Six years later
Portland, Oregon
“Hindi ka na ba talaga magpapapigil?” malungkot na tanong ni Faith kay Lorraine habang pinapanood niya ang kaibigan sa pag-iimpake.
Napangiwi si Lorraine at tumingin sa kanya. “Sorry, sis, pero hindi na talaga magbabago ang desisyon ko,” apologetic na sabi nito. Isa nang pediatrician ang best friend niya at pagkatapos ng ilang taong pag-aaral at pagtatrabaho sa Portland ay nagdesisyon itong umuwi sa Pilipinas at permanente nang mananatili roon. Nakumbinsi kasi si Lorraine ng kapatid ng daddy nito na si Uncle Tom na sa Pilipinas na lang mag-practice ng propesyon. Isang surgeon sa Pilipinas si Uncle Tom. Tito John and Tita Fiona, Lorraine’s parents passed away six months ago pagkatapos masangkot sa isang vehicular accident. Ipinagkatiwala ni Lorraine ang pamamahala sa Filipino restaurant business ng mga magulang nito sa Portland at Vancouver, Washington sa isang kamag-anak.
“Aminin mo na kasi. Nagsasawa ka na sa amin ni Earl kaya iiwan mo na kami,” sabi ni Faith.
“That’s not true,” mariing sabi ni Lorraine. “Alam mo namang sa umpisa pa lang ay hindi ko na gusto ang kultura ng mga Kano. Now that everything went according to our plans, dapat lang na umuwi na ako sa Pilipinas. Doon na rin ako maghahanap ng mapapang-asawa,” biro pa nito.
Pero hindi natawa si Faith, imbes ay napabuntong-hininga. “Bahala ka na nga,” pagsuko niya. Alam niyang nagluluksa pa rin at nangungulila si Lorraine sa biglaang pagkamatay ng mga magulang kaya ginusto nitong magbalikbayan na lamang para mas madaling makapag-move on. Ganoon din naman sila ni Earl. Nami-miss nila ng kanyang anak ang napakabait na mag-asawa na tumulong sa kanilang mag-ina sa maraming taon.
Walang nagawa si Faith nang mas piliin ng kanyang mga magulang na sa Los Angeles siya mag-aral ng Medicine. Mas prestihiyoso kasi ang university sa LA na nagpadala ng acceptance letter sa kanya kaysa sa university hospital na pinapasukan ni Lorraine. Mahigit isang buwan na siyang nag-aaral doon nang matuklasan niyang buntis siya. Gulong-gulo ang isip niya noon at hindi alam ang gagawin. Kahit hindi niya hiniling kay Lorraine ay pinuntahan siya nito at dinamayan.
“Kailan mo balak sabihin kay Troy ang kalagayan mo?” tanong ni Lorraine nang bahagya na siyang kumalma matapos nilang mag-iyakang magkaibigan.
Umiling si Faith. “May iba na siya ngayon.”
Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Lorraine. “Ano’ng ibing mong sabihin?”
Ipinakita niya sa kaibigan ang mga online article tungkol kay Troy at sa napabalitang girlfriend nito na si Frances Yuzon. Nagkamali siya sa pag-aakalang madali niyang makakalimutan ang binata. Gabi-gabi ay umiiyak siya sa sobrang pagka-miss dito. Natagpuan na lang niya ang sariling ini-stalk ang social media accounts ni Troy para malaman ang mga nangyayari dito. Pero mula nang maghiwalay sila ay hindi na nag-update ang binata sa f*******: at Twitter account nito. Nang i-Google niya ang pangalan ni Troy, doon niya nabasa ang tungkol sa rumored current girlfriend nito.
“Rumored girlfriend lang ni Troy ang babaeng ‘yan, Faith. Mas may karapatan ka sa kanya dahil magkakaanak na kayo. Saka hindi pa naman gano’n katagal mula nang maghiwalay kayo. Siguro naman mas pipiliin ka ni Troy kaysa sa babaeng ‘yon,” sabi ni Lorraine pagkatapos nitong basahin ang mga article.
