I don't know what to do anymore. Ang bigat sa pakiramdam. Ang hirap huminga. Two long years. Two years since he left, leaving a gaping hole in my heart that no amount of time or distraction could fill.
Naghabulan kami sa gitna ng ulan at no'ng mahuli niya ako, agad kong binawi sa kanya ang kamay ko.
"Please, Avisha... hear me out." Pagmamakaawa niya. "H-Hindi ko ginusto ang pag-alis ko. It's for your own safety, baby."
Tinangka niyang hawakan ulit ang kamay ko pero tinabig ko ang kanya.
I tried to hold back my tears. Ayokong iparinig sa kanya na umiiyak ako. Hindi ako mahina. Kinaya ko ang dalawang taon. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa ako umiyak ng ganito na nandito siya?
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Iba pala talaga kapag nakita muna 'yong taong ang tagal mong hinintay. It brings different levels of pain, making you want to disappear so you won't be hurt anymore.
Ni hindi ko magawang magsalita. Pakiramdam ko ngangawa ako sa sobrang sikip ng dibdib ko na parang pinipiga. I've been holding the pain and longing for almost two years at ngayon lang bumigay.
I was so strong when he left me, broken into pieces, wondering why he did it again. Gano'n ba talaga ako kadaling iwan? Walang paalam? This is not the first time. Pangalawang beses na niya itong ginawa tapos babalik siya na parang walang nangyari? Hihingi ng sorry? Tapos ano? Babalik sa lahat? No!
"Please, darling..." he pleaded, but I didn't care anymore. Wala na akong maramdaman kundi ang sakit na iniwan niya sa akin. "A-Ako pa rin ba?"
Napapikit ako ng mariin. Wala sa sariling naikuyom ko ang kamao. "Hindi na, Nazzareth." Kinuha ko ang selpon sa aking bag at tinawagan si Haru. Nakatatlong ring 'yon bago may sumagot. "Haru..."
Gumulo ang kabilang linya. "Fvck, are you crying, Avi? Nasaan ka?" bakas sa boses niya ang pag-aalala at taranta. "Tell me, where are you? Pictorial mo ngayon 'di ba? Kanina pa ako—"
"Please come and get me. I'm stranded in the middle of the road..." nanghihinang wika ko.
"Alright, hintayin mo ako. Papunta na ako. Huwag kang aalis dyan, okay? Don't hang up." He said in urgency.
"S-Si Haru na ba?" nakagat ko ang pang-ibabang labi sa tanong niya. "Wala na ba talaga, Avisha?" pabagsak kong naibaba ang aking phone.
Huminga ako ng malalim. "Oo, Nazz. Si Haru ang mahal ko, wala ng iba." Buong tapang na sagot ko. "Iniwan mo'ko 'di ba? I already moved on. Wala ka nang babalikan, Nazz. Ang hirap at sakit mong mahalin. Naghintay ako, Nazzareth. Tinanggap ko 'yong part na hindi ka nagpaalam pero iyong ni text o tawag man lang ay wala? You ghosted me—" napasinghap ako nang yakapin niya ako mula sa likuran.
Narinig ko ang mahihina niyang hikbi. Sinubukan kong kalasin ang kamay niya pero mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak ng malakas. Wala na akong lakas para kalasin pa ang yakap nito kaya hinayaan ko na lang.
"I'm very sorry, darling." Hindi ako umimik. I gave in to tears. Nanghihina ako at nanlalabo ang mga mata. Ang tanging naririnig sa paligid ay ang malakas na pagbuhos ng ulan. "I'm sorry for leaving you without a word, again."
"Napagod ako, Nazz..." ipinikit ko ang mga mata. "Kakahintay." That was the last word I said before I passed out.
—
Haru's POV
Hindi ko magawang lumabas ng kotse habang pinapanood sina Nazzareth at Avisha na nag-uusap sa gitna ng ulan.
After two years of waiting, I really hope Avisha gets an explanation she deserves. Hindi biro ang maghintay ng gano'n katagal and I know it takes time to win her heart again o baka hindi na.
Napasandal ako sa backrest ng kinauupuan ko. "It takes time..." bulong ko sa aking sarili bago pumikit. Sumagi sa isip ko ang mukha ni Mari na nakangiti pero ang lungkot ng mga mata. It was the worst break up and she accepted it wholeheartedly. "To win her heart again." Napasuklay ako ng buhok.
Tama ba ang desisyon na hiwalayan ko siya? Fvck! Ang bigat!
Ang pinagkaiba namin ni Nazz, nakipaghiwalay ako sa babae'ng mahal ko nang hindi man lang niya alam ang totoong rason kung bakit. It's for the better, mabuti na 'yong hindi niya alam. Ayokong masaktan pa siya lalo dahil sa'kin.
Napamulat ako nang biglang may bumusena. It was Paul kaya ibinaba ko ang bintana ng kotse.
Nakita kong papunta sa direksyon namin si Nazz na buhat-buhat ngayon si Avisha na walang malay.
Naaawa ako sa best friend ko, sa sinapit niya sa dalawang taon na wala si Nazz.
"Done with the mission?" Paul asked, creeping a smirk on his face. Matamlay ko siyang tinanguan. Ilang araw na akong walang maayos na tulog kaka-overthink. "Pare-pareho tayong maghahabol nito. Nauna na si Nazz." Naiiling nitong wika. "Ikaw, kailan?"
"Imposible." Sambit ko at nahilot ang sentido. "Hindi puwede."
"Oh! Come on, Haru! Huwag kang magpapadala sa salita lang, imbestigahan mo!" udyok niya sa'kin. "Natatakot ka ba sa puwede mong malaman?"
Dahan-dahan akong tumango. "That's why I broke up with her."
"Tang1na, Haru! Ang tagal naging kayo tapos hiniwalayan mo nang hindi man lang inaalam ang totoo? Sinong bang nagsabi sa'yo?"
"Stepfather niya." Sagot ko. "Tulungan mo kaya ako?"
Ayan na naman ang ngisi niyang hindi nakakatuwa. "Sure! Nasa'yo naman bank account ko 'di ba? Wala ng libre ngayon."
"Gagô!" nailing na lang ako. Wala sa bukabularyo niya ang libre maliban na lang kay Nazz.
Natahimik kami nang bumukas ang pintuan ng kotse ko sa backseat. Nilapag niya ro'n si Avisha at inayos ang pagkakasandal doon. Iba ang awra niya kumpara kanina no'ng magmeeting kami pero nababakas sa mukha niya ang lungkot.
Hindi ko tuloy maiwasang maintriga, ano kaya ang pinag-usapan nila? Parehong namamaga ang mga mata, eh.
"Saan tayo?" basag ko sa nakakabinging katahimikan. "Condo o bahay ni Ate Nadia?"
Pumasok siya sa loob at isinandal ang ulo ni Avi sa dibdib nito. "Bahay ni Ate Nadia." Malamig niyang sagot.
Hindi ko pinansin si Paul na kanina pa ako senisenyasan na tumingin sa kanya.
"Bwesit ka, Haru!" natawa ako nang mauna siyang magpatakbo ng kotse.
Tang1na, iyong tingin ni Nazz sa'kin parang gusto na akong ilibing ng buhay. Ano bang ginawa ko? Pakiramdam ko tuloy may sinabi sa kanya si Avisha. Nadiin pa nga.
"What's wrong, Nazz?" kabadong tanong ko. Kahit hindi ko siya makita, ramdam ko naman na tumatagos hanggang buto ko kung paano niya ako titigan. "May sinabi ba siya?"
Wala akong nakuhang sagot. Huminga ako ng malalim at nagsimulang magmaneho. Minsan talaga para kang kumakausap ng estatwa kapag si Nazz. Nasanay na lang kaming magkakaibigan. He used to be cheerful not until napilitan siyang iwan si Avisha.
Gusto ko sanang magtanong ulit kaso baka tumilapon ako palabas ng sasakyan. Nakakatakot magalit si Nazz, hindi mo gugustuhin kalabanin. Kahit pa ata si kamatayan, hindi uurungan. Ilang beses ko na siyang nakitang nakipaglaban at masasabi kong wala sa bukabularyo niya ang sakit ng katawan at takot. No mercy. Pat4y kung pat4y.
Hindi na lang ako umimik buong biyahe. Inabutan ko siya ng tuwalya na agad naman niyang kinuha.
"Do you still like Avisha, Haru?" nanuyo ang lalamunan sa tanong niya. Bumagal din ang pagpapatakbo ko ng kotse. Sabi na nga bang may sinabi si Avi. "Ayusin mo sagot mo."
Paanong maayos na sasagot kung may pagbabanta sa boses niya? Ayos din! Dapat kay Paul na lang sila sumakay, eh! Tuloy parang nasa bingit ng kamatayan ang buhay ko.
Umupo ako ng maayos. Humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela, nangangapa ng isasagot. Tumingin ako sa maliit na salamin only to see na sa labas siya nakatingin. Kahit may aircon sa loob ng kotse, pinagpapawisan ako ng malamig. Umuulan pa 'yan ha.
"Hindi ako, iyong co-maj niya. Nililigawan pa ata." Walang kasiguraduhang sagot ko. "Aware ka naman siguro na nahuli siya ng two years 'di ba? At alam mong abala ako sa trabaho."
"Who?" sa totoo lang, nap-pressure na ako rito. "I need a name."
Napakamot na lang ako sa aking buhok. Sabagay, abala rin siya. Ang alam ko may hinire siyang tao para bantayan si Avisha.
"Pinatigil ko, nalaman ni Avi." Dagdag pa niya na ikinabilog ng bibig ko. Kaya naman pala.
"Hindi ako sigurado sa pangalan pero Scott ang narinig ko," sabi ko at binilisan ang pagpapatakbo ng kotse nang mahagip ng mata ko na nanginginig sa lamig si Avi. Hininaan ko rin ang aircon. "Scott O'brien."
I heard him cursed. Sh1t! May mali ba sa taong 'yon?
Ilang araw na akong walang update kay Avisha pero nasabi niya sa akin ang tungkol sa lalaking 'yon. I was preoccupied that time kaya hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin.
Since I am her best friend, ako agad ang nakakaalam kung anong nangyayari sa buhay niya pero simula no'ng mapansin niyang nagiging abala na ako sa trabaho, hindi na siya gano'n nagshe-share sa akin. Maybe she was thinking na baka nakaka-istorbo na siya which is not. Nitong nagdaang linggo lang ako naging busy dahil nagkaproblema sa transportation ng product.
I'm willing to stop everything just to listen to her. Ayokong maramdaman niyang nag-iisa siya sa pinagdadaanan niyang hirap to the point na mas inuuna ko siya kesa kay Mari. I know it sounds like a red flag, but I couldn't bear to see her in that situation. It was so hard for her, really hard.
Wala si Nazz no'ng mga oras na malapit na siyang sumuko sa mabuhay na siyang dahilan para tumigil muna siya sa pag-aaral.
Napamura ako ng mahina nang suntukin ni Nazzareth ang salamin ng sasakyan. Buti na lang hindi tumalsik kay Avi ang bubog.
"O'brien is allied with her father."
That means... he's using her.