"Avi..." napatingin ako kay Blaire na punong-puno ng kuryosidad ang mga mata. "Buntis ka ba?" Pare-parehas kaming natigilan sa tanong ni Blaire. Ni hindi ko magawang kumurap sa sobrang pagkagulat. Buntis ako? I never thought of that dahil sa mga nagdaang araw, walang namang sinyales na buntis ako. Ngayon ko lang ‘to naramdaman. Wala rin naman akong nakain na panis o ‘di kaya napasobra ng kain. Nasusuka lang ako—shiit! “Pahiram ng phone, may iche-check lang ako—” hindi ko natapos ang sasabihin nang tuluyan na akong masuka, walang tigil na parang hinahalukay ang kalamnan ko. Hinagod ni Thisa ang likod ko at pinakapit sa kamay niya. Naghihina ako pagkatapos dahil pakiramdam ko naisuka ko lahat ng kinain ko. Pinahid ko ang luhang namumuo sa mata ko habang hinahabol ang paghinga na para ba