Muli ay umiling si Faith. “Ayoko nang manggulo pa. Ayokong mapilitan siyang pakasalan ako dahil lang sa magkakaanak na kami.”
“But he asked you to marry him, ‘di ba?”
“Dati ‘yon. Iba na ang sitwasyon niya ngayon.”
Bumuntong-hiniga si Lorraine. “Kailan ka naman magtatapat sa parents mo?”
“Baka hindi nila ako mapatawad sa nangyari sa akin kaya hanggang kaya ko pang itago ang sitwasyon ko, gagawin ko.”
Inakbayan siya ni Lorraine. “Don’t worry hindi kita pababayaan. You’re my best friend. Anak ko na rin ang magiging anak mo. Tutulungan kita kahit na anong mangyari.”
Nagpatuloy si Faith sa pag-aaral at iniwasan nang makibalita kay Troy. Pero hindi rin niya naitago nang matagal sa mga magulang ang pagbubuntis niya. Dalawang buwan pa ang lumipas nang sorpresang dumating ang kanyang mga magulang sa apartment niya. Hindi niya nagawang magsinungaling nang mapansin ng kanyang papa ang paglaki ng kanyang tiyan.
“I’m sorry. Hindi ko po sinasadya ang –” Hindi natapos ni Faith ang sasabihin dahil sinampal na siya ng kanyang papa.
“Mula ngayon, wala ka nang maasahang suporta mula sa amin ng mama mo. Bahala ka na sa buhay mo!” galit na galit na sabi ng kanyang papa at lumabas na ng apartment.
“‘Ma…” Binalingan ni Faith ang kanyang mama para hingin ang pang-unawa nito pero…
“Paano mo kami nagawang lokohin, Faith?”
“I’m so sorry, Ma.”
“Magmula ngayon, wala na kaming anak!” galit na galit ding sabi ng kanyang mama at lumabas na rin ng apartment.
Magmula nga noon ay wala nang natanggap na allowance si Faith mula sa mga magulang. Mabuti na lang at tinupad ni Lorraine ang pangako nito at hindi siya pinabayaan. Tumigil na siya sa pag-aaral at umalis ng LA pero imbes na umuwi sa Pilipinas ay isinama siya ni Lorraine sa Portland. Itinuring siya ng mga magulang ng kaibigan na parang isang tunay na anak at tinustusan ang lahat ng pangangailangan niya. Pagkapanganak ay ilang buwan muna siyang nagtrabaho bilang medical technologist sa isang klinika bago nakumbinsi nina Tito John na ipagpatuloy ang pag-aaral niya. Alam niyang mas mabibigyan niya ng magandang kinabukasan ang kanyang anak kung tutuparin niya ang pangarap niyang maging isang doktor. Kaya kahit hiyang-hiya na, muli niyang tinanggap ang pinansyal na lahat na tulong nina Tito John.
Ilang linggo pa lang ang nakalilipas mula nang makapasa si Faith sa medical board exam. Balak niyang mag-private practice muna ng isang taon habang pinag-iisipan pa niya ang specialization na kukunin. She wanted to be a dermatologist pero parang gusto na rin niyang maging isang plastic surgeon tulad ng kanyang mga magulang.
“Sigurado ka bang ayaw mong sumama sa akin sa pag-uwi sa Pilipinas?” Napatingin siya kay Lorraine nang muli itong magsalita. “Akala ko ba gusto mong humingi ng tawad sa mga magulang mo.”
Noong ipinagbubuntis pa lang ni Faith si Earl at ilang buwan pagkapanganak niya ay halos araw-araw siyang matiyagang tumatawag sa kanyang mga magulang para humingi ng tawad. Pero ni minsan ay hindi siya kinausap ng mga ito - hanggang sa maging abala siya nang husto. Pansamantala ay isinantabi muna niya ang paghingi ng tawad.
“Hindi pa sa ngayon, Lorraine.” Ang totoo, gusto na rin niyang umuwi sa Pilipinas. Kahit maayos ang buhay nilang mag-ina sa Amerika, iba pa rin kung nasa sariling bansa sila. Pinangangambahan kasi talaga niya ang posibilidad na muling magkrus ang landas nila ni Troy at matuklasan nito ang tungkol sa anak nila. She couldn’t imagine what would happen next.
