Kay sarap damhin ng mga labi ng nobyo. Napakalambot. Napakatamis. May kung ano siyang naramdaman sa tiyan. Butterflies. Napahawak siya ng mahigpit sa batok ng binata at patuloy na gumaganti sa mainit na halik na ipinagkakaloob nito sa kanya.Hanggang sa unti-unti ng lumalalim ang halik na pinagsasaluhan nila. Nais niyang pagmasadan ang mukha nito ng matagal.Dahan-dahan niyang iminulat ang nakapikit na mga mata. “Babe…” sambit niya. “Hhmmm…” Nakatitig ito sa kanya. Hinawakan niya ang mukha nito at marahang hinaplos.Agad naman nitong hinawakan ang kamay niya at dinala sa labi. “I love you.”sabi pa nito. “I love you too…” Dahan dahang bumaba ang mukha nito sa kanya at buong puso niyang tinanggap ang pagsuyo nito. “I wish it is real,”dagdag pa niya. “It is…” Ngumiti ito. Napakunot siya d

