NAPALINGON si Faith nang maramdaman ang pagyakap ni Troy mula sa likuran. Nakatayo siya sa verandah ng tinutuluyan nilang farmhouse at engrossed na engrossed sa pagmamasid sa mga naggagandahang bulaklak sa paligid kaya hindi niya namalayan na nasa likuran na pala niya ang kanyang boyfriend.
Umaga pa lang ay magkasama na sila. Nagkasundo silang gugulin ang buong araw sa pamamasyal. Pagkatapos mag-breakfast sa isang restaurant ay dinala siya ni Troy sa isang flower farm sa Silang, Cavite na pag-aari daw ng kaibigan ng mommy nito at ng best friend nitong si Frances.
Madalas mabanggit ni Troy sa kanya si Frances na kasalukuyan ding namamahala sa flower farm at Perfect Petals, isang kilalang flower shop sa bansa. Hindi niya maiwasang makaramdam ng selos at insecurity sa babae. Ang ganda-ganda kasi ng best friend ng boyfriend niya. Kapatid si Frances ng beauty queen na si Francine Yuzon.
Noong una ay nagduda pa si Faith na kaibigan lang ang turing ni Troy kay Frances. Halata kasi sa boses ng binata ang fondness kay Frances. Sangkatutak din ang mga litrato at videos ng dalawa sa cell phone at sa social media accounts ng kanyang boyfriend. Pero in-assure siya ni Troy na kaibigan lang talaga nito si Frances at may boyfriend na ang babae matalik na kaibigan din ni Troy.
Hinalikan siya ni Troy sa pisngi. “Are you okay?” tanong nito.
“Yes,” matipid ang ngiting sagot niya.
He smiled, then he kissed her deeply on the lips. Awtomatiko ang naging pagtugon niya. Humarap siya kay Troy at ipinulupot ang mga braso sa leeg nito. Mas lumalim at uminit pa ang halik na pinagsasaluhan nila. Nang buhatin siya nito papasok sa kuwarto ay siya tumutol. Mayamaya pa ay naramdaman niya ang pagsayad ng kanyang likod sa malambot na kama.
Tinabihan siya ni Troy na patagilid na humiga. “I love you,” sabi nito habang nakatitig sa kanyang mga mata.
“I love you, too,” sagot ni Faith.
Ilang sandali itong natigilan bago sumilay ang ngiti sa mga labi. “Alam mo bang first time mong sinabi ‘yan sa akin,” sabi nito.
“Really?” gulat na sabi ni Faith. Hindi siya aware sa bagay na iyon dahil likas naman siyang sweet at malambing sa boyfriend.
“Yes, but you let me feel that you love me. That’s enough for me.” Then he kissed her again.
“I want you…” sabi nito matapos ang ilang minutong pagtatagpo ng kanilang mga labi.
“I’m all yours…” But it was just for today. Today was their first monthsary and also their last day as lovers.
Nakapagdesisyon na siyang makikipaghiwalay kay Troy bago matapos ang araw na iyon. It was really hard for her pero naniniwala siya na iyon ang mas tamang gawin. Ayaw niyang sumubok sa panibago na namang long-distance relationship at sa huli ay mauuwi rin lang sa wala. Madali niya rin siguro itong makakalimutan.
Sa ngayon ay sasamantalahin niyang maging maligaya sa piling nito.
“INAANTOK KA na ba? Bakit bigla ka na lang tumahimik?” tanong ni Troy habang nagbibiyahe na sila pauwi. Lampas alas-diyes na noon ng gabi. Alas-dos ng hapon nang umalis sila sa flower farm. Ipinagpatuloy nila ang pamamasyal sa isang theme park at doon na sila inabot ng gabi.
Nilingon ni Faith si Troy nang marinig ang sinabi nito. “Medyo,” aniya.
“Come here, mag-sleep ka muna.” Inilahad ni Troy ang kanang braso nito sa kanya upang isandig niya ang ulo sa balikat nito subalit bago pa niya magawa iyon ay biglang tumunog ang message alert tone ng cell phone nito. Dumiretso na lang siya ng upo.
Umaliwalas ang mukha nito matapos mabasa ang mensahe. “Darating na sa isang araw ang parents ko,” sabi ni Troy habang ibinabalik sa ibabaw ng dashboard ang cell phone nito. “Nagpapasundo sila sa akin sa airport. Samahan mo ako para maipakilala na kita sa kanila kaagad.”
Hindi siya nakasagot.
“Faith?” untag nito makalipas ang ilang sandaling nakatingin lang siya rito.
Humugot siya ng hininga bago nagsalita. “I don’t think kailangan ko pa silang makilala,” aniya.
Nagsalubong ang mga kilay nito. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Nakapasa na kasi ako sa in-aplayan kong medical school sa Amerika…” sinadya niyang ibitin ang sinasabi.
Sandaling natigilan ito bago nagsalita. “And?”
“And because of that, we have to break up.”
Bumagsak ang balikat nito. Kitang-kita niya ang kirot na rumehistro sa mukha nito. Bigla nitong ipinasok ang sasakyan sa maluwang na parking lot ng nadaanan nilang gas station. Pinatay muna nito ang engine ng kotse bago humarap sa kanya.
“Ang akala ko ba may kasunduan na tayo tungkol sa pag-aaral mo sa States?” namumula ang mukhang sabi nito sa pagpipigil ng galit.
“Long-distance relationship is hard to survive. Yes, we can work things out but it won’t last a lifetime. Sa huli, maghihiwalay lang din tayo kaya bakit pa natin patatagalin?”
“How could you say that? Hindi ka pa nga umaalis, wala pa man tayong problema, sumusuko ka na. At basta mo na lang akong bibitiwan?” puno ng hinanakit na sumbat nito.
“You know about my past relationship. Baka hindi ko na makayanan kapag naulit na naman ang nangyari sa akin noon,” katwiran niya.
“Huwag mo akong itulad sa ex mo!” bahagyang tumaas ang tinig na sabi nito. “Sinisiguro ko sa ‘yo na hindi kita ipagpapalit kahit kanino.” Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya. “I’ll be a faithful boyfriend,” sabi nito sa mas mababa nang tinig. “Lagi kitang tatawagan at once or even twice a month bibisitahin kita. You don’t know how much I love you, Faith. Just trust my love for you, makikita mo magtatagumpay tayo.”
Sunod-sunod na umiling siya. Napakahirap maniwala sa sinabi nito. It was easy for a young athlete to be distracted by fame and fortune. And Troy was surrounded with beautiful women. Selosa pa naman siya. Baka sa tuwing mag-uusap sila ay lagi na lang niyang pagdududahan ito at mauuwi sila sa pagtatalo. At isa iyon sa maaring maging dahilan ng paghihiwalay nila.
“I made my decision. Mas makakabuti ‘yon para sa atin. Makakabala rin lang tayo sa pag-abot sa pangarap ng bawat isa’t-isa.”
Muling rumihistro ang sakit sa mukha nito. Binawi nito ang mga kamay na nakapatong sa balikat niya, sumandal sa kinauupuan at tumingin sa unahan. Ilang sandali ang lumipas bago ito muling nagsalita.
“‘Yan ba talaga ang gusto mo?”
Tumango siya. “Yes.”
Namagitan sa kanila ang mahaba-habang katahimikan bago ito muling nagsalita. “All right. Wala naman akong magagawa kung ayaw mo na, eh,” basag ang tinig na sabi nito. Muli nitong binuhay ang engine at nagpatuloy na sa biyahe nila.
Wala silang kibuan hanggang sa ihimpil nito ang sasakyan sa labas ng bakuran nila.
“I’m sorry,” aniya matapos nitong patayin ang engine.
Hindi ito kumibo. Sa halip ay bigla siyang hinila nito at niyakap nang mahigpit. Sa higpit ng yakap nito ay tuluyan nang bumagsak ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Gumanti siya ng mas mahigpit na yakap. Matagal sila sa ganoong tagpo bago nito marahang inilayo ang sarili sa kanya. Nagulat siya nang makitang basa na rin ng luha ang mga mata nito. Pinunasan niya ang luhang nasa mga mata nito. Then she cupped his face and kissed him. Mabilis naman itong tumugon. They kissed passionately for a long time.
“Thank you and take care,” aniya nang kumalas sila sa isa’t-isa.
“You too. Good luck!”
Tumango siya at bumaba na ng kotse nito.