Chapter 37

1217 Words

Nakahalumbaba akong nakatingin sa aking projects. Problemado ako ngayon kung paano ko ngayon ito tatapusin nang hindi iniisip ang sinabi sa akin ni Matthew. Ilang linggo na kasing gumugulo sa aking isipan na possible raw na Jewel ang pangalan niya. “Kapag ba tinitigan mo iyang mga project mo, matatapos ba?” tanong ni Matthew sa akin. Nasa condo ko pa rin siya ngayon and he’s been staying here for almost a month. At ang malala ay hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi niya sa akin noon. Napairap ako nang masalubong ng aking mga mata ang kaniyang mga mata. Kumikislap ito at halatang inaasar na naman ako dahil sa pagiging lutang ko. Ayaw kasing gumana ng utak ko ngayon at napapadalas ito. Mabuti na lamang ay nandito siya para tulungan ako kapag inaatake na naman ako ng katamaran.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD