Simula

1154 Words
"Tita, sino pong tinutukoy niyo?" tanong ko ulit ngunit gumulo na naman ang linya niya tapos biglang nawala. Kunot-noong napatingin ako sa aking selpon. "May kausap sigurong iba." Nagkibit-balikat na lang ako at ibinalik sa bulsa ng aking maong pants ang phone. "Isa pa! Umusog pa kayo!" sigaw ng konduktor na ikina-init ng ulo ko. Ang sikip na nga tapos dadagdag pa sila ng isa, bwesit. Hindi ko napigilan ang sarili at pinaningkitan ng mata ang lalaki na naka-assign dito sa jeep. Ito iyong isa sa dahilan kaya ayaw ko minsan magjeep, punuan talaga at grabe iyong siksikan. Tipong ang sikip na, hindi na makahinga. Napasuklay ako ng buhok at humugot ng pera para bayaran ang kulang. "Kuya, lumarga na tayo, ako na ang magbabayad—" Hindi ko natuloy ang sasabihin nang may umakyat na lalaki. Siya 'yong tinitingnan ko kanina. "Excuse me, paharang-harang ka." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Narinig mo naman siguro ang sinabi ng konduktor 'di ba? Scoot over, miss." Napa-ayos ako ng upo at walang nagawa kundi ang umusog. Ang sungit ng lalaking 'to. Ang arte magsalita. "More please." Marahas ko siyang nilingon. "Anong more ka dyan? Nakikita mo naman siguro ang sitwasyon ngayon 'di ba?" pigil ang sarili kong sabi. Ayaw kong mag-eskandalo at baka masipa ko 'to palabas. "Kung gusto mo doon ka sa bubong nitong jeep." Lalo akong nainis nang marinig ko itong tumawa ng mahina. "Chill, miss... init mo." "Chill-chill-in mo mukha mo. Kita na ngang ang sikip." Bumubulong kong sabi. "I can hear you, miss." Saad pa niya. Ewan ko ba pero nakakairita ang boses niya. "Eh 'di maganda!" halos pasigaw kong turan. Napayuko ako mapatingin sa akin ang ilang pasahero. Nakakahiya. Baka huling sakay ko na talaga 'to sa jeep. Pakiramdam ko nanghihingalo na ako. Hindi ako makahinga sa sobrang kasikipan. Inangat ko ang mukha upang makasagap ng hangin kaso polusyon pa, nak ng tokwa naman. "Kung kumandong ka na lang kaya sa akin?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "It's fine with me though. Halatang hindi ka na makahinga. Mabait naman ako. I don't mind." "Gag0." Mahinang sambit ko. Sinong tangang babae na kakandong sa hindi kilalang lalaki habang nakasakay sa jeep? Baliw lang siguro. "Nakahithit ata." He chuckled once again. Iritang-irita na ako sa mahihina niyang tawa. "Bakit bumubulong ka pa kung ipinaparinig mo naman sa akin?" Itinuon ko ang pansin sa harap at hindi na siya pinansin. Baka makalimutan kong nasa public place kami at mabigwasan ko. "Hey, miss?" I still feign ignorance. Kumulit pa talaga siya. "Are you ignoring me?" Napapikit ako ng mariin at nakuyom ang kamao. Sasapakin ko na 'to kapag kumulit pa. "Turon! Bili na po kayo ng turon!" napamura ako at napadilat ng mata sa narinig. Bakit ba kahit saan ako magpunta may nagbebenta ng turon? Kaya ang hirap makalimot, eh! "Turon, huh?" I heard the guy say in a warm tone. "Gusto mo bang ibili kita ng turon, miss? Para hindi ka na mainis sa akin. Samahan ko pa ng royal para may panulak ka." Nagtagis ang bagang ko nang lingunin ko siya. "Ano bang problema mo? Ang kulit mo, alam mo ba 'yon?" kahit na nakasuot siya ng mask, hindi maipagkakaila ang ganda ng mga mata niya. Naniningkit ang mga 'yon at hindi ko alam kung bakit parang pamilyar. "Papansin ka rin 'no?" Napamura ako at napahawak sa balikat niya nang biglang umandar ang jeep. I heard him hissed. Pain etched on his eyes. "T-That hurts." "S-Sorry." I said apologetically. Tingin ko ay may sugat siya ro'n. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko. Napisil ko kasi kaya alam kong masakit. Kung kanina naiinis ako, ngayon nagu-guilty ako. Ibinalik ko ang tingin sa unahan habang iniisip kung i-a-approach ko ba siya mamaya o hindi? Hindi naman ata kami pareho ng bababaan. Palingon na sana ako sa kanya nang biglang pumreno ang driver. "Pasensiya na po, may dumaan na aso." Why do I feel like this happened before. Dahil sa nangyari, nahigit ako ng lalaki at napaupo sa kandungan niya. May iilang pasaherong nagpasalamat pa sa akin habang ako tulala. May naririnig din akong bumubungisngis na animo'y natutuwa sa sitwasyon ko. "May naalala tuloy ako sa dalawang 'yan." Panimula ng isang pasaherong babae. "That was an epic moment kasi 'yong babae natagusan niya 'yong lalaki. Naghabulan pa nga sila no'n." Nag-init ang pisngi ko sa narinig. Ako kasi 'yon. Hindi niya ata maalala ang mukha ko pero mabuti na rin 'yon dahil nakakahiya. "Talaga? Baka nga sila 'yon." Sabay sulyap sa akin no'ng kausap ng babae. Nag-iwas din ito nang tapunan ko ng tingin. Kung sabihin ko kaya sa kanila na ako iyong babae? Maniniwala kaya sila? "Hindi yata. Mukhang probinsiyana 'yong dati, eh." Sagot naman ng isa. Nawala ang atensyon ko sa kanila nang marinig kong humagikhik ang lalaking kinakandungan ko. Nanigas ako nang ipulupot nito ang kamay sa tyan ko. Hindi ko pinahalatang apektado ako lalo na no'ng tingalain niya ako. "Wala ka naman sigurong dalaw?" "A-Ano naman kung meron?" pag-susungit ko na siyang tinawanan niya ng mahina. "Gusto mo bang maulit 'yong una?" nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Anong pinagsasabi nito? "Iyong dati kung saan nagsimula lahat." "W-What the hell are you talking about?" he's creeping me out. Gusto kong tanggalin ang mask niya. His became serious like I said something offensive. Humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin. Nagsimulang kumabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. His eyes seemed to pierce right through me, their intensity making me feel uneasy. Sinubukan kong tanggalin ang kamay niyang nakapulupot sa akin pero hindi niya hinayaan. Humigpit pa 'yon na tila ayaw na niya akong bitawan. "B-Bitawan mo ako. Hindi ko alam ang sinasabi mo." I swallowed hard when he looked at me intently. "Did you really forget about me? Are you seeing someone else? I thought you were waiting for me?" sunod-sunod niyang tanong. "Manong, para po!" buong lakas kong sigaw. Wala na akong pakialam kung pagtinginan ako ng mga pasahero, ang importante ay makababa ako. Nagsimulang manginig at manlamig ng kamay ko. Ni hindi ko na magawang tingnan ang lalaki nang tanggalin nito ang mask. I was cursing in my mind when I confirmed everything. Ito ba iyong sinasabi ni tita na bumalik na siya? "Avisha..." Pagpreno ng jeep, wala siyang nagawa kundi ang bitawan ako. Pagkababa ko, bumagsak ang malakas na ulan. "Avisha, can we talk—" "No." I cut him off. I don't know if I will be able to talk to him. Ang sakit pa rin sa akin na iniwan niya ako ng gano'n lang. Nagsimulang maglaglagan ang luha ko sa aking mata. I could no longer hold back the grief and pain. The fact that he left me without a word brings a different kind of pain. It's a hurt that leaves me with so many questions and no answers, wondering why I wasn't even worth an explanation. "Why, again, Nazz?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD