BELLA
“Dali, dali! Kuhanan mo ako ng picture rito, Bella!”
Tuwang-tuwang nag-pose ang pinsan kong si Merlie sa tapat ng isang malawak na halamanan. Pumikit-pikit pa siya at itutok ko raw ang camera para magmukhang nakahiga siya roon.
Merlie gently slapped my hand when she felt like I was too close to her face. “Ang OA naman! ‘Di ganiyan!”
Humalakhak ako at kinuhanan siya ng pictures, marami dahil pipili raw siya. We spent like a couple of minutes there, just her posing in front of the pink bougainvillea and I taking pictures of her.
We are close, Merlie and I. We grew up together here in our small town but they recently moved to a different barrio, as we call it. Kung kami ay naroon pa rin sa Arrueza, malapit na sa bayan sina Merlie, sa Luzeta, kaya nga ngayon niya lang ako nabisita kahit isang linggo na ako sa El Blaza.
Nag-aya si Merlie na maglibot-libot kaming dalawa. Sakto nga dahil hindi kami nagtinda sa palengke, inaasikaso kasi nina Mama at Papa iyong papeles ng maliit na lupang-taniman namin. Hindi nila sinasabi sa akin kung bakit nila biglang inasikaso iyon pero ang sabi naman nila, maayos lang.
Sana nga maayos lang.
Libre rin ako ngayong hapon dahil umaga ako dumaan sa bahay ni Elvo. Wala nga siya roon kaya diniligan ko lang ang lupa, sinilip ang mga punla, at umalis na agad para sumama sa pinsan ko.
Kung saan-saan kami nagpunta ni Merlie. This walk too showed that we do really have completely different personalities. Si Merlie iyong sikat sa aming dalawa dahil paru-parong bukid talaga ang pinsan kong ‘to. Kung sino-sino ang kinakawayan niya!
“Tess! Hindi kayo nag-volleyball?” sigaw niya mula sa bakuran ng kaibigan niya, si Tess daw. Kumakain ito ng ice candy at nagulat pa ng sigawan ni Merlie.
Merlie likes to play volleyball and practically anything that involves high stamina while I don’t. I prefer doing things like planting and reading. Kahit noong highschool kami, kasali siya sa volleyball team ng baryo namin habang ako?
Basta nag-aaral ako.
“Hindi, e!” Tess answered. “Chat kita kapag may laro sila!”
Merlie raised her two thumbs. “Sabi mo ‘yan, ha! Una na kami!”
Pag-alis sa tapat nina Tess, tinuro niya sa akin ang renovated na eskwelahan kung saan kami nag-aral noong elementary hanggang high school.
“Alam mo ba, Bella? Ang daming multo raw d’yan sa school!” bulong niya sa akin pagdaan. Hininaan niya pa ang boses niya na parang tinatakot ako, nanginginig pa. “‘Yang duyan? Gumagalaw raw ‘yan mag-isa sa gabi!”
I cackled, not even fazed by it. Bilang nakapag-aral ako nang dalawang taon sa isang engineering course, pamilyar ako sa mga sensor at automated systems. Sa halip na multo, naisip ko na baka programmed ang duyan na gumalaw mag-isa kapag gabi na.
Merlie slapped my shoulder slightly. “Ano ba naman ‘to! Horror story nga tapos tumatawa!”
“Merls, baka naman kasi hindi multo! Could be the wind or something!”
“Heh! Ini-English pa talaga ako!” she retorted and rolled her eyes. “Tara na nga!”
Naglakad-lakad kami hanggang sa napadaan kami sa tindahan ng turon. Bumili si Merlie ng dalawa at sumilip naman kami sa tinatayong five-star resort sa dalampasigan ng Vista Grande, ang Paradiso.
“Ang laki ng sasakupin, grabe,” I whispered, staring at the ongoing construction of the said gigantic resort. I took a bite of my turon and savoured the soft saba and sweet langka bits in my mouth.
Lumunok si Merlie at nabilaukan pa talaga. Pinalo-palo ko ang likod niya pero sinamaan niya lang ako ng tingin. “Ate ko, pinapalo mo lang ako, e!”
Humagalpak ako ng tawa. “Hindi, ah! Nagiging mabait na pinsan lang ako.”
“Mabait na pinsan daw, sumakit nga lalo ‘yung likod ko,” nagdududang tugon niya at kumagat uli sa turon. “Pero totoo, ang lawak niyan, insan. Mga Torrelavega ang nagpapatayo niyan. Kung ang mga Ceciliano ang may hawak sa mga minahan at sakahan, sa mga Torrelavega ang dalampasigan.”
Speaking of Cecilianos, our next stop was their mansion just below the tallest mountains of El Blaza, still in Vista Grande. Their property was surrounded by fully-bloomed crimson roses and right behind their seemingly endless home was an old tower mill, its sails spinning with the wind.
My eyes were glued to the extraordinary view while Merlie was buying ice scramble across the street. Iniisip ko kung gaano karaming pera ang mayroon sila para maipatayo ang ganito at dumaan din sa isip ko ang mangarap na balang araw, magkakaroon din kami ng sariling bahay at malawak na malawak na lupain.
Hindi naman imposible, ‘di ba? Saka, mag-aaral ako. Pangako ko ‘yan sa sarili ko pati sa mga magulang ko.
“Sobrang yaman nila ‘no?” I squealed when I heard Merlie speak beside me. Natawa siya at inabot sa akin ang ube ice scramble, may milk powder, condensed milk, at marshmallows sa ibabaw. “Sorry! Nagkape ka ba?!”
“Sisigaw pa talaga siya, e. Thanks, Merls,” sagot ko at hinalo ang scramble. Binalik ko ang tingin sa bahay ng mga Ceciliano at sumandal sa kahoy na bakod sa gilid ng kalsada. “Ano kayang pakiramdam na maging ganiyan kayaman?”
“Sila ang tanungin mo dahil hindi ko ‘yan alam,” Merlie responded, mixing her dessert. “Pero kaya marami talagang gustong maikasal sa kanila, e. Ang dami ba naman nilang negosyo at pera, sinong hindi magkakandarapa? Guwapo at hottie pa ang mga Ceciliano.”
I glanced at Merlie, squinting my eyes. “Ikaw, ha…”
“Hoy, honest lang tayo!” Merlie replied, laughing. “Guwapo naman talaga. Kaso, ang daming kumakalat na balitang playboy raw ‘yung panganay na Ceciliano, si Solomon?”
Tumigil ako sa pagkain ng ice scramble nang maalala ko ang imahe ni Solomon sa loob ng cabin habang inaararo iyong isang babaeng hindi ko kilala. I closed my eyes. Ako ‘yung nahihiya kapag naaalala ko. Bakit ko ba kasi sinilip iyon?
“Talaga? Sinong may sabi sa ‘yo? Paano nila nalaman?”
“Ang dapat tanungin mo ay kung sinong hindi pa nakakaalam,” Merlie mumbled. “Alam na alam kaya ng buong isla ‘yon, Bella. Iba-iba ang babae niya kaya nga hanggang ngayon, hindi pa siya kasal.”
“Ipinagkakasundo sila?” I wondered aloud.
“Oo naman ‘no.” Merlie slurped her ice scramble. “Iingatan nila ang yaman nila, siyempre. Ganoon ang buhay nila: ang mayaman, sa mayaman lang!”
Hinalo ko ang pagkain at doon naisip bigla na kung ganoon ang mga Ceciliano, malamang ay ikakasal na rin pala si Elvo? O kung hindi man… baka hinahanapan na siya ng ipagkakasundo sa kaniya?
I clicked my tongue and looked at Merlie. “So if that’s the case, Elvo is getting married too?”
Merlie bobbed her head up and down and threw the plastic cup in a sack a few steps from her. Ang bilis naman niyang kumain! Naghahalo pa lang ako, tapos na siya?
“Yes na yes. Amo mo siya ngayon, ‘di ba? Hindi mo alam na may girlfriend na raw siya?”
My eyes widened, both in shock and disappointment, and I stopped stirring my scramble. “M-May girlfriend pala siya?”
“Hoy, oo, 'yun ang sabi. Pero 'di pa naman confirmed,” she replied. Merlie wiped her hands with the hem of her shirt. “Haponesa nga raw, anak yata ng kasosyo sa negosyo ng Papa niya. Nakalimutan ko ang pangalan, e. Pero, Heidi ‘yata?”
“Heidi?”
“Oo! Tama, Heidi nga. Si Heidi Adachi,” Merlie answered, grinning.
Hindi ko naman inasahan na ganoon din pala ang kaso kay Elvo. Akala ko kasi ay single pa siya. I mean, he wasn’t the Ceciliano I caught doing miracles inside the cabin…
“Talaga…” my voice trailed off.
I felt a little disappointed because I found Elvo attractive. Gaya nga ng sabi ko, natipuhan ko siya at swak sana sa banga kung hindi masungit… at walang girlfriend.
Kung kailan nagkakaroon na ako uli ng crush-crush na ganiyan, ang dami namang sabit ng natitipuhan ko. Ang daya universe, ha.