Troy was now a professional basketball player. He was drafted second overall by the one of the most popular team in the PBA, the Energy Lightnings. Si Troy ang itinanghal na Rookie of the Year sa unang taon nito sa liga at nagkaroon kaagad ng championship trophy. Ikatlong taon na nito sa PBA nang mag-grandslam ang Energy Lightnings. Pero nang sumunod na conference ay nagkaroon si Troy ng ACL injury sa first game pa lang ng team nito sa Philippine Cup. He landed badly while fighting for the rebound. It was his first major injury in his career. Dahil doon, halos isang taon din itong hindi nakapaglaro sa PBA. Bukod sa curious si Faith sa nangyari sa dating boyfriend, nasundan niya ang basketball career ni Troy dahil na rin sa impluwensiya ni Tito John na sumubabay pa rin sa PBA kahit nasa Amerika na.
Nakakaunawang napabuntong-hininga si Lorraine. “Bahala ka na muna sa anak natin, ha?” bilin nito.
Nakangiting tumango si Faith. “Thank you for everything,” sabi niya at yumakap dito.
“Kung magpasalamat ka naman parang hindi na tayo magkikita. Dalawin n’yo ako ni Earl doon, ha?”
Tumango siya. “Someday.”
“MOMMY, let’s go to the mall now!” excited na sabi ni Earl nang sunduin ni Faith ang anak sa sinalihan nitong basketball clinic.
“Mall? Sinabi ko bang pupunta tayo sa mall today?” kunwari ay walang alam na tanong ni Faith.
Biglang sumimangot si Earl at humalukipkip. “Yes, Mom. You’re too young to forget that.”
Sandaling natigilan si Faith. Kapag ganoon ang hitsura ng kanyang anak ay lalo nitong nagiging kamukha ng ama nito. Idagdag pa na nahihilig ang anak niya sa paglalaro ng basketball dahil sa impluwensya ni Tito John. Noong una ay sinubukan niyang pagbawalan si Earl pero nagtampo lang ito sa kanya at pinagalitan pa siya ni Tito John dahil wala raw masama sa ginagawa ni Earl. Dahil tama naman si Tito John, hindi na siya tumutol pa. Mahigit limang taon pa lang ang kanyang anak pero magaling nang mangatwiran. May kakulitin at kadaldalan si Earl pero normal lang naman iyon sa isang bata.
“So?” muling tanong ni Earl.
“Okay, let’s go,” sabi ni Faith at masiglang hinila na ang anak pasakay sa kotse.
Halos hindi pa rin siya makapaniwala sa natanggap na long-distance call mula sa kanyang mga magulang ilang oras pa lang ang nakalilipas. Nakuha ng kanyang mama ang phone number niya kay Lorraine. Halos dalawang buwan nang nagtatrabaho sa St. Francis General Hospital si Lorraine - kung saan din nagtatrabaho ang kanyang mga magulang – pero kaninang umaga lang nagkita ang tatlo. Ayon sa kuwento ni Lorraine - nang magkausap sila pagkatapos niyang makausap ang mga magulang - nagulat ito nang i-approach ng kanyang mga magulang at tanungin kung alam nito kung saan siya naroon. Nagsisisi na raw ang mga magulang niya sa ginawang pagtatakwil sa kanya.
Sinabi Lorraine ang lahat-lahat sa kanyang mga magulang. Umiyak daw ang mama at papa niya, saka nagpasalamat sa malaking naitulong sa kanya ni Lorraine at ng mga magulang nito. Nang kunin ng kanyang mama ang address at phone number niya ay kaagad naman iyong ibinigay ni Lorraine. Napaiyak si Faith nang marinig ang boses ng kanyang mama. Muli siyang humingi ng tawad sa mga magulang at pinatawad naman siya ng mga ito.
