Habang buhat buhat ni Christian si chuchay, palabas nang venue ay natanaw niya ang matandang si Don federico na nakatitig sa kanila.
Kinawayan niya ito at nginitian, nakita niya rin agad ang pagbalik nito nang kaway at ngumiti.
"Hindi nakakasawang titigan ang palangiting mukha nang batang ito, napaka aliwalas nang mukha. kaya di ko rin masisi si Christian kung nagkakagusto siya sa dalagang ito.
Naaawa lang ako kay Syra, pero wala akong magagawa kung gustuhin ni christian ang dalagang si chuchay dahil mukhang napakabuti din nitong bata." bulong ni Don federico sa sarili. At natanaw niya din si Ali, na nakatitig sa paglabas nila Christian at chuchay, kaya nilapitan niya ito.
"4Mr Ali Agustin right?" bungad ni Don federico kay ali.
"Ah yes, Don Federico."
"Kamusta ang Daddy mo nalaman ko na anak ka pala ni Armando, at pagmamay-ari niyo ang AA company."
"Pina-imbestigahan niyo po ba ako Don Federico?" agad na tanung ni Ali.
"Ofcourse, kaibigan ka nang anak kong si Syra. Dapat lang na alam ko ang background nang mga kaibigan niya."
"Kilala mo pala ang daddy ko, he's ok nasa singapore si daddy kasama ang mom ko."
"Oo kilala ko ang daddy mong si Armando, kaklase at kaibigan namin siya nang dati kong asawa sa college.
Akala ko tumanda siyang binata, yun kasi ang huling balita ko sa kanya.
Pero may anak pala siya at ikaw yun."
"Mali pala ang huling balita mo sa daddy ko Don federico, pero soon uuwi narin si dad dito sa pinas. Nagpapagaling pa kasi si mommy sa sakit niya."
"I hope gagaling ang mom mo at ma meet ko ulit ang dad mo."
"Sana nga Don federico, by the way mauna na pla ako uuwi sa inyo."
Ok ingat!" ngiting sabi ni Don federico.
"I hate you, i hate you i hate you!" sigaw ni syra sa loob nang kuwarto at pinagbabasag ang mga gamit na mapupulot niya.
"Syra, syra open the door baby!" sigaw naman ni madam mariel sa labas nang kuwarto ni syra.
"Syra open the door!"
Maya maya ay binuksan narin ito ni syra.
"Mom, help me! Ayokong mawala sakin nang tuluyan si christian, akin lang si christian mom, akin lang." humagolhol na iyak ni syra habang yakap ang kanyang ina.
"Don't worry baby, hinding-hindi mapupunta si Christian sa babaeng yun.
Trust me okey." sabi ni Madam mariel habang nakatitig ito sa mga mata ni syra. Magpahinga at matulog kana, wag kanang mag isip."
"Ok, ok mom."
Paglabas ni madam mariel sa kuwarto ni syra, agad niya kinuha ang cellphone at tinawagan ang mom ni Christian.
Dalawang ring lang ay agad naman ito sinagot.
"Hello."
"Calixta, sa tingin ko kailangan natin pag usapan ang dalawa nating anak." bungad na sabi ni madam mariel.
"Sa tingin ko nga, wag kang mag alala lapit narin ang uwi ko diyan sa pinas.
Tinatapos ko lang ayusin ang ibang papeles ko dito sa Australia. See you soon in pinas."
"Ok see you." sabi nito at ini off nrin ni madam mariel ang tawag, niya kay calixta at tinawagan si lito.
"Hello madam mariel." bungad na sagot ni lito.
"May pa iimbestigahan ako sayo, alamin mo kung sino at taga saan si chuchay,n asa kay christian siya ngayon nakatira."
"Ok madam."
"Tiyaka lito, sigurado ka bang nasama sa sunog noon ang anak ni federico?"
"Yes maam, siguradong sigurado po ako na may kasama ang matandang babae sa loob nang bahay na nasusunog sa oras na yun, nakita ko ang isang dalaga na nakatulog sa lamesa, at ang matanda naman ay may sinusulat."
"Ok ok good." sabi ni madam mariel at ini off narin ang tawag.
"Pero bakit masama ang kutob ko sa chuchay na yun." bulong nito sa sarili.
Nakarating na nga sila chuchay at Christian sa bahay, buhat buhat siya parin nito hanggang sa papasok sa loob nang bahay. Binaba niya na si chuchay nang nasa loob na sila ng bahay, at dahan dahan naman agad lumakad papasok nang kuwarto si chuchay.
Napahinto siya nang mag salita pa ulit si christian.
"Chuchay napakaganda mo ngayon." sabi nito at agad umakyat papasok nang kuwarto.
Naiwan namang tulala at namumula sai chuchay sa sinabi ni Christian.
Pagkauwi naman ni ali sa kanyang bahay ay agad siya kumuha nang alak.
Hindi mawala wala sa isip niya ang makita nang ganung kaganda at sexy na si chuchay, napapangiti ito sa iniisip habang umiinom nang alak.
Araw nang sabado nang maisipan ni christian na pumunta sa beach resort sa batanggas. May nabili daw kasi itong resort sa batanggas. Di na bago iyun kay manang flor at kay ate inday dahil tuwing summer naman daw, lagi tlga pumupunta si christian sa batanggas at sinasama sila.
Kaya maaga pa lang nasa loob na sila nang isang van, napiling umupo ni chuchay sa likod mag isa para makahiga siya habang nag-byayahe. Nasa harapan niya naman sila ate inday at manang flor.
"Sigurado naman na sa tabi ni manong driver sa harap uupo si sir christian." bulong ni chuchay sa sarili. Pero nagulat siya nang pumasok si christian at naupo sa tabi niya. Tumitign ito sa kanya at ngumiti.
"Lets go manon." agad nitong sabi.
Nasa biyahe na sila nang makaramdam nang antok si chuchay napansin naman iyun ni christian, inilapit niya ang balikat at sumenyas na ipatong ni chuchay ang ulo nito sa balikat niya. Kaso nahihiya siya kaya nagkunwari na nawala na ang antok niya.
Maya maya ay nakaramdam na naman siya nang antok, kaya si christian na ang humawak sa ulo niya at inilagay sa balikat niya.
Ilang oras ang lumipas ay narating na nga nila ang batanggas. Agad naman nila inayos ang mga gamit nila.
Nasa tabi sila nang dagat si manang flor, ang nagbabantay sa niluto niyang barbecue, nang matanaw nila si sir christian na nagmamaneho nang jetskie.
"Chuchay ang Hot ni sir christian." sabi ni ate inday habang niyuyogyog siya.
Huminto naman sa harapan nila Christian.
"Chuchay gusto mong subukan sumakay? Tanung nito sa kanya habang nakangiti.