KAAGAD na tumingin sa likod ng magiging bench ng Energy Lightnings si Troy pagpasok niya sa loob ng MOA Arena kung saan gaganapin ang unang laro ng team niya sa Philippine Cup. Hinanap niya ng tingin ang kanyang mag-ina. Kaagad siyang napangiti nang makitang magkatabing nakaupo ang mga ito sa patron seats kahilera ng mga pamilya ng teammates niya. Nakita rin siya nina Faith at Earl at kumaway sa kanya. Kaagad siyang lumapit sa mga ito.
“Kanina pa kayo?” tanong niya pagkatapos magkasunod na hinalikan sa pisngi ang kanyang mag-ina.
“Kadarating lang namin,” sagot ni Faith.
“I’m excited to see you play, Daddy,” sabi naman ni Earl.
“Talaga? Hayaan mo, gagalingan ko para sa inyo,” sabi niya at bahagyang ginulo ang buhok ng anak. He was full of energy tonight as well as his team. Umaasa silang makakabawi sa conference na iyon dahil pagkatapos mag-grandslam ang team nila three years ago ay hindi na sila nakarating kahit sa semifinals man lang at kaagad na nai-elimate sila. Now that the team had a new coach and new key players, tiwala silang makakabawi na sila. Nasabihan na siya ni Coach Jay na kasama siya sa starting five which was a good start for him. Sasamantalahin niya ang pagtitiwala nito para makabawi.
Ilang sandali pa ay kinailangan na niyang mag-warm up.
“Good luck and take care,” sabi ni Faith.
Napatingin siya sa mapupulang labi nito at hindi niya napigilan ang sarili na muli itong halikan. “That’s the good luck,” nakangising sabi niya at umalis na.
The game ended great as they hoped for. Nanalo ang Energy Lightnings laban sa Spikers. Hindi man naging highest pointer, si Troy pa rin ang itinanghal na best player of the game dahil sa assists at rebounds na ginawa niya para manalo ang Energy Lightnings. Pagkatapos siyang interview-hin ng courtside reporter na si Erika ay kaagad na siyang tumakbo sa kinaroroonan ng kanyang mag-ina.
“You were great, Daddy. I’m so proud of you,” masayang-masayang salubong ni Earl sa kanya.
Niyakap niya ang anak at hinalikan. Pagkatapos ay binalingan niya si Faith.
“Congrats!” sabi nito.
“Thank you sa good luck mo.” Then he kissed her on the lips kahit na maraming nakatingin na papalabas pa lang ng arena.
Hindi naman nagalit si Faith at nakangiting tinuyo pa ng hawak na towel ang pawis sa kanyang mukha. Nakangiting hinayaan niya ito sa ginagawa. For now, he couldn’t ask for more.
“WOW! This place is a paradise!” buong paghangang sabi ni Earl nang makarating sila sa Club E Resort.
Napangiti si Faith sa sinabi ng kanyang anak. Naalala niyang ganoon din ang nasabi niya nang una siyang makarating sa Club E. Napansin agad niya ang malaking ipinagbago ng lugar. May mga nadagdag na nipa hut cottages sa paligid ng resort at naging twin tower na ang dating isang gusaling hotel na nakatayo roon. Gayunman, nanatiling maputi pa rin ang buhangin at malinis ang tubig. Parang lalo pang dumami ang mga nakatanim na puno at halaman.
Ikatlong araw na nila iyon sa Palawan. Ginugol nila ang nakalipas na dalawang araw sa paglilibot sa Puerto Princesa. Parang nagre-reminisce down memory lane ni Troy nang isa-isa nilang pinuntahan ang mga lugar na pinasyalan nila noon. Masayang-masaya si Faith dahil hindi niya akalain na makakabalik siya roon kasama ang taong nakasama dati at kasama pa ang kanilang anak. At gaya niya noong unang makatikim ng adobo at kalderatang kambing, sarap na sarap din si Earl nang matikman ang mga putaheng iyon. Sa pagkakataong iyon ay nakapasok na rin sila sa Underground River na ngayon ay kasama na New Seven Wonders of Nature. Pareho man sila ni Earl na bahagyang natakot sa mga paniki, na-enjoy pa rin nila at humanga sila sa kagandahan ng lugar.
