bc

Whispers of the River (El Blaza Series 1)

book_age18+
83
FOLLOW
1.1K
READ
HE
friends to lovers
submissive
kickass heroine
blue collar
drama
bxg
small town
like
intro-logo
Blurb

Pagtapos bigong makapasok sa unibersidad sa Maynila at magpatuloy sa nahintong pag-aaral, napilitang bumalik sa isla ng El Blaza si Belladonna Tacadena. Desperadong makahanap ng pagkakakitaan, sinubukan niya ang kaniyang suwerte sa bagong tayong bahay ng isang mayamang pamilya sa isla. Doon niya nakilala si Elvo, ang binatang inakala niyang isang trabahador. Wala siyang kaalam-alam na ito ang may-aring hinahanap niya—ang pinagpipitagang si Don Silvestre Ceciliano IV. Buhat ng natatanging pagkakakilala sa isa’t isa, agad na nabuo sa kanila ang isang magandang pagsasama… ngunit bakit kailangang may pagsubok pa? Sa buong buhay ni Bella, naniniwala siyang may kakayahan ang ilog na ibulong ang tadhana sa kaniya. Hindi man literal, naniniwala siyang may kahulugan ang patuloy na pag-agos ng tubig kahit pa matarik ang batuhan; na may kahulugan ang tila walang katapusang paglalakbay ng tubig patungo sa kung saan. Maintindihan kaya ni Bella ang bulong ng ilog sa sandaling mangyari ang isang malagim na trahedya? Ano ang susundin ni Bella: ang bulong ng ilog o ang ngalang tinitibok ng puso niya?

chap-preview
Free preview
00: PLOT
BELLA “La vida sigue. Life goes on.” Tahimik na sa buong gubat. Tumigil na sa paghuni ang mga ibon at napalitan na ito ng mga kuliglig. Tumingala ako at tiningnan ang dahan-dahang paghari ng buwan sa kalangitan kasama ng mga bituin kahit pa paminsan-minsan itong nahaharangan ng mga dahon ng punong sumasabay sa indayog ng hangin. Nothing will ever beat the beauty of the province—of El Blaza. It is my sanctuary and the scenery… it never gets old. It just gets better with time. Masarap magbalik sa Isla El Blaza. Sa paglipas ng panahon, unti-unting nagiging modernisado ang isla. Nagtatayo na ng malls, nagiging sementado na ang dating putikang mga kalsada, nadaragdagan ang mga resort sa bawat taon, at parang kabute kung magsulputan ang mga bagong gusaling pangkomersyo. Kahit pa ganoon, walang nagbago sa ganda ng isla. The ocean waves crashing with El Blaza’s shoreline restlessly, magnificent coves carrying hundreds of years of history, the rich and seemingly endless farmlands, mountains standing proud against any storm that may come, and the lush forest at the heart of the island where I grew up—everything. Everything is still here. The pristine waters may have isolated our beautiful town, but I know for sure that the rest of the world yearns for El Blaza. Bumalik ako sa paghuhugas ng aking putikang binti. Hindi na dumurugo ang mga gasgas na natamo ko sa paglalakad papunta rito kanina. Dalawang taon. Dalawang taon akong hindi nakabalik sa El Blaza dahil kumakayod ako sa Maynila para kumita ng pera. Dalawang taon akong tumigil sa pag-aaral para makatulong muna sa pamilya. Second year college ako noon at graduating na sana ngayon kaya lang… kailangan kong magsakripisyo. “Mama, h-hindi po ako nakapasa sa university…” Iyak na lang ang nagawa ko nang sabihin kay Mama ang balitang ‘yon. Pakiramdam ko, pinagsakluban ako ng langit at lupa. Hindi ako kumain, hindi nakatulog. Wala akong ginawa sa masikip, maliit at madilim kong boarding unit sa Maynila kung hindi ang magmukmok at kuwestiyunin ang buhay ko. “Anak, umuwi ka na lang muna sa isla… magpahinga ka na muna, Bella.” I grew up thinking that everything must be done by the first attempt. Lahat ng gagawin ko, binibigay ko ang best ko dahil para sa mahihirap na tulad ko, walang second attempt, walang second chance, walang try again, at walang safety net. Kapag bumagsak ka, diyan ka na; namnamin mo ang sakit ng kabiguan hanggang kaya mo nang tumayo sa pagkadurog. I sighed and lifted my chin up, my eyes were welcomed by the sight of the new wooden cabin at the other side of the river. Hindi tulad nilang mayayaman sa mundo, lumaki akong iniisip na kailangan kong mas galingan sa buhay dahil wala akong ibang rutang daraanan sakaling mabigo ako. “Bagsak na naman tayo sa Calculus,” naalala kong sabi ng isa kong kaklase noon sa kaibigan niya. Parehas silang mapera, parehas na nasa public school para ang dapat na tuition ay maging allowance na lang nila. Umismid ang isa at nagpatuloy sa paglagay ng powder sa pisngi, paulit-ulit na pinagdidikit ang mapupulang labi. “Hayaan mo ‘yan. Kung hindi kakayanin ang course na ‘to, e ‘di bahala na sina daddy!” Habang halos himatayin na ako sa umaga dahil subsob sa pag-aaral sa gabi, sila walang problema. Hindi ko naman sila masisisi, binigay naman sa kanila iyon at kung pinanganak din akong gano’n, baka magpakasarap na lang din ako dahil nasa akin na ang lahat. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit hindi na lang lahat ay bigyan ng kung anong mayro’n sila. Bakit hindi lahat may pera? Bakit madali ang buhay sa kanila, habang ako? “May hiring doon sa grocery sa bayan, ‘nak. Bantay raw.” Inayos ko agad ang bio-data ko. Lahat ng puwede kong ilagay, nilagay ko na. Kailangan ko ng trabaho. Totoong nagmumukmok at nagtatampo ako sa mundo dahil pero hindi naman puwedeng habang buhay na lang akong ganito. Hindi naman nagiging pera ang luha ko. Isa pa, tumatanda na sina Mama at Papa. Hindi rin naman kalakihan ang kinikita namin sa maliit naming tindahan sa palengke saka sa kapiraso naming lupa rito sa gubat. Tumigil sa pagnguya ng chewing gum ang bantay sa grocery nang iabot ko na ang bio-data ko. “Balik ka sa sunod-linggo ‘pag nandito na ‘yung amo namin. Sasabihin niya kung tanggap ka.” Nagulat ako sa narinig. Akala ko naman ngayon na ang screening. Hindi pa pala. Maghihintay pa pala ng isang linggo at baka sa araw na ‘yon, nakalimutan na nila. “Talaga po ba… s-sige po. Salamat.” “La vida sigue,” or life goes on, I whispered to myself. I remember reading that phrase in a book I once read. It was about failure and success. Ang sabi roon sa libro, hindi naman titigil ang buhay kung papalpak ang isang tao. Stepping stone lang daw ang pagkatalo para makaabot ng mas matataas pang bagay sa buhay. I smirked, shaking my head. I stood up and wiped my wet hands on my black shirt. Stepping stone? Mayayaman lang ang puwedeng magsabi niyan. I lost the chance to pursue my dream, to become an industrial engineer. It is not a stepping stone, rather… failure. I call it what it is. Tumawid ako sa mababaw na ilog at pumunta sa bagong tayong cabin. Ito rin ang isa pang pinunta ko rito bukod sa mag-isip. Nandito ako para mag-baka sakali, para maghanap ng trabaho. Isang Ceciliano raw ang may-ari ng cabin na ito. Sino nga ba ang mga Ceciliano? They are one of the richest families on the island of El Blaza. A huge mining company is under their name and they own tons of properties across the island and the country. Basta, mayaman sila. Mayaman na mayaman. Nakaparada ang isang traktora sa tapat at bukas ang ilaw sa loob ng bahay, wala nga lang akong nakikitang tao sa labas. “Wala yatang tao…” Kuryoso, tumingkayad ako sa tapat ng bintana para makita sana kung mayroon bang tao ngunit laking gulat ko nang makita ang paglilingkisan ng isang binatang may pakpak na tattoo sa likod at dalaga sa asul na sofa roon. Hindi ako nakagalaw sa gulat. Is that a Ceciliano? Hindi kaya iyan si Solomon? Siya lang naman ang alam kong binata sa pamilya nila rito sa isla, ngunit ang hindi ko alam? Iskandaloso pala ang mga Ceciliano! Bukas ang bintana at inaararo niya ang babae, ano ba ‘yan! “Shocks…” The girl was moaning and giggling while the man on top of her, could be Solomon, was kissing her neck. I saw how his hands roamed her body too, lifting the hem of her yellow shirt. I couldn’t see everything that’s happening but I know what they’re doing… They’re having s*x, obviously, while this window is wide open. Goodness! Ang gusto ko, maghanap ng trabaho! Bakit ako bibigyan ng make-love session? Nakakainis. Umiling-iling ako at pilit na inaalis ang imahe nilang dalawa sa isip ko, napaatras. Siguro ay babalik na lang ako bukas. Ayaw ko silang istorbohin sa ginagawa nila. “Anong ginagawa mo?” Napapitlag ako sa gulat nang may magsalita sa likuran ko! I turned around and saw a topless man wearing dirty denim jeans while holding a hose with water coming out of it. He glared at me while my eyes went down his body, to his defined abdomen where droplets of muddy water trickled down. “’Wag kang sumilip diyan. May ginagawa sa loob,” diretsahan niyang sabi. I know. I saw it. “Uy, may pogi! Hi, ‘di kita napansin kanina. Tinitingnan