"Caithlyn!" sigaw sa akin ni Jazz nang makarating ako sa aming classroom. Napalingon naman ako sa harapan baka kasi nandito ang professor namin tapos ang lakas pa ng boses ni Jazz. Baka mapagalitan siya nang wala sa oras kung sakali. Ngunit mabuti na lang talaga ay wala pa ang professor namin. Kaya agad akong pumasok sa room namin at nagtungo sa aking mga kaibigan. "Naaalala mo iyong babaeng huling nai-link kay Matthew?" tanong sa akin ni Val nang ako ay maupo. Napaisip naman ako sa kaniyang sinabi at tumango. Kung hindi ako nagkakamali ay iyong cheerleader. Nagkalat iyon sa social media dati. "Oo. Bakit?" tangkang tanong ko sa kaniya. Nagkatinginan naman ang dalawa na para bang nag-uusap ang kanilang mga mata. Hindi ko nga alam kung sasabihin ba nila sa akin o kung ano. Lumingon n