“Your mom and I met here.”
Napatingin si Faith kay Troy sa sinabi nito.
“Really?” bahagyang nagulat na sabi ni Earl.
“Yes. ‘Di ba, Faith?” baling ni Troy sa kanya.
“Yes,” nakangiting pagsang-ayon niya.
Napasunod na lang si Faith sa mag-ama nang maglakad ang mga ito papunta sa tutuluyan nilang cottage na malapit sa dalampasigan. Isang two-bedroom cottage ang inokupa nila. Magkasama sa isang kuwarto sina Troy at Earl at sa isa pa si Faith. Pagkatapos nilang kumain ng early lunch at sandaling magpahinga ay nag-swimming na sila sa malinis na tubig. Nilibot din nila ang buong resort. Hapon na nang bumalik sila sa cottage.
“May gusto ka bang food for dinner other than seafoods, Faith?” tanong ni Troy bago siya pumasok sa kanyang kuwarto.
“Hmm… wala. Basta may crabs, squids at shrimps, happy na ako.”
“All right.” Pumasok na sila sa kanya-kanyang silid.
Eksaktong alas-siyete ng gabi nang kumatok si Troy sa kuwarto ni Faith para yayain siyang maghapunan.
“It is just you and me for dinner tonight. Ang sarap ng tulog ni Earl kaya hindi ko na ginising,” sabi ni Troy.
“It’s okay. Marami naman siyang kinain kanina.”
Sa verandah pinahanda ni Troy ang dinner nila. Nagulat si Faith nang makita ang pagkakaayos ng table. Para silang nasa isang dinner date sa isang mamahaling restaurant. And the ambience was really romantic. Puro paborito rin ni Faith ang mga pagkaing nakahain.
The dinner was great and with a bottle white wine, it became perfect. Over dinner, napag-usapan nila ni Troy ang mga nangyari sa buhay nila sa mga nakalipas na taon na hindi pa nila naikukuwento sa isa’t – isa.
“I want my son to use my name, Faith,” walang pasakalyeng sabi ni Troy pagkatapos sumimsim ng wine.
“What?”
“I’m his father. May karapatan siyang gamitin ang family name ko.”
“No, Troy. Hindi ako papayag. Since birth Ignacio na ang family name niya. ‘Tapos, biglang magiging Escobar. Malilito siya.”
Hinawakan ni Troy ang kanyang kamay. “Then marry me, Faith. It’s been years but my intention towards you is still the same.”
Hindi nakasagot si Faith.
Tumayo si Troy. Lumigid ito sa tabi niya nang hindi binibitiwan ang kanyang kamay. Napatayo rin tuloy siya. Mula sa suot na pantalon ay inilabas nito ang isang maliit na kahon.
Bahagyang napaawang ang bibig ni Faith nang makita ang kumikinang na singsing nang buksan ni Troy ang kahon.
“I said this time I’m going to take it slow. But I can’t help my self to do this,” parang maiiyak na sabi nito. “I love you, Faith. And I want us to become a family, tayong tatlo nina Earl at ng mga magiging anak pa natin. Please… I’m begging you to accept me in your life, sa buhay ninyong mag-ina. Bigyan mo ako ng karapatang alagaan kayo legally. Please marry me, Faith. Please sa yes.”
Tumutulo ang mga luhang sunod-sunod na tumango si Faith. “Of course, Troy. There’s no way I would say ‘no’ to you again. You’re the man I’ve never forgotten. After all these years, ikaw pa rin ang nasa puso ko. And I want us to become a family also, tayong tatlo ni Earl at ng mga magiging anak pa natin. I love you.”
Ngumiti nang maluwang si Troy. He put the ring on her finger then they embraced each other and kissed deeply.
PEACH SEVILLA
***WAKAS***