibinaba pa niya ang tingin ngunit nakatakip na ito ng comforter pati ang hita. Nakashorts nga lang pala ito, marahil ay nagiginaw. Nang ibalik niya ang paningin sa mukha nito ay nakadilat na pala ito at nakangisi ng nakakaloko sa kanya. Shuta ka, Ryza! Nakakahiya ka! Ibinalik niya ang tingin sa screen ng laptop at kunwari ay tumipa-tipa. She heared him laugh softly. Hindi na niya ito inintindi pa hanggang sa nakadinig na naman siya ng mahihinang hilik. She got spaced out again. Nalibang siya masyado sa kakabrowse sa i********: at pakikipag chat kila Jill at Ava. Gusto pa nga ng mga itong mag video call pero baka makita ng mga ito si Jayson kaya sabi niya ay nagluluto siya at hindi makakasama sa video call, pasisinungaling niya. Alas nuebe pasado na pero si Jayson ay napahimbing na naman ng tulog pakiramdam niya ay hindi lang ito kagabi walang tulog. Siguro ay simula noong lagi itong humahangos na umalis kapag dumadaan sa kanila. Simula rin kasi noon ay napapansin niyang tumutubo na ang stubble nito at ngayon nga ay mas mahaba na ang mga iyon. Muling tumunog ang phone ni Jayson dahil may nagtext. Mabilis naman siyang napatingin doon at nakita sa floating window ang text notification. Demir: Where the hell are you? "Ang clingy naman ng girlfriend nito." But she realized that she was like her when they were still together. Maya't maya ang text niya kay Jayson noon kapag hindi sumasagot sa tawag niya. Hindi niya tinitigilan ng kakatext hanggat hindi ito nagrereply. Napagtanto niyang mas clingy siya. "Hmp. Bahala nga kayong dalawa." Pinagmasdan niya si Jayson na namamaluktot na naman sa couch. Sabi na kasing doon na mahiga sa kama eh, pinilit pa din ang gusto. Pinagmasdan niya ang ex dahil tila nanginginig ito kaya lumapit siya at hinipo ang noo nito at napakainit ni Jayson. Ano ba 'to? May virus nga kaya 'tong kumag na 'to? Nagdalawang isip tuloy siya kung lalapitan itong muli. Nagpasya siyang magsuot na lamang ng face mask at ikinuha niya rin si Jayson para kahit papaano ay may proteksyon sila sa isa't isa. Kinuha rin niya ang thermometer para malaman kung gaano na ba kataas ang lagnat nito. Mas mainit na kasi ito ngayon. Pagbalik niya sa sala ay tulog pa din ito pero nakatalukbong na. Ginaw na ginaw si loko. Inalis nito ang talukbong at mahinang tinapik sa mukha. He slighty opened his eyes pero napipikit itong muli kapag umiikot ang eyeballs. Hindi niya tuloy matukoy kung gising na nga ba ito. "Jayson." tawag niya saka muli itong tinapik. "Jayson." ulit niya nang hindi pa rin ito nagmulat ng mata. Naupo siya sa tabi nito at hinawakan na niya ng dalawang kamay ang magkabilang pisngi nito at parehong tinapik. Bahagya pa siyang yumuko para maiparinig dito ang mahina niyang tawag. Ayaw naman kasi niyang bulyawan ito para tuluyang magising. Finally, he opened his eyes kahit pipikit-pikit ito at mapungay. But he held both her hands. Ramdam niya ang init ng mga iyon but it sent a different kind of chill down her spine. Matapos makuntento ng mga kamay ni Jayson sa pagkakahawak sa mga kamay niya ay sa magkabilang pisngi naman niya dumako ang mga ito. Inalis nito ang face mask niya para tuluyang masakop ng mga palad ang pisngi niya. Ang kanang hinlalaki nito ay idinampi sa mga labi niya then he smiled subtly. Para saan 'yon? Tanong niya sa sarili. Pagkatapos noon ay ibinaba na ang mga kamay nito at bumalik sa pagtulog habang siya ay nanatiling nakahawak sa mga pisngi nito. She was stunned. May mga naglalarong paru-paro sa tiyan niya na gusto niyang pakawalan pero masarap sa pakiramdam ang kiliti na dulot nito. Ilang minuto pa siyang nanatili sa tabi nito at hindi masimulan ang gagawin. Hinawi niya ang buhok na tumatakip sa isang bahagi ng mata nito para mapagmasdan niya ng mabuti. Aaminin niya, na-miss niya si Jayson at masaya siyang kasama ito pero hindi siya sigurado kung dahil magkaibigan na sila o dahil may pamilyar na lugar sa puso niya ang muling bumubukas. She took a deep sigh. Nope, Nagkakamali lang ako. Tsaka ayokong makasira ng relasyon! Dinampot na niya ang thermometer para kunin ang temperatura nito. Nahirapan siyang ilagay iyon sa kili-kili ni Jayson dahil ang bigat ng braso nito. Bakit ba para itong mantika matulog? Nalala niya noong nakatulog siya sa bus nito, sinabihan din siya nitong mantikang tulog. Quits na sila ngayon. Nang mailagay ng maayos ang thermometer ay nanoot pa sa ilong niya ang bango ng deodorant nito–lalaking-lalaki ang amoy. Bigla ay parang gusto niyang maging thermometer. It beeped after a while. Thirty eight point five degrees celsius ang temperature nito. Mataas nga. Nagpunta siya sa kusina para maglagay ng yelo sa ice pack. Nang mailagay iyon sa noo ni Jayson ay bahagya itong nagulat pero hindi naman dumilat kaya bumalik na siya sa kusina para naman ipagluto ito. "Noodles na lang, beh. Wala nang choice eh. Mukhang kailangan ko magpa grocery kila Jess. Kaya lang naman ay baka utusan na naman ng mga iyong si Jayson." napabuntong hininga na lamang siya habang kausap ang sarili. Nagsalin siya ng gatas sa tasa at ininit sa microwave. Ipinagbalat din niya ito ng mansanas. Mamayang bandang 10:00 p.m.. ay pwede na ulit itong uminom ng gamot. Nang okay na ang lahat ay binitbit na niya ang mga ito sa tray at nagtungo sa sala. Inabutan niyang gising si Jayson pero nanatili lang itong nakahiga at nakatingin sa kisame. "Oh bakit mo inalis yung ice pack?" bungad niya ng makitang nakalapag ito sa mesa. Bumahing ang pasyente niya. Magsasalita na sana ito pero nagsunod-sunod naman ang pagbahing kayat inabutan niya ito ng tissue at nagsuot ito ng face mask na nasa mesa. Nagsuot din siya. "I have to leave, Sophia. Mahahawa ka lang sa akin." paos pa ang boses nito dahil sa matagal na pagkakatulog. Nag-iba din ang timbre ng boses dahil sa sipon. "Ayan ka na naman sa kaka leave-leave mo eh. Mataas ang lagnat mo. Dito ka na mag overnight. Anong oras na at malakas pa din ang ulan baka baha na sa dadaanan mo. Kargo de konsensya pa kita pag may nangyaring di maganda sa 'yo." Tumingin siya sa wrist watch, 15 minutes pa bago uminom ng gamot ang pasyente niya. Inilapit niya rito ang lamesa para hindi na mahirapang dumukwang sa pag- abot ng pagkain. "Kumain ka na para makainom ka ulit ng gamot." Bumangon na ito pero hindi agad kinuha ang pagkain. Naiinis nitong kinamot ang ulo at pumapalatak pa. Sa kanya kaya ito naiinis dahil ayaw niya itong pauwin? Hindi ito nagsasalita pero nagsimula nang kumain. "After mo diyan lumipat ka na sa guest room para mapaayos na yung higa mo. Dating room pa din. Pangalawa sa left side." tinignan lang siya nito at nagpatuloy sa pagkain. Sobrang tamlay ng mata nito. "'Wag ka nang makulit, please. Sumunod ka na