Masyadong mabilis ang oras at hindi namin namalayan na mag-iisang linggo na kami dito. “What's your plan?” tanong ko kay Nazz na tahimik na nakatingin sa labas ng bintana. Sinulyapan ko ang anak namin na mahimbing na natutulog sa kama. “Ano bang sinabi sa'yo ng daddy mo?” Umakbay siya sa akin at malakas na napa-buntong hininga. “Kailangan kong bumalik sa syudad,” tumingin siya sa akin. “May problema ang kumpanya kaya kailangan kong ayusin,” nasapo niya ang noo. May gusto pa siyang sabihin pero hindi niya masabi. Bakas sa mukha niya ang hirap. “And—shiit! Puwede bang magsama na lang tayo? Bullshît!” napasuklay siya ng buhok. “Ano ba ‘yon?” takang tanong ko. “Anong ibig mong sabihin? Maghihiwalay ba tayo?” Naramdaman kong nanigas ang katawan niya. “Maghiwalay? No!” his voice thunder. “W

