“Nasasaktan ka na nga tapos nagagawa mo pang bumanat,” sermon ko sa kanya. “Ano na lang ang sasabihin ng anak natin kapag nakita ka niyang nasa ganitong kondisyon?” Tumawa siya ng mahina. “Paganda ka ng paganda kapag nagagalit.” “Bwesit ka, Nazzareth!” pasalamat siya hindi ko siya mahampas ngayon. “Kapag hindi ka pa tumigil, ako na ang lalatigo sa'yo.” Bumungisngis siya. “Bangis naman ng darling ko na ‘yan. Patikim nga ng latigo mo," yumuko siya sandali bago muling nag-angat ng tingin sa akin. “Kaya mo? May sapat pa naman akong lakas para indain ‘yong sakit basta sabihin mong hindi ka single.” Napamaang ang bibig ko at natutula ng ilang segundo. “Nahihibang ka talaga ‘no—” namilog ang mata ko nang dampian niya ako ng halik. “Ayan tuloy dumulas ang labi ko,” humalakhak siya na parang w

