Hindi ko na kinulit pa si Miguel tungkol kay Francesca. Kasi may point din naman siya. Hindi niya iyon kuwento para sabihin sa kung sino. Saka hindi naman na dapat ako magtanong tungkol sa kaniya kasi may ipinakita naman siyang evidence na pinsan niya talaga ito. Lahat silang magpipinsan ay may pagkakahawig. Kaya hindi mapagkakaila na Mijares talaga sila. Bulag na lang ang hindi makakakita ng pagkakahawig nila kung sakali man. Pagdating ko sa kuwarto ni Mommy, hindi ko talaga maiwasang mapakagat ng aking labi. May ipinapahiwatig si Mommy sa mga jewels na nasa kuwarto niya. Hindi ko lang sigurado kung ano but nasabi ko na kay Tito ang tungkol dito. "Tito, nakapunta ka na ba sa kuwarto ni Mommy?" tanong ko sa kaniya. Kumunot naman ang kaniyang noo at naguguluhang tumingin sa akin. "Yes.

