“Avisha!” napamulat ako ng wala sa oras dahil sa malakas na pagsigaw ni Natalie malapit sa tenga ko. Sinamaan ko siya ng tingin at nahilot ang noo. Napangiwi ako sa sobrang sakit. Pakiramdam ko binibiyak at hinati-hati ang ulo ko. “Nasaan si Seno at Theo?” tanong niya. Napapikit ako ng mariin. Tulog ako, paano ko malalaman kung nasaan sila? Kagigising ko nga lang dahil sa bunganga niya, bwesit. “Malay ko ba,” tang1na! Parang humihilab sa akit. Hinding-hindi na talaga ako iinom. Never again. “Bumalik na tayo sa facility.” Tumayo ako at napansin na walang nagalaw pinag-ihawan namin. “I think…” napatingin ako kay Natalie nang tumayo na rin ito. “Someone dragged them—” hindi na ako nagpatumpik-tumpik at kumaripas ng takbo pagkarinig sa sunod-sunod na putôk ng barîl. Shiit! Shiit! Somethin