lang." pahabol niya. Hindi na niya ito nadinig pang magsalita at sinunod na lamang ang lahat ng sinabi niya. Pupungas pungas pa itong umakyat ng hagdan. Nang matapos siyang magligpit sa sala at kusina ay nilock na niya ang lahat ng pinto nang maalala niya ang kotse nito ay naiwan sa labas. Sakto namang nakalapag sa mesa ang susi nito kaya dinrive na niya ito papasok. Mabuti na lamang at hindi luxury car ang gamit ng ex niyang mayabang dahil kung hindi ay matatakot siyang pakialaman ito. Baka magasgasan pa niya. Pagkababa ng sasakyan ay inilock na niya ang gate. She didn't use an umbrella kaya patakbo siyang pumasok sa loob. Then she saw Jayson standing at the stair with stern face. "W-why?" Tanong niya. "Nadinig ko yung sasakyan" He gave her dark stares. Ayaw nga pala nitong pinapakialaman ang mga gamit. "Ah, sorry pinakialaman ko na. Pinasok ko lang sa garahe. Sorry." Hindi niya alam kung paano titignan ito. He didn't move. "Dapat ako na yung gumagawa niyan eh. Kaya ko naman sana sinabi mo na lang sa 'kin. Nabasa ka pa tuloy ng ulan." he said in a cold tone. Nakakunot din ang noo nito at mapungay ang mga mata. Ang sungit. Naapakan ko ba ang ego niya? "Okay lang ako. Sige na umakyat ka na ulit." Nilapitan niya ito at iniabot ang susi ng sasakyan pero nakatingin lang ito sa kanya. Matagal pa itong nakatayo doon at hindi nagsasalita. Bumuntong hininga muna ito saka tumalikod na paakyat. Nang masigurado niyang nakalock na ang lahat ay umakyat na din siya. May dala siyang pitcher ng tubig at baso. Tangay din niya ang gamot at thermometer. Ichecheck muna niya ang temperature ni Jayson bago tuluyang matulog. Nag-aalala siya dito dahil paano nga kung may virus ito? Baka magkahawaan sila. Pero 'wag naman sana. Sana ay dahil lang sa pagod at puyat kaya ito sinipon at nilagnat. Dahan-dahan niyang pinihit ang door knob. Hindi ito nakalock. Sinilip muna niya si Jayson kung tulog na ba ito. Inabutan niya itong nakasandal sa headboard kaya niluwagan na niya ang bukas sa pinto saka pumasok. Inilapag niya ang mga dala sa table sa gilid ng kama. "Check ko lang muna yung temperature mo." tumango lamang ito sa kanya at pinanood siya. Lumapit siya dito at iniluhod ang isang tuhod sa kama para maabot si Jayson. "Taas." utos niya rito nang maiset na ang thermometer. Bahagya naman nitong itinaas ang braso para maipasok iyon sa kili-kili. Matapos mailagay ay tumuwid na siya ng tayo. Ilang sandali ay nanatili sila sa ganoong posisyon. Walang umiimik. Nang tumunog ang thermometer ay mabilis niya itong kinuha. "Thirty eight. Bumaba na. Matulog ka na para bumaba na ng tuluyan. And keep yourself hydrated. Okay? Matutulog na ako. Goodnight." Hindi na niya ito hinintay pang sumagot dahil mukhang badtrip ito. Sa tingin niya kasi ay naapakan ang p*********i nito sa mga ginagawa niya. Siya lang naman nag-iisip nun e. Wala lang namin sa 'kin 'yon. Haynako! "Sophie." tawag nito nang makarating na siya sa pinto. Ay may dila pa pala siya. Good to know. "Thank you." habol nito. Nginitian lamang niya ito saka sinarado na ang pinto. And so, for the first time in eight years, muli silang natulog ng ex niya sa iisang bubong pero sa magkahiwalay na kwarto. Nang nakahiga na siya sa kama ay hinawakan niya ang mga pisngi at labi. You're just confused, Ryza. Don't overthink.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD