Avi's POV
Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos kong magpictorial. Finally, g-graduate na rin after two years. Ang tagal kong hinintay 'to. Hindi ko man nasungkit ang Summa c*m Laude, at least Magna c*m Laude naman.
Masaya at kontento na ako sa kung anumang meron ako ngayon. Ang mahalaga ay alam kong proud na proud sa'kin ang pamilya ko na kahit anong hirap na pinagdaanan ko sa dalawang taong nakalipas ay nagawa ko pa ring makapagtapos ng kolehiyo.
I can't wait to see them walking up to the stage to receive my medal as one of the honor students, along with my diploma. It feels surreal, after all the sacrifices, to see it finally pay off. G-gradudate na talaga ako with flying colors.
"Congrats, Miss Avisha!" bati sa akin ng iilang estudyanteng dumadaan sa pictorial room na gaya ko ay nakapagstop din dahil sa problema.
"Congrats, Miss Ganda." Napatingin ako sa mga kalalakihang dumaan. "Aalis na talaga ang campus crush natin." I know him, Neil ang pangalan niya. He's known for being pilyo. Third year student.
"Knock it off, Neil. Baka marinig ka ni Scott, naku." Nagtawanan ang mga kasama niya.
"Umamin ka na kasi, Neil. Paalis na, oh. Chance mo na 'yan." Pang-aasar pa sa kanya ng isa.
"Alam naman niya, wala lang chance. Saka wala ata sa bokabularyo ni Miss Ganda ang magka-jowa." Depensa ni Neil saka pa ito kumindat sa akin na inilingan at tinwanan ko. "See, tinatawanan lang ako palagi. Beside, may Scott na. Anong laban ko ro'n?"
"Academic achiever, sikat na basketball player, mayaman at... nasa kanya na ata lahat." Sabat pa ng isa.
"Talo!" at nagkantayawan pa nga sila. "Una na kami, Miss Ganda. Congrats ulit!" si Neil ulit.
"Thank you, advance congrats din!" kinawayan ko sila hanggang sa lumiko sila sa ibang direksyon.
Napakamot na lang ako ng aking buhok at natigilan nang mahagip ng mata ko kung sino 'yong nakasandal sa balustrade. Kahit saan na lang nandoon siya. Sabagay, kanya naman 'tong school. Baka may hinihintay lang sa loob.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa sling ng aking bag bago tuluyang lumabas ng pictorial room.
It's been days since he came back. I got sick after the confrontation. Hindi na rin kami nag-usap pagkatapos no'n. I was avoiding him kapag nasa bahay sila ni Tita Nadia. Wala rin naman akong makitang interes na gusto niya akong kausapin. Like who cares? Matagal na kaming tapos.
Nilagpasan ko siya at nagmadaling maglakad. Nang maramdaman kong sumunod siya sa akin ay tumigil ako.
"What do you want?" I asked coldly.
"Tita Nadia asked me to get you because she said you weren't feeling well." Kaswal na sagot nito. I don't really like the tone of his voice na parang okay sa kanya ang lahat, na wala siyang iniwan.
"Hindi na kailangan. Marunong akong magcommute. Maayos na ang pakiramdam ko. Makakakarating ba ako rito kung hindi?" pabalang na sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad. Narinig ko ang buntong-hininga nito. "Stop following me. Hindi ka naman aso 'di ba?"
"Avisha..." I heard him say but I just feign ignorance.
"May susundo sa akin." Dagdag ko pa. Naramdaman kong tumigil siya.
"Scott O'brien?" sandali akong natigilan. Paano niya nalaman? "Manliligaw mo?"
Hindi agad ako nakasagot. I was contemplating kung magsasalita ba ako o magpapatuloy na lang. Of course, alam niya. Kanya 'tong school, eh! O baka naman sinabi sa kanya ni Haru?
"Wala ka na doon." I continued walking.
"Fine. I'll stop." Bumagal ang lakad ko sa sinabi niya.
"Mabuti naman." Hindi ko alam kung bakit biglang nanikip ang didbib ko. Pakiramdam ko ang bigat ng bawat hakbang ko, fcvk! Hindi na dapat siya bumalik.
"Buburahin kita sa buhay ko. Iyon naman ang gusto mo 'di ba?" hindi ko na kayang indain iyong sakit sa lalim ng bawat salitang binibitawan niya na parang itinitarak sa dibdib ko. "Masaya ka naman ata."
"Masayang-masaya, Nazz." Hinarap ko siya at pilit na ngumiti. "Minsan naiisip ko, bakit bumalik ka pa kung alam mong wala ka nang babalikan 'di ba?" mapait akong tumawa ng mahina. "Kaya ko pa sana, eh, kaya ko naman talaga pero iyong walang paramdaman? Na parang wala kang iniwan? And now, you acted like nothing happened? Na parang wala lang sa'yo lahat? Ang galing mo rin 'no? Hindi ko 'yon kaya, Nazzareth. Hindi mo alam kung anong hirap ang pinagdaanan ko. Ang hirap na kailangan kong isakripisyo ang pag-aaral ko. Ginapang ko lahat hanggang sa napagod ako. Napagod ako kakahintay sa'yo. Palagi na lang ba, Nazz?"
"I'm sorry," napayuko siya. Nakita ko kung paano pumatak ang luha niya sa sahig. "Hindi ko alam..."
Mabilis kong pinalis ang luhang tumulo sa aking pisngi. "Hindi mo alam o hindi mo inalaman?" Hindi siya umimik. "Naging kampante ka kasi alam mong mahal na mahal kita at alam mong kaya kitang patawarin ng paulit-ulit. But this time, Nazz, hindi na. Hindi ko kaya. Tapos na lahat sa atin." I declared. "Ang hirap at sakit mong mahalin."
Tinalikuran ko siya. Patakbo na sana ako palabas ng building nang matigilan ako.
"Scott..." nag-iwas ako ng tingin nang magtama ang mata namin. Alam kong narinig niya lahat. He's my suitor, and he's aware that I'm not ready for a relationship, again. "I'm sorry." Hindi ko na siya hinintay magsalita pa at tumakbo palabas ng building.
"Congrats—" Haru's eyes followed me in surprise as I got into his car. "Anong nangyari sa'yo?"
"Drive." Wala siyang nagawa kundi sumunod. Pumasok siya sa loob ng kotse at mabilis na nagmaneho paalis. "Sinabi mo ba sa kanya?"
He glance at me through the rearview mirror of his car. "Alin? Tungkol ba kay Scott? Ah, oo— aray naman Avi!" binato ko lang naman ng pen, sapol sa ulo na kinakamot niya ngayon.
"Kailan ka pa naging marites?" taas kilay kong sagot.
"Mahal ko pa kasi ang buhay ko kaya nasabi ko. Sorry naman, ha? Maganda sana kung gising ka no'n. Pati bintana ng kotse ko binasag." Napanganga ako sa sinabi niya. "Umiyak ka 'no?"
"Napuwing lang." Dahilan ko pero tinawanan lang ako ng asongot. "Napuwing nga ako!"
"Oo na! Napuwing sa sakit—aray ko naman!" binatukan ko nga, nang-aasar pa kasi.
Napatingin ako sa aking phone nang maramdaman kong magvibrate 'yon. Sinagot ko agad nang makita kong si Tita Nadia. "Hello po?"
"Kasama mo ba si Nazz ngayon?" natahimik ako. "Okay, hindi. Bilisan mo na lang at mag-a-attend tayo ng masquerade ball ngayon."
"Kailangan po ba ng partner?" pagk-klaro ko at baka kung sinu-sino naman ang ipartner sa'kin.
"Hindi naman required. Bilisan mo na lang. Nandito na ang magme-make-up sa atin." Hindi pa ako nakakasagot ay pinatay na niya ang tawag.
"Masquerade ball ba?" lumipat ang tingin ko kay Haru saka ko ito tinanguan. "Invited din kami."
"Gano'n ba? Ikaw na lang partner ko kung may sayawan mang magaganap." Untag ko na ikinatikhim niya.
"Mahal ko pa ang buhay ko, Avi." Napapalunok niyang saad.
Umismid ako. "Alam ko. Subukan lang niya."
"Iyan ang gusto ko, may assurance." Nakangising wika niya.
"Baliw."
—
"Bawal tanggalin ang mask." Paalala pa ni tita sa akin na tinanguan ko. Kanina pa ako kinakabahan knowing na marami kaming makakasalamuhang tao na hindi kilala.
Since masquerade ball, kailangan magsuot ng mask. To remain mysterious, bawal itong tanggalin.
It's my first time attending a party like this. Medyo makaluma pero magarbo. Iyong atake is pang duke and duchess. Para kang nasa royal party na kailangan mag-ingat sa galaw.
Pagkapasok namin sa loob, ibinigay ni tita ang pulang sobre sa nakabantay na lalaki at gaya namin, naka-mask din ito.
Nilukob lalo ako ng kaba nang tumambad sa amin ang maraming tao. The grand ballroom is bathed in the soft glow of chandeliers, their light reflecting off the shimmering silks and satins of the masked guests.
I don't think I can fit in here. May makikita kang naghahalikan sa tabi, nagsasayawan sa malaswang paraan although iyong iba ay nasa katinuan pa at kaswal na nag-uusap-usap.
Bukod sa ganda ng ball room, gusto ko ang pinapatugtog nilang waltz. Nakakadala. Hindi masakit sa tenga.
"Maiwan muna kita rito ha? Kakausapin ko lang ang mga kaibigan ko. Kung gusto mong uminom ng alak, go." Tango lang ang isinagot ko rito. Simula no'ng makatikim ako ng alak, hindi na ako umulit. Juice puwede pa.
Pinanood ko na lang ang mga taong masayang nagsasayawan. Natawa ako nang may matanggalan ng mask, cute. Tuloy naiwan niya ang partner.
"Juice?" napatingin ako sa nag-alok. Pinasadahan ko pa ito ng tingin at mahinang hinampas sa braso. "Avisha naman, natapon tuloy."
"Baka may lason 'yan, ah." Natawa ako ng irapan niya ako. Tinanggap ko ang inalok niya at sumimsim doon. It was Haru who approached me. I looked behind him and noticed they were all here. Nazz's squad. "Alam nila? Na ako si Avi?"
Dahan-dahan siyang tumango bago inilapit ang mukha sa akin. "Oo, alam nilang ikaw si Avi." He mimicked the sound of my voice, bwesit.
"Bwesit ka, Haru—"
"Hi, nandito na ba ang lahat?" nabaling ang tingin ko sa babae'ng dumating kasunod ang lalaking nasa likod niya, si Nazzareth. Hindi ko maiwasang mapatingin sa magkahawak nilang kamay. Biglang nanikip ang dibdib ko. "You are?"
"Avisha." Maiksing sagot ko at nag-iwas ng tingin. Hindi na ako komportable. Nakakasakal. Hindi ako makahinga ng maayos.
"Do you guys know her?" she asked them na tinanguan nilang lahat maliban kay Nazz. "Ikaw, sweetie? Kilala mo siya?" baling nito sa kasama.
Sweetie? What a nice endearment. Ang lakas mo talaga, Nazz. Hindi mo'ko binigo.
"Sweetie? You okay? Kilala mo rin siya?" pangungulit ng babae.
Lahat ng atensyon ay napunta kay Nazz, hinihintay ang sagot nito. Bumilis lalo ang pagkabog ng dibdib ko nang tumingin siya sa'kin. Gusto kong umalis. Ayokong marinig ang sagot niya.
"Hindi ko siya kilala." Sa isang malalim at malamig na pagtanggi, nawasak ako.