Kaagad kong nalaman kung nasaan ngayon si Miguel dahil nakita ko sa internet na nagkakasiyahan sila ng mga tropa niya. Iba talaga ang nagagawa ng mga sikat o kilalang tao dahil kakalat at kakalat iyan sa internet. Mabilis kong pinaharurot ang aking sasakyan at hindi na inisip pa ang problema sa bahay. Alam ko naman kasing nandoon iyong mga bodyguard na ipinadala ni Tito kaya walang problema. Malaki rin naman ang mga tiwala ko roon dahil sigurado akong hindi sila mauuto ng dalawang iyon. Pagka-park na pagka-park ko ng aking sasakyan ay naramdaman kong nag-vibrate ang aking cellphone. Nasa bulsa ko lamang kasi ito dahil hindi ko na dinala pa ang purse ko dahil para saan pa, hindi ba? Ayaw kong magbuhat ng mga gamit ko. Tanging cash at cellphone ko lang ang dala ko dahil baka mawala ko pa k

