“Thank you,” pasasalamat ko kay Theo nang ihatid niya ako kahit hindi naman na kailangan. But since he insisted on it, pumayag na lang din ako. Feeling ko kasi namamaalam siya tapos walang balak ipaalam sa amin. No'ng tinanong namin kanina, hindi sumagot. Basta na lang lumabas so hinayaan na lang din namin ni Natalie. “Are you sure you're okay?” tanong ko pagka-angat ng tingin ko sa kanya. “You look exhausted, Theo.” Sinubukan kong hawiin ang cap niya ngunit mabilis itong umiwas. “Sorry.” “I'm not Theo,” nanlaki ang mata ko at natigilan sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? “Kinailangan niyang bumalik ng syudad dahil sa trabaho.” Paliwanag niya. Kumabog ang dibdib ko sa ‘di malamang dahilan. Bahagya akong napa-atras nang tumingin siya sa akin. “Are you scared now that I'm not Theo?”