ko lang kung may Ceciliano rito,” I bit my lower lip. Hindi ko siya binobola, ha! Talagang pogi siya at nahumaling ang mga mata ko agad-agad sa kaniya. Oo na, medyo OA! Pero ngayon lang ako nakakita ng ganitong mukha sa isla. Bago yata siya? The man in front of me turned the faucet off. “Bakit? May kailangan ka ba?” Tinuro ko agad ang bahay. I think he’s a caretaker or helper here. “Naghahanap ako ng trabaho. Kaya sumilip ako kasi akala ko may tao sa loob. Ceciliano raw kasi ang may-ari, sumusubok lang, baka may puwesto.” Naningkit ang mga mata niya at kung nakatutusok lang ang tingin, kanina pa ako duguan dito. I forced a smile, trying to diffuse the awkward situation. “Dito ka nagtatrabaho, ‘no? ‘Wag mong sabihin na s-sumilip ako, ha? Hindi ko naman sinasadya… at a-ano, wala naman akong nakita masiyado. Promise. Nakalimutan ko na nga agad, e.” He scoffed and turned his back against me, rolling the water hose around his arm before hanging it to a metal hook. Duda ako sa lalaking ito, e. Hindi siya mukhang mapagkakatiwalaan. Parang isusumbong niya ako. “K-Kuya Pogi, promise mo, ha? Hindi mo ako isusumbong. Babalik na lang ako bukas…” “Bumalik ka na lang bukas, baka may makausap ka nang Ceciliano riyan,” he replied coldly, his back still against me. I can see his muscles flexing with every move he makes. He is hot! Hot, pero ang sungit. What an ugly combination. Ako na nga ang nagiging mabait dahil kung may trabahong maibigay sa akin, puwedeng maging workmates kami, ganiyan pa siya. “S-Sige, babalik ako bukas, ha? Uhm… ano pala’ng pangalan mo?” He turned around, his left eye twitching in annoyance. “…Elvo.” I nodded slowly and smiled. “Okay, Elvo. Sorry sa abala pero pasuyo, ha. Kung may available na puwesto, pa-ask sana sa amo mo, please? Babalik ako bukas. Malay mo maging workmates tayo. Workmates… cutie? Gano’n.” Hindi siya tumawa. What is wrong with this man? Hindi niya ba alam na hindi siya tatagal sa trabaho niya lalong-lalo na sa isla kung masama ang ugali niya? Like I said, hot pero masungit! Like champorado and tuyo, it is such an ugly combination yet weirdly loved by many. Bakit gustong-gusto nila sa masusungit? ‘Yung tinatrato sila lagi na parang may bente singko mil silang utang. I don’t get it. O baka sadyang pikon lang ako at bibira rin ako kapag sinusungitan ako. “Una na ‘ko, ha… pasensiya na uli. A-At sana ‘wag mo akong isumbong,” sabi ko na lang at naglakad palayo, pinapagpagan ang itim kong damit. Naubos ang social battery ko sa lalaki na ‘yon at sa nakita ko sa loob ng cabin. Doing your business with an uncovered transparent window? Wild! I am sure that’s Solomon Ceciliano inside. Sinaway kasi ako ni Elvo, e. Pinoprotektahan niya ang amo niya, for sure. Kumagat na ang dilim pero sa halip na dumiretso pauwi, umupo ako sa gilid ng ilog para magmasid sa cabin. Kung sakaling lumabas ang mga tao sa loob at makita kong si Solomon Ceciliano nga ang lalaki, babalik ako para magtanong. Habang nakatanaw sa malayo, unti-unti akong binalot ng katahimikan at ang tanging naririnig ko lang ay ang marahang lagaslas ng tubig sa ilog. Nagbali ako ng tingin sa bahay at tumitig sa umaagos na tubig na nasisinagan ng malamlam na liwanag ng buwan. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Papa tungkol sa ilog noong bata pa ako. Ang sabi niya, ang ilog daw ay parang buhay. Mabato man at walang kasiguraduhan kung hanggang saan, lagi naman daw itong may patutunguhan. “Kapag nalilito o naliligaw ka, Bella, umupo ka sa tabi ng ilog. Pakinggan mo ang bulong ng tubig sa ‘yo,” wika ni Papa sa akin nang minsang mapadaan kami sa ilog na ‘to noong maliit pa ako para mangahoy. “Bakit, Papa? Ituturo ba niya ang daan sa ‘kin?” Ngumiti ang Papa ko at tumango, hinawakan ang balikat ko. “Oo naman! At hindi lang ‘yon dahil alam mo ba, Bella? Ibubulong din ng ilog ang kapalaran mo.” Napangiti ako sa munting alaala, sumalok ng tubig gamit ang kamay ko. Totoo kaya ang sinabi ni Papa? Matutulungan kaya ako nitong ituro sa akin ang daan? Does the river truly whisper? And if I listen enough… will it reveal my fate to me?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
32.0K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.8K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook