Episode 6

2123 Words
Dahil di siya makatulog,pumunta muna siya nang harden,at naupo habang nakatingin sa langit. "Namimiss ko ang inay ko,at sino kaya ang totoo kung mga magulang hinahanap kaya nila ako,o baka hindi na dahil iniwan na nga nila ako sa kakahuyan."bulong niya.Napalingon naman siya ng lumapit si manang flor at naupo sa tabi niya. "Di kaba makatulog chuchay? "Opo manang namimiss ko si inay." "Hayaan mo chuchay,nakatingin lang ang iyong inay sa langit,sigurado akong masayang masaya siyang nagkaroon siya nang anak na katulad mo,masayahin mapagmahal at mabait." "Ang totoo niyan manang hindi si inay ang totoo kung ina."nakayuko niyang sabi kay manang."Napulot lang daw ako noon ni ina sa kakahuyan,kung sino man ang mga magulang ko yun ay hindi ko kilala." "Hah?!ang inay mo ba ang nagsabi sayo niyan chuchay." "Opo manang."sabi niya at agad naman siyang niyakap ni manang. "Kawawa ka naman anak.Hayaan mo mahahanap at makikilala mo din ang totoo mong mga magulang may awa ang Diyos,kasi napakabuti mong bata.Halika na,matulog na tayo."yaya ni manang flor sa kanya na tinanguan niya naman at sinabayan itong bumalik sa kwarto nila. Naiwan naman tulala si Christian sa narinig niya,iinom lang sana siya nang tubig nang makita niya si manang flor at chuchay.Lalapit sana siya kaso nahinto siya nang marinig niyang seryoso ang usapan nang dalawa. Nakaramdam siya nang awa kay chuchay,hindi niya akalain na sa pagiging masayahin ni chuchay,matinding lungkot pala ang nararamdaman nito. Sabado nang hapon nang makita ni Chuchay si manang nanunungkit nang mangga kaya agad niya itong nilapitan. "Manang,tulungan na kita!aakyatin ko na lang yung puno para hindi kna mapagod kakasungkit." "Wag na chuchay baka mahulog kapa." "Naku manang wag kang mag alala sanay ako umakyat nang mga puno."tugon niya dito at sinimulan na niya ang pag akyat. Nasa taas na siya sa puno nang mangga at inihagis niya lang sa malaking basket na dala ni manang ang mga bunga. Tuwang tuwa naman si manang sa kakasalo nang mga mangga.Nasa bintana naman si Christian nakatingin lang kila manang at chuchay,at natatawa kay manang. "Subukan ko din kaya umakyat,matagal narin ako hindi naka akyat nang puno."bulong nito sa sarili.Kaya agad naman siyang lumapit kila manang at chuchay.. "Manang aakyat din ako,tutulungan ko kayo mag harvest nang bunga."bungad na sabi nito na ikinagulat ni manang. "Asus!maryusep sir,wag na ho baka mahulog pa kayo diyan."sabi ni manang Pero hindi nakinig ang binata at tinuloy tuloy ang pag akyat sa puno. "Sandali lang kukuha lang ako nang malaking basket pa."sigaw ni manang flor sa baba. Nakita naman ni chuchay na naka akyat na si Christian at malapit na sa kanya na nakahawak sa sanga. "Sir kapit mabuti!sigaw niya at mabilis na niyugyog nang malakas ang sanga na hawak nito. "Chuchay!Sigaw nito habang mahigpit itong nakahawak sa sanga.Hindi napahinto si chuchay sa sigaw ni Christian kundi napahinto siya sa sigaw nang nasa baba. "Ouch itigil niyo yan!sigaw ng boses nang babae. Pagtingin nila si Syra nahulugan nang mga manggang hinog.Nang makita iyun ni Christian ay agad naman itong bumaba.Sumunod din bumaba si Chuchay para mag sorry kay ma'am syra. Pero nagulat siya nang hawakan siya sa baywang ni Christian pababa,at napatitig sa kanya nang matagal.Sa inis ni Syra sa nakita niya ay agad itong umalis. Natigil lang ang pag titig ni christian sa kanya nang mapansing umalis si syra kaya sinundan ito. "Syra!sigaw ni Christian kaso di ito narinig ni syra at agad pinaharurot ang sasakyan. Nang makauwi si Syra pabagsak niya naman isinirado ang pinto sa sobrang inis.Nang makita niya Daddy niya ay bigla itong umiyak at yumakap. "Ano bang problema mo anak?"agad na tanung ni Don federico kay syra. "Daddy hiwalay na kami ni Christian,hindi na niya ko mahal."humagolgol nitong sabi. "Ha!Bakit?Akala ko ba malapit na kayo ikasal." "May dumating kasing malanding babae, nilalandi si Christian." "Sino naman ang babaeng yun para paiyakin ka niya."sabat ni Madam mariel na papalapit sa mag ama. "Mommy,kasama ni Christian sa bahay katulong niya."umiiyak nitong sumbong sa kanyang ina. "Isang katulong?lakas naman nang loob niya para paiyakin ka!taas kilay nitong sabi. "Tama na,tama na!kausapin ko na lang si Christian pag nakita ko sa opisina "sabat ni Don federico para tumahimik na ang mag ina. Sumapit ang Araw nang Anibersaryo nang kompanya nila Don Federico at Christian. "Chuchay!tawag ni christian kay chuchay na busy sa kanyang ginagawa. "Ano po iyun sir?agad na na tanung niya nang makalapit siya dito. "Maghanda ka mamayang alas sais nang gabi samahan mo ko." "Saan naman po sir? "Basta malalaman mo din mamaya." Naghanda na nga siya nang maisusuot niya napakamot pa siya sa ulo dahil naguguluhan siya kung ano isusuot wala naman kasing sinabi si Christian kung ano ang isusuot.Kunti lang mga damit niya ang lahat ay luma na,kaya ang napili niya na lang suotin ay pants na itim at malaking tshirt na itim,pinarisan niya pa ito ng sumbrero. "Magiging bodyguard ako mamayang gabi kay sir."bulong niya sa sarili habang tinitingnan ang sarili sa salamin.Paglabas niya nang kwarto nagulat naman siya nang nakatingin ang lahat sa kanya.Si manang flor at ate inday na ang tapang nang tingin sa kanya.Napadako naman ang tingin niya kay sir Christian na seryoso ang mukhang nakatitig sa kanya at katabi nito ang dalawang bakla na naka cross arm na nakataas ang kilay na nakatingin sa kanya. "Kami na ang bahala dito sir."sabi nang isang bakla at dahan dahan na lumapit sa kanya kaya masama niya itong tiningnan at inihanda ang kamao. "Bakit anu gagawin niyo sakin?tanung niya.Hinawakan nang bakla ang kamay niya at pinababa ang kamao niya. "Wag kang mag alala,hindi kami mkipag boksing sayo nuh,babae kami."Kaya gagawin ka naming diwata."malandi na sabi ng bakla.Hinila na nga siya nang dalawang bakla papasok sa isang kuwarto. Una nilang binunot ang mga makakapal niyang kilay,nang mapansin niyang kanina pa si bakla nagbunot nang kilay niya,tapos di pa tapos ito ay nagsalita na siya dahil nakaramdam na siya ng pagkabagot sa ginagawa ng dalawang bakla sa kanya. "Hoy ganda!Baka kinalbo muna yang kilay ko ha,kakalbuhin din talaga kita." "Wag kang mag alala ganda hindi makakalbo yan."agad namang sabat ng isang bakla."Relaks ka lang kami bahala sayo,lalabas ka dito sa room na diyosa. Umabot nga nang isang oras ang pag aayos nila kay Chuchay,pinasuot nila ito nang red sexy fitted dress na abot hanggang hita lang at medyo kita ang malulusog niyang dibdib.Pinarisan naman nang sandal na red din na ang haba nang takong,at sadyang pina alon alon ang mahaba niyang buhok. "Perfect!agad na sabi nang bakla nang matapos na sila. Napatulala naman si Chuchay nang makita niya ang sarili sa salamin hindi niya akalain na ganito pala siya kaganda. "Ako ba to?! "Oo ikaw yan,alangan naman ako payag ka palit tau nang mukha? sabat nang bakla sa kanya. "Ganda mo kaya girl,kaya tara labas na tayo hinihintay kana nang prinsipe mo."ngiti nitong sabi. Dahan-dahan ngang lumabas nang room si Chuchay,nang bigla pa siyang natapilok,kaya napayuko siyang naglakad,pagtingin niya.Nakatingin sa kanya si manang flor at ate inday na nakanganga at tulala,na kunti na lang tutulo na ang laway. Pagdaan niya kila manang nginitian niya at itiniklop niya ang bibig ng mga ito. "Wow isa kang prinsesa chuchay,na nakakubli sa pagiging alipin."sabi ni ate inday na nakangiti. Tiningnan niya naman si Christian at kanina pa ito nakatitig sa kanya hanggang sa di nito namalayan na nasa malapit na pala siya. "Sir!tawag niya sa among tulala sa taglay niyang ganda. "Ah okey lets go."agad na sabi nito nang magising ito sa pagkatulala.At mabilis na naglakad papalapit sa sasakyan nito Nasa loob na silang dalawa ni Christian sa sasakyan nang walang nagsalita.. Habang nagmamaneho,si Christian ay pasulyap sulyap na tumintingin siya sa katabi na napakagandang si chuchay,at mapang,akit na seksing katawan at malulusog na dibdib nito. Napapalunok na lamang ang binata dahil umiinit ang katawan niya sa loob nang sasakyan. Nakarating na nga ang sasakyan nila sa isang mataas na gusali.Kinabahan si Chuchay nang makita ang mga mamahaling nakaparadang mga sasakyan,at lalong kinabahan siya nang makita ang mga bumababa nito.Halatang mayayaman at sosyal ang party. "Sir,bakit di niyo sinabi sakin na ganitong party pala ang pupuntahan natin." "Bakit kung sinabi ko,ano gagawin mo?" "Hindi ako sasama,hindi kasi ako sa sanay sa ganitong party nakakahiya."nakayuko niyang sabi. "Well wala kanang magagawa nandito na tayo."sabi ni christian at agad narin ito bumaba nang sasakyan. Pinagbuksan siya nang pinto pero nakayuko parin siya. "Chuchay tawag niya. "Sandali lang sir,inaayos ko pa ang sintas nang sapatos ko. "Chuchay sandal ang suot mo,hindi sapatos kaya bumaba kana diyan." "Oo nga sir!sabi niya at bumaba na din baka kasi magalit pa ito sa kanya.Kinuha nito ang kamay niya at inilagay sa braso nito. Nasa labas pa lang sila nang gusali nakakalula na tingnan sa sobrang taas nito,at may malaking pangalan na JF company.Pansin niya rin na pinagtitinginan sila nang ibang tao. Hi Sir Christian!bati nang isang babaeng dumaan. "Hello!agad namang sabat ni Christian dito. Nakapasok na sila sa venue at napamangha naman si Chuchay dahil napakaganda nang pagka desinyo sa loob at maraming mga ballon na nakasabit sa dingding,meron ding nkasulat na malaking letra sa stage nito na JF 50 anniversary company. Nagulat naman si Chuchay nang makitang papalapit si syra kasama si Ali. "Chuchay!?gulat na tanung ni Ali. "Oo ako nga buti nakilala mo ako agad ali,ganda ko na nuh?sabi niya habang ngumingiti dito. "Oo napakaganda mo ngayon chuchay." "Magkakilala pala kayo?tanung ni syra na nakataas ang kilay. "Oo sa palengke nabato ko nga nang isda si ali sa mukha,diba ali? "Oo Syra aksidente lang pagkakilala namin."Tugon ni Ali habang nakatitig sa kay chuchay na ngumingiti. "Buti naging mukhang tao ka ngayon."taas kilay na sabi ni syra. "Kayo nga din po ma'am syra,buti naging mukha kayong anghel ngayon." "Ano?!Sigaw nito. "Tama na,tama na."sabat ni Christian na kanina pa tahimik at nakikinig lang sa usapan. "Lets dance Syra ."ani ni Ali at hinawakan si Syra sa braso.Inis naman na umalis si syra kasama si ali. "Hintayin mo ko dito chuchay pupunta lang ako nang banyo."paalam sa kanya ni Christian. Habang hinihintay niya si christian ay napalingon siya sa lamesa na may mga nakahilirang mga pagkain. "Tama gutom naku,hindi kasi ako nakakain sa pagmamadali kanina."Bulong niya sa sarili at agad na lumapit sa lamesa na puno nang pagkain.Kumuha siya sa lahat nang ibat ibang klasing pagkain at naupo sa tabi nang lamesa kung saan ang mga pagkain. Nakita naman ni Don federico si chuchay,at napapangiti ito habang tinitingnan si chuchay na kumakain.. "Nakakaaliw naman titigan ang batang to,parang kamukha nito ang asawa kung si jana."bulong ni Don Federico. Nang makita si Chuchay, na tapos na kumain ay nilapitan niya ito. "Iha pwede ba kitang isayaw?bungad na tanung ni Don federico kay chuchay.. "Ah sir,hindi po kasi ako marunong sumayaw." "Ok lang iha,tuturuan kita." "Oh sige po."agad niyang sabi sa matanda at iniabot ang kamay niya dito.Hinila naman siya sa gitna at sumayaw. "Anong pangalan mo? "Ako po si chuchay sir,kayo po? agad nitong tanung.. "Ako naman si Federico Fernandez,ang may ari nang building nato. "Ah edi kayo po pala ang daddy ni syra." Ngumiti lang ang matanda at tumango ito. "Ikaw sino kasama mo dito?" "Si sir christian po,katulong po ako sa kanila." "Ah ikaw pala yun."agad na sabi ni Don federico."Alam mo bang napakaganda mo iha,kamukha mo ang dati kong asawa. "Talaga po,maganda po pala ako." "Oo naman." "Mommy sa tingin mo anong ginagawa ni Daddy ba't parang napapangiti pa sila sa isat isa."tanung ni syra sa ina,na kanina pa nakatingin. "Wag ka ngang magulo,baka kinakausap lang nang daddy mo ang babaeng yan para layuan si christian." Maya maya ay naisipan ni madam mariel na lumapit kila Don Federico at chuchay. "Husband sayaw tayo."Bungad na sabi ni mariel nang makalapit ito kila don federico. "Sir mas maganda po ba sa kanya ang dati niyong asawa?sabi niya at itinuro ang babaeng nakataas ang kilay. "Ano?!agad naman sabat ni madam mariel na halatang na inis sa tanung niya.Tumawa lang ang matanda sa tanung niya at bumulong sa tainga niya. "Oo,kaya napapangiti siyang nakatitig kay Don Federico. "Iha excuse muna ha."paalam ni Don federico. Pagka alis ni Don federico ay hinanap ng mga mata niya si christian na abala sa pakikipag usap sa mga bisita,kaya naisipan niya muna mag banyo.Paglabas niya nang banyo ay bigla naman siya natapilok,kaya hinubad niya na lang ang suot niyang sandal.Nakita naman siya ni Ali kaya nilapitan siya nito agad. "Natapilok kana naman ba?"ngiti nitong sabi at inilalayan siyang umupo. Minasahe naman agad ni ali ang mga paa niya.Natigil naman ito sa pagmamasahe sa paa niya nang dumating si Christian. "Lets go home."bungad nitong sabi at agad siyang binuhat. "Sir christian ibaba mo ko!pinagtitinginan tayo nang mga tao."mahinang boses na sabi niya dito pero tila parang wala itong naririnig at patuloy lang ito sa paglalakad ng mabilis.Nakita naman iyun ni syra,sa sobrang inis nito itinapon ang hawak nitong baso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD