Kalabit 2

273 Words
KALABIT 2 — SSPG | R+18 Avisha's POV "Dalawa na lang at lalarga na tayo!" sigaw ng konduktor habang winagawayway ang kamay na may nakaipit pang pera sa bawat pagitan ng daliri niya. Binilisan ko ang paglalakad nang makita kong halos mapuno na ang sakayan ng jeep. "Sandali lang po!" sigaw ko. "Bilisan mo ineng!" Dali-dali akong sumakay pagkalapit ko at agad na umupo sa bakante. Tirik na tirik ang araw kaya tagaktak din ang pawis ko mula noo pababa ng mukha ko. Hinugot ko ang selpon sa maong pants ko nang maramdaman kong nagvi-vibrate 'yon at nakitang si Tita Nadia ang tumatawag. "Hello, Tita Nadia? Opo! Nakasakay na po ako ng jeep papuntang school!" nilakasan ko ang boses dahil sa ingay ng mga tao sa paligid at mga sasakyan dumadaan. May ilang jeep pang nagpapalitan ng busena na akala mo ikina-angas nila. "Ayos lang po, tita!" maiintindihan naman siguro niya kung bakit parang sumisigaw na ako. Hindi ko na nahintay ang bus sa sobrang tagal kaya naisipan kong mag-jeep na lang kahit alam kong siksikan na naman. Ngayong araw ang pictorial namin para sa graduation at sabi bawal ma-late or else magkaka-fines. Since ayokong mamultahan, jeep ang bagsak ko. Si Tita Nadia sana ang maghahatid sa akin sa school pero dahil nagka-emergency ang kumpanya niya, no choice kundi mag-commute. "Alright, I'll call you later. Mag-iingat ka." Nailayo ko sandali ang selpon nang umingay sa kabilang linya. "He's calling, Avi." Nagtaka ako. "Sino po tita?" nakuha ng atensyon ko ang lalaking naka-mask habang nakapatong ang phone nito sa tenga. "Bumalik na siya." Sagot niya sa mahinang boses. Kumunot ang noo ko, sinong bumalik?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD