Buong linggo akong tutok sa pag-aaral ko. Hindi ko na rin binigyang pansin ang aking cellphone kahit na dala-dala ko ito palagi. Kaya minsan ay dinadaanan na lang ako ng mga kaibigan ko sa aking condo kung may announcement ba o kung ano. Medyo malapit lang din kasi sila sa aking condo. Kung tutuusin ay nasa iisang building na kami dahil napag-isipan nilang lumipat sa building na kung saan nandoon ang aking condo. Mas gusto raw kasi nila ang condo dito dahil sa ganda ng ibinebenta at sa lawak din daw. Kaya wala silang kahirap-hirap guluhin ako kung sakali dahil alam naman namin ang mga passcode ng isa't-isa. Not unless ay palitan namin ang passcode para kung sakali man ay may privacy kami kung sakali. "Kapagod!" sigaw ni Jazz habang nag-iinat. Katatapos lang kasi ng quiz namin at medyo

