"Kalabit?" nahihiwagaang tanong niya. "Medyo pamilyar ako sa term na 'yan, hm. Saan ko nga ba narinig?" nakangisi niyang wika. Sus, maang-maangan pa 'to eh. Umismid ako. "Sus, Nazzareth. Patáy malisya lang? Hindi mo maalala dati? Palibhasa kasi damulag ka, makakalimutin." "Oy, hindi kaya. Pero totoo?" natatawang saad niya. "Kalabit pala 'yon. Iyong tipong patulog na sana, nangangalabit pa, yiee! Ang ending, puyat kasi inuumaga!" talagang tuwang-tuwa pa siya niya ha! Marahan kong tinampal ang mukha niya. "Happy ka? Alis na at maliligo ako! Bahala ka kung ayaw mong maligo, wag kang tatabi sa akin." Pagtataboy ko sa kanya dahilan para sumimangot na naman ang damulag. "Ayaw muna akong katabi? Mabango naman ako kahit hindi maligo ah?" ayan, dyan siya magaling, magpababy at magbaby talk. "Ka