Pagtapos ng usapan tungkol sa mga Ceciliano, umalis na kami roon para hindi na madurog pa ang puso ko. Charot lang! Hindi naman malalim ang attraction ko kay Elvo, sakto lang.
Naglakad-lakad pa kami ni Merlie at napadaan sa isang maliit na tindahan sa Barrio Cariez. Merlie knocked on the small door. “Victor! Victor!”
A tall, masculine man with curly hair appeared at the other end of the store. Yumuko siya para hindi tumama sa mukha niya ang mga nakasabit na kape, gatas, shampoo, toothpaste, sabon, at iba pa.
“Merlie? Merlie!” the guy named Victor said. He smiled widely upon seeing my cousin.
Merlie crossed her arms over her chest. “Lumabas ka naman, Vic! Tamad nito!”
Victor chuckled and went out of the store. His topless moreno body welcomed my eyes and I immediately looked away. What is the matter with El Blazan men? May shortage ba ng t-shirt? Laging nakahubad!
I heard his gasp as soon as he saw me. “M-May kasama ka pala, Merlie…”
Merlie held my shoulders and shook my body a little. Nagising ako roon at agad na napatingin kau Victor na nakatitig sa akin. “Pinsan ko nga pala, Vic. Si Belladonna na galing sa Maynila. Bella, si Vic. Kaklase ko.”
I smiled at him. “Hi, Victor.”
Victor beamed and offered his veiny hand. “Masaya akong makilala ka, Bella. Victor pala.”
“Nice to meet you, Victor. I’m Bella.” I accepted his hand. Mahigpit ang hawak niya roon at matiim ang titig niya sa akin.
“Ayan, magkakilala na kayo. Puwede na kaming umalis,” natatawang usal ni Merlie at tinuro ang pabalik na daan.
Victor was bothered. “Agad? ‘Di na kayo papasok? Maghahain ako ng meryenda sa loob.”
Merlie frowned. “Naku, Vic. Malayo pa kasi ang bahay nitong si Bella. Saka na lang siguro. Babalik kami, promise!”
“Sabihan mo ako sa susunod para makapaghanda ako.”
Merlie raised her thumb and nudged me. “Oo naman. Sama ka Bella, ha?”
“Naman. Sabihan mo lang ako.”
“Mabuti kung gano’n,” sagot ni Victor at muling tumingin sa akin. Sinuklian ko na lang siya ng ngiti. “Mag-ingat kayo, Merlie… Bella.”
“Okay! Byers, Vic!”
Naglakad na kami ni Merlie pabalik sa dinaanan namin kanina. Pasado alas singko na kaya kulay kahel at dilaw ang liwanag na naghahari sa paligid.
It is dreamy especially with the thick wind blowing from the sea. Pakiramdam ko tuloy ay bida ako sa isang indie film at mayro’n akong sariling montage scene.
“Bellabels, dito na ako.” Tumigil sa paglakad si Merlie nang nasa b****a na kami ng gubat. Dito na kami maghihiwalay ng daan.
“Mag-ingat ka, Merls. Nag-enjoy ako sa gala at thank you sa libre,” I told her, giggling. “Babawi ako kapag nakasahod na ako kay Elvo.”
“Naku, wala ‘yon! Next time uli, insan! Bye-bye!”
“Bye, Merlie! Ingat ka!”
I watched Merlie walk away before I started my stride to the forest. Hindi pa naman ganoon kadilim kaya walang takot kong sinuong ang putik-putik at mabatong daan.
Bago ko marating ang bahay namin, napadaan ako sa ilog. From where I was standing, I could see Elvo’s tractor and him sitting at his porch’s step risers, holding his porcelain mug again.
“Iingatan nila ang yaman nila, siyempre. Ganoon ang buhay nila: ang mayaman, sa mayaman lang!”
I remembered what Merlie told me earlier. I slowly shook my head and walked away. Why did I even think for a millisecond that I stand a chance to have Elvo? Guwapo lang talaga siya at maganda ang katawan at hanggang doon na lang dapat ang naiisip ko sa kaniya.
Merlie was right. Ang mayaman, para sa mayaman lang. Hindi na dapat ako maghangad na mabingwit ko siya dahil sakit lang ‘yon sa ulo ko. It will start with my everything and I’ll end up with absolutely nothing.
Kaya ngayon, sisimulan ko nang burahin ang pangalan niya sa happy crush list ko… kahit siya lang naman ang nandoon. Pero baka sa susunod, may iba akong makilala sa isla, ‘di ba?
But, oh well. I am happy for Elvo, though he’s officially off my grid. Guwapo kaso masungit; hottie, pero may girlfriend na.