Naging napaka-memorable ng selebrasyon ng kaarawan ni Rosemarie. Parte ng plano ni RJay na masolo ang nobya ng isang buong araw. Kinabukasan ay tutungo sila sa Saavedra ancestral house. Maaga silang bumiyahe para maaga rin sila makarating doon. Papasok na sila ng gate ng matanaw ng dalaga ang kanyang ina at mga kapatid na naghihintay sa kanilang pagdating. Kasunod ng mga ito ang kanyang kaibigang si Anna at Bernard. Doon ay nagpahanda ng isang handaan ang binata upang makapagsalo-salo lahat ng malalapit sa kanilang dalawa. Sabay sabay silang kumaen pati na rin sina Manang Remy, Mang Lito,Lora at Minnie.Lahat ay masayang masaya na nagtipon-tipon upang lalo pa na mapaglawig ang kanilang samahan bilang isang pamilya. Saksi ang mga ito kung paano ipinapakita nila Rosemarie at RJay ang tunay