Dahil sa kaligayahang nararamdaman, ibibili niya si Earl ng kahit anong laruan na magustuhan nito-bagay na bihirang mangyari. Sinasadya talaga nilang hindi bilhan ng nauuusong laruan si Earl para hindi lumaki sa luho. Binibilhan lang nila ang bata ng gusto nito kapag may okasyon o kaya naman ay kapag mataas ang grades nito sa school. Pinalaki rin nila itong magalang, disiplinado at my takot sa Diyos.
“Earl, one of these days, my parents will be coming over to visit us,” anunsyo ni Faith nang nasa biyahe na sila.
“You mean my grandpa and my grandma?”
“Yes. You’re finally going to meet them. They can’t wait to see us.”
“Yes! I can’t wait to meet them, too.”
Pagdating sa mall ay dumeretso sila sa toy store.
“Wow! Mommy, look! There’s a giant Spider-Man,” nanlalaki ang mga matang sabi ni Earl nang makarating sila sa entrance ng toy store.
Bago pa makapag-react si Faith ay nakabitiw na sa kamay niya si Earl at nagmamadaling tumakbo papasok sa loob ng toy store. Napailing na lang siya at sinundan ng tingin ang anak. Akmang hahakbang na siya papasok sa toy store nang biglang matigilan nang makita ang makakasalubong na lalaki.
Pinanlamigan si Faith ng buong katawan habang hindi makapaniwalang nakatitig sa mukha ng lalaki. Semi-bald na ang hairstyle ng lalaki ngayon, mas mukhang mature at mas lumaki ang katawan pero sigurado siyang ito pa rin si Troy Escobar na minahal niya sa loob ng maikling panahon at ama ng kanyang anak. May bitbit itong ilang paperbags sa kaliwang kamay at sa kanang kamay naman ay hawak ang kamay ng isang cute na batang babae na hula niya ay tatlong gulang ang edad. Nang mapagawi ang tingin ni Troy sa kanya ay natigilan din ito.
“Faith, is that you?” parang hindi makapaniwalang tanong nito. Before she could react, Troy was already standing infront of her, still holding the kid. Una niyang naisip na i-deny ang sarili pero bago pa muling makapagsalita ay inunahan na siya ni Troy. “I’m sure it’s you, Faith.”
“Y-yes…” Hindi na niya nagawang makapag-deny.
“It’s me, Troy. Natatandaan mo pa ba ako?”
Tumango si Faith. How she could forget someone who gave her so much to remember?
“Kumusta ka na?”
Pilit niyang pinakaswal ang boses. “I’m fine. Anak mo?” tukoy niya sa batang kasama nito.
Mabilis na umiling si Troy. “Inanak ko. I’m still single. How about you?”
Magsasalita sana si Faith pero biglang tumunog ang cell phone ni Troy. Kinukuha pa lang nito ang cell phone sa bulsa ay sinamantala na niya ang pagkakataon at nagpaalam.
“I have to go,” sabi niya at nagmamadali nang pumasok sa toy store.
HINDI nakapagsalita si Troy nang magpaalam si Faith at nagmamadaling pumasok sa toy store na pinanggalingan nila ni Juris.
“Ces,” sabi niya nang sagutin ang kanyang cell phone habang nakasunod ng tingin kay Faith.
“Nasaan na kayo ng anak ko?” tanong ni Frances sa kabilang linya.
“Sa toy store. Pabalik na kami diyan,” sagot niya.
“Okay,” sagot ni Frances at pinutol na nito ang tawag.
Ibinalik ni Troy sa bulsa ang cell phone. Nakita niyang lumiko si Faith sa isang pasilyo at tuluyang nawala sa paningin niya. Napabuntong-hininga siya habang nakakaramdam ng panghihinayang dahil hindi man lang sila nakapag-usap nito nang matagal.
Hindi niya inakalang muling makikita si Faith. She gained weights but she looked more beautiful. It had been years pero parang kahapon lang nang huli silang nagkita. Ramdam niya na parang may nabuhay sa sistema niya pagkakita sa dating girlfriend.
“‘Ninong.” Napayuko si Troy nang hilahin ni Juris ang kanyang kamay. “Mommy…” sabi nito.
Naunawaan niya ang sinabi ng inaanak. Nagpapapunta na si Juris sa mommy nito.
“All right.” Inilipat niya sa kabilang kamay niya si Juris at naglakad na sila papunta sa coffee shop na nasa ground floor ng mall kung saan naghihintay ang kaibigan niya.
Anak si Juris nina Justin at Frances. Ilang taon na ring kasal ang dalawa. Masayang-masaya siya para sa mga kaibigan niya nang ang mga ito pa rin ang nagkatuluyan kahit na nauwi rin sa hiwalayan ang ilang taong long-distance relationship ng dalawa. Dumalaw si Justin sa mga kamag-anak nito sa Portland kasama ang mag-ina nito. Dahil bakasyon pa naman sa PBA, hindi siya tumanggi nang yayain siya ng mag-asawa na sumama. Bumisita si Justin sa ospital na dati nitong pinagtrabahuhan habang namasyal naman siya sa mall kasama sina Frances at Juris.
Paglapit nila kay Frances sa loob ng coffee shop, kaagad ipinakita ni Juris ang mga pinamili nilang laruan. Tahimik namang naupo si Troy sa isang silya. Nasa isip pa rin niya si Faith.
May asawa na kaya ito at mga anak? Natupad kaya niya ang pangarap nitong maging doktor? Sigurado ‘yon. Baka residente na siya sa isang ospital.
Nakaramdam si Troy ng paninikip ng dibdib nang maalala na sa pangarap na iyon nag-ugat ang paghihiwalay nila.
“What happened to you?”
Napatingin siya kay Frances nang magsalita ito. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya.
“Nakita ko si Faith,” sabi niya na sinundan ng buntong-hininga.
“Faith who?” tanong pa ni Frances pero bigla ring rumehistro ang shock sa mukha. “OMG! Si Faith ‘yong ex-girlfriend mo?”
Tumango si Troy.
“Saan mo siya nakita?”
“Sa toy store.”
“Ano’ng nangyari? Nag-usap ba kayo?”
“Just chitchat.”
“Kumusta na raw siya? Nakuha mo ba ang number niya?”
Nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig. “Why do I have to do that?”
“C’mon, Troy. Maglolokohan pa ba tayo? Alam ko naman na kaya ka sumasama sa akin paminsan-minsan kapag binibisita ko dati si Justin dito ay dahil nagbabakasakali kang makikita mo si Faith. And now it happened. Palalagpasin mo pa ba ang pagkakataon?”
Hindi siya nakakibo. May katotohanan kasi ang sinabi ng best friend niya.
Naramdaman niya ang takot ni Faith na muling masaktan kung sakaling mauwi rin sa paghihiwalay ang relasyon nila kaya kahit ayaw niyang isuko ito noon ay sinunod niya ang gusto nitong mangyari. Kung sila talaga ang nakatadhana ay magkikita uli sila.
At sa nakalipas na mga taon, tuwing pumupunta siya sa Amerika - partikular na sa Portland kung saan alam niyang nakatira ang kaibigan ni Faith - umasam siya na magkukrus ang landas nila nito kahit hindi siya sigurado kung doon nagpunta para mag-aral. Kung mangyayari iyon, gagawin niya ang lahat kahit pa maglumuhod siya tanggapin lang uli siya ni Faith sa buhay nito. At kung kailangang sa Amerika din siya tumira at magtrabaho, gagawin niya huwag lang mapalayo uli rito. He would give up everything for her. Ganoon niya kamahal si Faith.
Kung tutuusin, madali para sa kanya na alamin kung saang parte ng Amerika nagpumta si Faith dahil nagmamay-ari ng security and detective agency ang daddy niya. Madaling humingi ng tulong pero hindi niya iyon ginawa. He wanted destiny to decide for them.
At ngayon ay nangyari na nga…
“Don’t let this chance pass, Troy. Talk to her, ” udyok pa ni Frances.
Ilang sandaling nanatili siya sa kinauupuan habang patuloy pa rin sa pag-iisip. Hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili. Tumayo at naglakad pabalik sa toy store.