Avisha’s POV “Thank you,” basag ko sa katahimikan habang nasa byahe kami patungong facility. “Iyong sugat mo pala, okay na ba?” tumingin ako sa kanya. Hindi ko na matadaan kung saan ba banda siya nasugatan. “Ah, ‘yon ba? Okay na. Pahilom na actually,” masiglang sagot niyan na ikinangiti ko. “Ikaw?" “Ha? Wala naman akong maalala na may sugat ako,” takang sabi ko. “Meron ba?” last time I check maliliit lang na sugat, hindi naman gano'n kalaliman. “Oh, wala ba? Hindi ko na maalala no'ng mawalan ako ng malay, sorry,” hilaw siyang tumawa at binilisan ang pagpapatakbo ng kotse. “So, you're back because you need to train yourself again?" Mahina akong tumango at muling timingin sa harap. “Oo,” tipid kong sagot. Ayokong banggitin sa kanya ang tungkol sa rank. Hindi ko pa siya gano'n kakilala.

