Kabanata 74 Tila nabingi ako sa aking narinig. Agad akong napatingin kay Mama at mukhang pati siya ay nagulat din. Nanghina ako habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isipan ko ang mag sinabi ni Papa sa akin. Ayokong maniwala. Ayoko. Pero bumalik sa akin ang lahat nang pagkakataon na naisip ko na baka ampon lang ako kaya hindi niya ako magawang tratuhin nang maayos gaya ng kung paano niya tratuhin ang mga kapatid ko. “T-Totoo ba, ‘ma?” naibulalas ko na lang at ‘di napigilan ang pagkabasag ng boses ko. Tanging malungkot na mga mata lang ang sumalubong sa akin. Marahan siyang umiling at masuyong hinaplos ang pisngi ko. “Huwag kang maniwala sa kanya, ‘nak. Huwag—” “Wala kang utang na loob! Sana hindi na lang kita binuhay!” Patuloy pa rin sa pagsigaw si Papa. Pinapalibutan na kami ng mga

